mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Hapon

Maganda ang arrangement ng mga ulap kaninang hapon pag-uwi ko. Nakalatag sila sa kalawakan na parang mga maliliit na bulak na sumasalo sa sinag ng araw habang nakikihalo sa nagpapalit-kulay na canvass sa itaas. Nakakatuwa. Para lang larawang kuha gamit ang HDR (High Definition Range) na technique. Tamang exposure ng mga buildings, Di gaanong maliwanag, di din madilim. Sakto. Nakakapagpagaan ng mabigat na isip, ng nararamdaman.

Pero sa kabila ng magandang ulap kanina dito sa Amerika, na-miss ko yung tunog ng patak ng ulan sa bubong namin sa prubinsiya. Yung Nakaka-relax na tunog nito na parang winawalis tingting yung bubong, na parang nalilinis na din at nahuhugasan ang pakiramdam mo. Nakaka-miss yun ng todo. Pampatulog ko yun noong bata ako eh. Dapat ayusin ko na nag buhay ko dito nang makabalik ako agad sa prubinsiya at muling maranasan ang patak ng ulan sa bubong.

3 comments

1 dak { 08.14.08 at 4:55 am }

why not?!

pwede mo naman linisin ang bubong nyo dyan sa america!

[Reply]

2 R.J. { 08.14.08 at 1:19 pm }

hinahanap hanap ko na rin ang tunog ng patak ng ulan sa bubong, kaso walang ulan talaga dito sa qatar at sumisiksik sa singit ang init.

minsan nga malakas ang hangin at akala ko uulan, binilisan ko lakad ko para makauwi agad. naalala ko nasa qatar nga pala ako. wala lang. =D

[Reply]

samjuan reply on August 14th, 2008 5:12 pm:

Nakakamiss naman talaga diba? dito, umuulan nga, puro naka kisame naman, kaya wala din. Hehe.
Salamat sa pagdaa kabayan!
Ingat diyan sa Qatar!

[Reply]

Leave a Comment