Haponesa-longganisa
Dalawang araw na ang nakakalipas nang mapanaginipan ko si Haponesa pero hindi ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari sa panaginip.
Si Haponesa ay ex-flame noong kolehiyo, isang pinangarap na babae na naging kaibigan at org-mate. Maputi siya, mahaba ang buhok, mahinhin magsalita (Imagine Annica, Nina Jose, sa My Girl Philippine Version) na may pinagsalong mga mukha ni Cindy Kurleto, Liv Tyler na may halong pagka-Pinay. PInay kais ang nanay niya at Hapon ang tatay niya.
Sa panaginip ko, para siyang naglilihi at naghahanap ng tatlong longganisa. Oo, longganisa ang hanap niya, hindi hotdog, hindi sausage, kundi ang pinoy na pinoy na longganisa.
Ewan ko kung paano kami nagkasama sa panaginip ko. Huli kaming nagkita noong kolehiyo nang hindi nagpapansinan habang nakahawak siya sa kamay ng boyfriend niyang may ari ng restaurant na nagtitinda ng mga Italian-inspired dishes.
Sa panaginip ko, hawak niya ang aking kamay habang mabilis na naglalakad papunta sa unang karinderya na malapit sa kalsada. Agad kaming umupo. At nang lapitan siya ng waiter, “Tatlong Longganisa please!” agad ang bungad niya.
Aba malay ko ba kung bakit siya naghhanap ng tatlong longganisa.
“Three longganisa please? I want longganisa! Longganisa!”
Pagkaraan ng ilang minuto bumalik ang waiter. Walang longganisa. Hotdog na lang daw.
Nagwala ang kasama kong haponesa. Nagdabog sa mesa. Naghahanap pa din ng longganisa.
Pinaliwanag ng waiter na wala na silang stock ng longganisa. Nagpanic ang haponesa. Yung tipong parang may mamatay kapag hindi siya nakapag-longganisa, ganun.
HInila niya ako palabas ng kainan, tapos may narinig akong malakas na boses, tinatawag yung mga nahihimbing na zombies. Tapos nanlabo ang paligid, naglabasan ang mga zombies, wala pa ding longganisa.

4 comments
Huwaw! Annica lookalike? Chick siguro ‘yan! Hehe. = D
Bigla akong natakam sa longganisa. Favorite ko din, lalo na sa breakfast. Wala kasing longganisa dito sa Singapore.
[Reply]
samjuan reply on August 11th, 2008 11:58 pm:
NAku kabayan, chick nga siya. hehe.
Dito naman mga mexican longganisa lang meron. Iba pa din ang longganisang Pinoy
[Reply]
hahaha buti ako pinabaunan ng 2 kilos na longganisa ng family friend namin nung isang araw. talagang inimpake ko ng husto ng di mangamoy sa bagahe at siguradong makakarating sa hapag kainan dito sa mga darating pang mga araw.
[Reply]
samjuan reply on August 13th, 2008 1:07 am:
Wow. Talagang naniguro ka ah?
Hehe. Nakakamiss ang longganisa!
[Reply]
Leave a Comment