mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

TY

Bihira ako ng mag- “Thank you” sa mga bus drivers ng sinasakyan kong bus kapag papunta o pauwi sa trabaho. Ayoko na kasing makadagdag sa pagod nila sa pagsagot ng “You’re welcome!” sa bawat pasaherong magte-thank you sa kanila. Biruin mo, halos 40 o 50 ang laman ng bus at kapag lahat yun ay isa-isang nag-thank you sa driver, eh goodluck naman sa kanya. Isa pa, Ayoko lang mag-”Thank you” Kapag hindi ko feel. Minsan badtrip din kasi yung driver. O.a. sa bagal magpatakbo ng bus. Minsan naman barubal kasi nakita nang pasakay ka, biglang aandar at isasara ang pinto. Bihira akong mag-”Thank you.” Promise.

Uso kasi dito sa panig na ito ng Amerika na nagte-”Thank you” ang mga tao sa drivers. Well, hindi naman lahat.
Halos karamihan lang sa mga nakakasabay ko sa byahe (na karaniwan ay mga matatandang blondie, o kaya mga nanay na Mexicano o kaya mga Afri-kano na bebots at nanay at mga matatandang Hudyo ) ay nakaugalian nang mag- “Thank you” sa ate o kuyang driver na hindi naisipang ibangga yung minamaneho niyang bus kung saang poste o pader.

Wala namang masama doon. Sa katunayan ay nakakagaan pa nga ng pakiramdam kasi parang kunwari ambabait ng mga tao sa paligid mo kahit alam mong hindi naman. So may kunwaring pakiramdam ka ng security. Kunwaring mabait na community.

Dito kasi sa parteng ito ng Amerika, parang may kultura na sila na dapat kunwari mabait ka. Tipong mag-gu-goodmorning sa total stranger, tatanungin ka kung “How’s your day?” o kaya “How are you” kahit hindi naman nila talaga gustong alamin ang nagnyari sa araw mo o sa buhay mo. Siyempre ikaw naman sasagot ka ng “Ok” para matapos na ang usapan. Tapos maghihiwalay kayo ng landas ng kausap mo nang parang wala lang naganap na pangyayari. Balik sa kanya-kanyang buhay.

Kunsabagay, mabilis naman talaga angbuhay ditto. Baha-trabaho-bahay-trabaho. Babyahe ka ng ilang oras papunta at pauwi sa trabaho tapos uuwi at magpapahinga saglit sa bahay tapos trabaho ulit. Ganun lang. Unless mayaman ka dito at sadyang pinagpala, eh mag-buhay hari o reyna ka na.

Bihira akong mag-”Thank you” kasi gusto ko bukal sa loob. Isa, anumang bagay na madalas ginagamit, nakikita, sinasabi, eh pumupurol. Nababawasan ng value. Subukan mong ibaon ng matagal sa lupa yung paborito mong relo o anumang mamahaling gamit mo na meron din ang ibang mga tao. Tapos pagkaraan ng maraming taon, kapag sira na yung sa kanila,o wala nang mabibiling katulad ng relo mo, o anumang gamit yan, makikita mong tumaas ang value nito. Di hamak na mas mahal kaysa nung una mo itong binili o nakuha.

Marami na kasi akong nagasgas sa mundo, sa buhay ko. Kanina habang nagbibiyahe ako papuntang opisina, naisip ko na gusting pataasin ang value ko. Naks. Seryoso. Hindi lang face value kundi ang buong value ng pagkatao ko. Di naman ito overnight na proseso, pero alam kong kaya ko.

Bago ako tuluyang bumaba ng huling bus na sinakyan ko kanina papuntang opisina, nag “Thank you!” ako sa driver.

3 comments

1 boi { 07.03.08 at 3:51 am }

very good boy! :)

[Reply]

2 linglingbells { 07.04.08 at 8:01 am }

ako mahilig akong mag-thank you.. lalo na sa mga staff sa skul, lalo na pag matanda.. oo nga, mas masarap pag bukal sa kalooban ang pagsasabi ng thank you.. ako pag feel ko talagang mag-thank you, sasabihin ko yun at may kasamang ngiti pa.. :D

[Reply]

3 rimewire { 07.05.08 at 9:39 pm }

ui ambaet

hakhak

elyens

XXXxx

[Reply]

Leave a Comment