OOHMAHYYGHAAHHD
OMG na lang para maikli. Yun ang madalas sabihin ng big boss ko kapag nagugulat siya o kaya may kausap siya sa telepono at may kakaiba siyang nadiskubre, nakita o dagling naranasan.
OHHMAAAAHHYGHHAAAHHHDD.
Minsan mas mahaba pa dun.
OA lang.
Pero kanina hindi siya nakasigaw ng ganun. Di siya nakapag-react. Pinalabas niya lang kami ng opisina habangkinukuyog ng pagyanig ng lupa ang opisina at bodega.
Umatake na naman ang pasma ni mother earth.
Magnitude 5.8 ang lakas ng panginginig niya sa partengito ng Amerika. Pagkatapos may mga Magnitude 3-5 pa na aftershocks.
Mag a-alas dose ng tanghali nang una kong maramdaman ang pasma ni mother earth dito sa Amerika. Utak ko naalog, puso ko, mga muscles ko, yung lamesa ko, yung computer ko, yung mineral water bottle ko, yung sahig.
Tahimik at feeling ko eh shocked pa din ang big boss pagkalabas namin ng opisina. Nakakatakot naman kasi talaga. Aaminin ko, nayanig ako saglit doon.
Ang mga muscles ko 20 minutes yatang sinapian ng aftershock ng nginig.
O well, naawa naman ako kay mother earth. Di lang kasi siya minsan manginig.
Madalas.
Kapag dumalaw ka nga sa world live earthquake feed sites (tulad nito at nito) eh makikitang mong minu-minuto eh lumilindol sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Tara na lang sa Palawan. Di siya nadadaanan ng earthquake belt tsaka mga bagyo. Yun ng alang baka lumubog na langyun bigla. Pero kahit na. Mas gugustuhin ko namang mamatay at malunod sa ilalim ng dagat sa may Palawan kesa malibing ng buhay sa subway ng train mamaya kapag lumindol ulit mamaya.
OMG.

3 comments
–
hakhak
talo pa lindol sa tsina
elyens
XXXxx
[Reply]
samjuan reply on July 31st, 2008 4:36 pm:
Di naman ganun ka-grabe, pero malaaaaas! Hehe
[Reply]
Oops. kinapos sa letrang k. Malakas yun. Hehe
[Reply]
Leave a Comment