mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Nationalistic

“Kuya Sam, diba nationalistic ka? Eh bakit diyan ka nagtatrabaho ha?!”

-Text message na natanggap ko kaninang umaga mula sa aking residenteng brod sa Kapatiran sa Pilipinas.

Pasimplehin natin.

Kuya Sam, diba Pilipino ka, eh bakit ka sa Amerika nagtatrabaho?

Hindi ko siya sinagot.

Una, dahil alam kong hindi sapat ang mga paliwanag na gagawin ko sa text. Pangalawa. Madalaing araw na sa PInas nung mag-text siya. Duda ako kung magkakainitinihan pa kami. At pangatlo, Mahirap ipaliwanag ng mabilisan yung mga dahilan kung bakit ako napadpad dito at kung bakit ako nagtatrabaho dito.

Noon, noong nanay ko pa lang ang nagtatrabaho sa ibang bansa, at masaya pa akong nabubuhay sa bansang Pilipinas, kabilang ako sa mga maraming mga batang nagsasabing, “Sa Pilipinas ako magtatrabaho. Hindi ako mangingibang bayan tulad nila at pagsisilbihan ang mga kapitalistang dayuhan.” Nationalistic? Hindi rin. Malamang nasabi ng residenteng brod na nationalistic ako base sa mga prinsipyong pinaniniwalaan namin sa samahan. Isa yun sa mga isinaksak sa kukote namin noong kami’y mga neophytes pa lang. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanila noong naging pinuno nila ako. Paglingkuran ang bayan. Paglingkuran ang bayan hangga’t may magagawa.

Sabi ng tatay ko noong nalaman niyang sumasama ako sa rallies ay wag muna akong masyadong maging “hot.” Ibig niyang sabihin, wag daw muna akong masyadong magpaka-front sa mga linya, wag masyadong maging aktibo. Binigyan niya ako ng dalawang rason, Una, Hindi naman daw ako mayaman, kung kaya’t kahit kailan ay pwede akong ipatumba ng mga nilalabanan namin. Pangalawa, baka maipit ako sa pagitan ng mga nag-uumpugang bato. Baka mapagbintangan akong espiya ng mga sundalo o kaya espiya ng kilusan sa mga sundalo. Dating militar ang tatay.

Nationalistic? Hindi ko alam. Pero ang sigurado ko, kailanman ay hindi mawawala sa akin ang pagiging Pinoy ko saan mang lupalop ng daigdig ako mapadpad. At sinusumpa ko, gagawin ko ang lahat mula sa aking mga powers para maipagmalaki ang lahing Pinoy nasaan man ako.

At sa sagot kung bakit ako nagtatrabaho dito, madaming mga rason na hindi kayang ipaliwanag sa blog post o txt message lang. Mahaaaaaaabang kwento. Pero mula nang mapadpad ako dito, nalaman ko na lahat ng bagay ay may kanya kanyang rason.

4 comments

1 utakmunggo { 08.31.08 at 2:54 am }

kami nama’y napadpad dito para tumakas sa napipintong kahirapan. napagisipan kasi naming hindi na kakayaning igapang ng aming sweldo ang pangangailangan ng aming munting pamilya.

tama ka, maraming hindi kayang ipaliwanag sa blog o text. maraming saloobin ang mga ofw na tulad natin na di maiintindihan ng mga taong wala sa ating katayuan.

pano, kitakita nalang tayo sa pinas kapag nakapag-ipon na ng maayos ha? :D

[Reply]

2 gwen { 09.01.08 at 10:52 am }

pwede namang nationalistic pa rin kahit nagtatrabaho sa ibang bansa di ba.. mga ambassadors na nga kayo.. kayo na lamang ang makakapag kwento sa buong mundo kung ano talaga ang tunay na pilipino :)

mabuhay!

[Reply]

3 R.J. { 09.01.08 at 12:21 pm }

kahit naman nasa pilipinas tayo, most likely eh sa foreign employers din ang bagsak natin.

[Reply]

4 duke { 09.22.08 at 12:17 am }

kanya kanyang rason. hindi ko gusto pumunta dito pero pinilit ako ng tadhana.

[Reply]

Leave a Comment