mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

vanity

Madalas akong masabihan ng “You look different!” nitong nakaraan.

Buti na lang madalas ding may kasunod na “You look better” kundi iisipin kong nagmumukha na akong alien o sadyang lumobo na ako ng todo.

Siguro dahil sa buhok ko at sa shades. Ngayon lang kasi ako ulit nag-ayos as in ayos talaga na pampa-pogi kapag pumapasok sa trabaho. Mula noong Nobyembre kasi, naisip kong hindi ko naman kailangang mag-ayos kapag papasok dahil una, wala naman akong popormahan o pagpapa-kyutan. Pangalawa, hindi naman sanay magsipag-ayos ang mga taong nakakasabay ko sa bus o tren. Kung itatabi mo sila sa mga pinoy na pagala-gala lang sa mall, sasabihin mong jologs sila, hindi marunong mag-ayos, at walang pera. Pangatlo, winter noon at malamig hanggang Abril, kaya naman pakapalan ng suot ang mga tao para mag-init. Kebs sa fashion. Ang mahalaga, mag-init ang katawan mo.

Habang tumatanda ang edad ko, mas lalong nababawasan yung mga bagay na ginagamit ko sa pag-aayos. Noon kasi masyado akong conscious sa mukha ko. Gumamit ako ng Maxi peel, Extraderm, RDL, Panoxyl, pati na yungmga sabon at ointment na binebenta ng derma-dermahan na pinupuntahan ko noon. Playground kasi ng mga taghiyawat ang mukha ko noong highschool, kaya naman lahat ng posibleng paraan para mapaalis ang mga taghiyawat eh ginawa ko na. Gumamit ako ng calamansi juice sa mukha, papaya, sabon na perla, oatmeal, egg white, mayonnaise at iba pa. Wala naman masyadong nangyari.

Nang mauso ang maxipeel sa mga kaklase kong lalaki noong highschool, nakiuso na din ako. Naisip kong hindi lang naman ako ang banidosong lalaki sa mundo. Kaya ayun, kahit maging sing nipis na na ng sibuyas ang balat sa mukha, tinuloy pa din namin alang alang sa ikakikinis at ikawawala ng mga taghiyawat na animo’y gremlins na nababasa sa bilis ng panganganak.

Naku, kung makikita mo ang mukha ko noon, baka isipin mong kamag-anak ko si Darth Maul sa star wars.  Bukod sa maxipeel sa umaga at gabi, naglalagay pa kasi ako ng Panoxyl. Tapos CAT pa sa tanghali. Kaya ayun, tustado ang mukha ko.  So goodluck naman sa parang pinlatsa na bakat sa magkabilang pisngi ko. Pula kung pula. Kaya may point sa highschool life ko na naglalakad ako sa corridors at schoolgrounds nang nakatakip ang mga palad sa pisngi. Napapala ng hindi nagbabasa ng directions for use.

Hindi pa ako nakuntento at tinangka ko pang magpa-derma noon. Siyempre sinipat ko muna ang budget ko, dahil alam kong mahal ang ganun luho sa mukha. Ang baon ko lang noon ay 250Php ata kada isang lingo. So dapat talagang naka-budget ang pera. Pero magpo-prom na noon. Siyempre gusto ko din maramdamang pogi ako. So nag-risk akong magp-derma sa isang derma-dermahan sa alimall. Pinausukan angmukha ko, tinusok-tusok at pinutok ang mga taghiyawat ko pagkatapos ay nirekomendahan ako ng isang bote ng chemical solution at sabon na mula sa kanila. Pagkaraan ng ilang buwan, nagdaan na ang prom at lahat, may taghiyawat pa din ako.

Mula noon itinigil ko na ang kagaguhang iyon. Pang-mayaman angganun at hindi ko kayang i-sustain. Susme. Sabon pa lang 150Php na. Iba pa yung kemikal na likido na ipapahid mo sa mukha mo. So sabi ko tama na.

Sabi nga ni Carl na kaklase ko noon, “Ayos ka ng ayos sa mukha mo, mag-aartista ka ba?”

Pangarap kong maging artista noong bata ako pero hindi na ngayon. Isa pa, hindi iyon para sa akin.

Anyways, mula nang itinigil ko si Maxipeel, Extraderm, RDL, Panoxyl at kung ano ano pa, tsaka naman nagsilayas ang mga taghiyawat. Napurga siguro. Sa mga nilagay ko. Basta noong nag-sabon na lng ako, tubig, (minsan bioderm ointment), tsaka naman umaliwalas ang pagmumukha ko. Whew.

Sa kaso ko ngayon dito, dapat medyo low key, low profile, simple. Basta di ka naman dugyutin, mabango ka, at kaaya-aya, pwede na. Di naman ako OA pumorma. Medyo Mohawk lang ng onti ang buhok ko ngayon plu shades. Yun lang. Nanibago lng siguro sila. Haha. Masama bang mag-ayos paminsan-minsan at namnamin angmagandang pakiramdam sa sarili?

2 comments

1 rimewire { 07.22.08 at 6:35 am }

elyens na u

hakhak

muka ka ng ibng lahi

hakhak]

elyens

XXXxx

[Reply]

samjuan reply on July 22nd, 2008 11:38 pm:

Onga eh. mukha na talaga akong elyen! Hehe

[Reply]

Leave a Comment