mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

205-814

Kakapunas ko lang ng katawan kong nanlilimahid sa dumi at pawis. Imaginin mo yung mga kargador sa pier na pawisan at madungis, ganun ako kanina. Kargador na naman ako today since walang kargador sa warehouse kundi si Riki na Mexicano at hindi niya kayang buhatin at isampa sa 18 wheeler truck lahat ng 300 na kahon na 20-40 kilos ang bigat kada piraso.

Oo. Medyo mabigat siya pramis. Noong una kayang kaya ko pa eh. Ayus sabiko sa sarili ko. Exercise! May paraan para lumaki ang maskels at baka sakaling may dumampot na chicks sa akin habang naglalakad pauwi. But no! Noong mga naka kalahati na akio ng nabubuhat at naisasampa sa truck, tinigasan ako sa ibaba.

Tumigas ng todo ang mga hita ko. Una ang left hita, tapos pagkaraan ngilan pang buhat, boom! Right hita naman. Takte ang sakit lang ng cramps. So tumigil muna ako saglit at hinilot hilot ang mga hita at inistretch sila. Buti mabagal kumilos yung manong na African American na anag-aayos sa loob ng truck kaya nakabwelo ako para sa matindi pang pagbubuhat. Woohoo. Lord, sana naman wag akong maluslos ano? Tanggap ko na naman na hindi akotatangkad sa ginagawa ko eh, pero kailangan ko itong gawin. Baling araw sana bigyan mo naman ako ng chance na makapagtrabaho ng para sa akin. Kahit alipin lang sa produksyon sa teatro o pelikula ayus na ako. Sige na Lord.

Nakailang hilot at himas na ako sa kaliwang hita ko pero masakit pa din. Goodluck pag-uwi ko mamaya kapag nagkaipitan na naman sa dami ng mga tao sa subway. Maniniko talaga ako kapag may bumalya at nambarubal sa akin.

Naisip kong hindi talaga ako pang-kargador. Oo na nakakalaki at nakakatigas ng maskels pero hindi ko pinangarap na magka cramps! Demet! Oha, nakapag blog agad ako pagtapos kong ma-cramps. At may cramps pa din ako. Crap!

Mawawala din ito. Mind over matter ika nga. Isa pa, bawal magkasakit at magfeeling na may sakit. Ba-wal! Mahirap na. Walang kikitain. Baka pulutin kami sa kangkungan. Ay shet walang kangkungan dito. Fine, basurahan na may takip. Yung pinagtataguan ng mga hinahabol sa pelikula. Tas malilinlang nila yung humahabol sa kanila tas lalabas sila sa basurahan na puro basura o kaya may balat ng saging sa ulo. Ganun. Ay wag naman sana.

Sana uwian na! Sana uwian na. Buti na lang wala ang big boss ang not so big boss at ang kuya Pinoy na boss. Sa medaling salita, solo ko ang opisina kaya naitataas ko sa lamesa ang hita kong matigas at masakit.  Sana lang may time space warp dito tapos biglang may lilitaw na masahista.

8 comments

1 Ederic { 08.15.08 at 3:34 am }

Time-space warp! Ngayon din!

Masahistang kamukha ni Ida? Hehe.

Pahinga ka muna. :-)

[Reply]

samjuan reply on August 15th, 2008 2:11 pm:

Hehe.
Bawal magpahinga kabayan. Tulog lang sa bus at sa tren ang pahinga dito.

Magaling kaya magmasahe si Ida?

[Reply]

2 r-yo { 08.15.08 at 4:38 am }

tama nga sila. this is one nice blog. ingat sa pagbubuhat…

[Reply]

samjuan reply on August 15th, 2008 2:12 pm:

Salamat sa pagbisita kabayan.
Onga eh. Mahirap na mabalian ng buto.

[Reply]

3 KRIS JASPER { 08.15.08 at 5:04 am }

That’s hard work… just mind your back…

[Reply]

samjuan reply on August 15th, 2008 2:12 pm:

Sinabi mo.
Salamat sa pag-aalala kabayan!

[Reply]

4 Boi { 08.16.08 at 1:14 am }

Cramps ka din pala nung araw n un.

Naks dami mu ng fans, sam.

[Reply]

samjuan reply on August 16th, 2008 3:34 am:

Onga eh. Buti wala na ngayon.

Naku, fans ka jan. Haha

[Reply]

Leave a Comment