“Kuya Sam, diba nationalistic ka? Eh bakit diyan ka nagtatrabaho ha?!”
-Text message na natanggap ko kaninang umaga mula sa aking residenteng brod sa Kapatiran sa Pilipinas.
Pasimplehin natin.
Kuya Sam, diba Pilipino ka, eh bakit ka sa Amerika nagtatrabaho?
Hindi ko siya sinagot.
Continue reading ‘Nationalistic’
Kakatapos ko lang papogiin si Kuya Jay At siyempre natuwa naman siya sa ginawa ko.
Hindi, hindi ako stylist o make-up artist today. Digital dermatologist ang pinaka task ko ngayon, siyempre aside from my usual kargador at alipin na moda sa araw-araw. Nagpa-edit kasi si kuya ng mga larawangkinuna ko sa kanya kahapon. Gusto niya mga passport size na larawan at mga tipong pwedeng ipa-frame. Kaya naman todo pagpapa-pogi ang ginawa kos a kanya sumaya lang siya. Late na naman kasi ako kanina.
Continue reading ‘Midweek crisis’
Tay: Patingin nga ng picture nung babaeng kaibigan mo. Yung patay na patay sa’yo.
Sam: Sino?
Tay: Yung mukhang nagtitinda sa palengke.
Sam: Oy, laitero. Wag ka mayaman yun sa Pinas! Karamihan naman ng andito na PInoy eh mayayaman sa PInas. Tayo lang ang hindi.
Tay: Sino nagsabi sa’yo? Bakit nakaranas ba kayo ng todong paghihirap doon?
Continue reading ‘strike’
Madalas natatakot ako kapag nagagawan ko agad ng paraan yung mga bagay-bagay. Yung tipong naiisipan mo ng solusyon yung problema na sa una eh akala mo mahirap. Yung tipong madalas puro saya at sarap ang nararanasan mo. Nakakatakot kasi malakas pa din yung paniniwala ko equivalent exchange sa buhay at sa universe na ginagalawan natin.
Quid pro quo.
Tipong kapag masyado kang masaya, maghanda ka na kasi tiyak na may susunod agad na matinding dagok ng kalungkutan sa’yo.
Lahat ng bagay na makukuha mo ay may karampatang kapalit.
Continue reading ‘tit for tat’
Ate Sol (AS): sige, sabihin mo muna, kotse. Kotse ha, hindi kut-chi.
Kasamang nurse ni ate sol na lawyer sa Pinas (KNNASLSP): Kut-chi!
AS: Kot-se. Kotse, hindi kut-chi. Haha. Ayusin mo yan kundi ‘di kita palalabasin.
KNNASLSP: Ati, Kut-chi nga! Kut-chi! Kut-chi!
Continue reading ‘Viola’
Malungkot ako kanina.Pero gumaan yung pakiramdam ko nung may nakausap akong kaibigan sa telepono. Natuwa din ako nang nakapagbigay ako ng 1$ sa isang babaneg maputi na payat na artistahin na mukhang mayaman. Nanghingi siya ng 1$ pambili daw ng gatas ng baby. Ewan ko kung baby nga ba yung lamang nung tinutulak nilang babay stroller ng kasama niya. Kung tuta man yung laman nun o tiyanak. Wala na akong pakialam. Digital na naman karma ngayon. Bahala siya. Kung sindikato man sila at kidnappers, at yung isang dolyar na binigay ko na pambili sana ng gatas ng baby ay ipandadagdag nila sa pamasahe nila para makalayo, sumpain sila. Madaling mangungulubot yung mukha nung magandang babaeng yun. Pero feeling ko hindi naman talaga siya manloloko. Nag thank you naman sila ng dalawang beses sa’kin.
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=xD3IxxclCxc[/youtube]
Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa video na ‘to. Magtatawa ba ako o maiinis?
Continue reading ‘Si Maritess, kapwa OFW’
Kalahating gising at kalahating tulog ako kanina nang marinig ko yung litanya ng ateng Hispanic sa likod ng bus. Mabilis siya magsalita at iisa lang ang tono niya kaya pag pinakinggan mo yung sinasabi niya, para kang nahi-hypnotize ng latin na chant kahit na alam mo naming Spanish yung sinasabi niya. Pabilis ng pabilis, palakas ng palakas, “jsahdakshdlnfksjhndsjdhfsjkh…” Di ko na siya naiintindihan. Noong una medyo nage-gets ko pa eh. Pero nang parang sinapian na siya ng Hispanic na espiritu, wala na, kagulo na.
“Quiet! Do you hear me? Quiet!” Sabi ng iritableng boses ng babae sa likod. Ayoko silang lingunin dahil medyo inaantok pa din ako kahit na pinupukaw ng aleng maingay yung antok ko.
Continue reading ‘Sermon ang almusal’
Kakapunas ko lang ng katawan kong nanlilimahid sa dumi at pawis. Imaginin mo yung mga kargador sa pier na pawisan at madungis, ganun ako kanina. Kargador na naman ako today since walang kargador sa warehouse kundi si Riki na Mexicano at hindi niya kayang buhatin at isampa sa 18 wheeler truck lahat ng 300 na kahon na 20-40 kilos ang bigat kada piraso.
Oo. Medyo mabigat siya pramis. Noong una kayang kaya ko pa eh. Ayus sabiko sa sarili ko. Exercise! May paraan para lumaki ang maskels at baka sakaling may dumampot na chicks sa akin habang naglalakad pauwi. But no! Noong mga naka kalahati na akio ng nabubuhat at naisasampa sa truck, tinigasan ako sa ibaba.
Continue reading ’205-814′
Maganda ang arrangement ng mga ulap kaninang hapon pag-uwi ko. Nakalatag sila sa kalawakan na parang mga maliliit na bulak na sumasalo sa sinag ng araw habang nakikihalo sa nagpapalit-kulay na canvass sa itaas. Nakakatuwa. Para lang larawang kuha gamit ang HDR (High Definition Range) na technique. Tamang exposure ng mga buildings, Di gaanong maliwanag, di din madilim. Sakto. Nakakapagpagaan ng mabigat na isip, ng nararamdaman.
Continue reading ‘Hapon’
SamComments