mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Midweek crisis

Kakatapos ko lang papogiin si Kuya Jay At siyempre natuwa naman siya sa ginawa ko.

Hindi, hindi ako stylist o make-up artist today. Digital dermatologist ang pinaka task ko ngayon, siyempre aside from my usual kargador at alipin na moda sa araw-araw. Nagpa-edit kasi si kuya ng mga larawangkinuna ko sa kanya kahapon. Gusto niya mga passport size na larawan at mga tipong pwedeng ipa-frame. Kaya naman todo pagpapa-pogi ang ginawa kos a kanya sumaya lang siya. Late na naman kasi ako kanina.

Oy, di ko kasalanan ah. Fine, may onti akong kasalanann kasi late na ako nagising. Imbes na 6:15 ay 7:30 na ng umaga ako nagising at ang bus ay dadaan ng 7:40. Wow. So super karipas naman ako kanina. No ligo, no breakfast. Mmm ang fresh ko. Shh ka lang muna, Di naman yun alam ng mga kasabay ko sa byahe. At least alam ko na mas maamoy pa din sila sa akin. Mabuti na lang nasanay ako sa ganitong sistema noong college. Kapag male-late na, wala nang ligo-ligo. Maghilamos, isuot angpaboritong pampa-poging sombrero, mag ayos, at magpabango. Presto! Mukha ka nang tao ulit!

Pero yun nga, di ko kasalanan kung bakit ako na-late. Nahabol ko naman ang bus dahil mapangarapin akong atleta. Feeling runner ako kaya tinakbo ko yung mahaaaabangkalsada maabutan lang ang bus. At naabutan ko siya on time. Siyempre with the bonus ng pawis at todo hingal. Whew. Mabilis naman yung bus, pero ang problema, yung tren. Late ang tren! Wooh! Pagkababa ko sa ilalim ng lupa kung saan pumaparada ang tren, may announcement na bumungad sa akin. “Dear patrons, we are sorry for the delay of the train today.” Technical problems daw. Anak ng teteng naman o!

Late ako ng 30 minutes. Salamat sa bwakanang tren na yun. Kaya naman todo pa-bibo ako kanina. Dapat matuwa si kuya. So far, tuwang-tuwa siya at aliw na aliw sa ginawa ko sa mukha niya. Antagal ko na ding hindi nagamit ang digital derma powers ko. Mahigit isang taon na. Haha. Kaka-miss. Bukas andito na naman yung mga bossy kong big bosses. Galing silang Vegas. Sana nasa happy mood sila at di masyadong utusero. Di ako dapat ma-late bukas.

2 comments

1 The Gasoline Dude { 08.28.08 at 7:16 am }

Hindi ko ata kayang hindi maligo bago pumasok. May pagka-OC OC kasi ako. Sira na buong araw ko kapag hindi ako nakaligo sa umaga.

[Reply]

2 duke { 09.22.08 at 12:27 am }

hahaha. bili ka nung mga energy bars saka packed drinks. Late din kse ako lagi, kaya pag gising ko at pagtapos magtutbras kunin ko na lang yun at kainin ko sa biyahe. oks yun, at least hindi mabaho hininga.

[Reply]

Leave a Comment