Monthly Archive for August, 2008

Page 2 of 2

Sorry na ha?

Hindi naman kasi ako mayaman.

Mas mukha ka pa ngang mayaman sa akin. May bling bling ka pa, kahit na naka t-shirt ka lang na puti.

Yung itsura mo kasi kapag inimport sa Pinas eh magnet sa mga talent scouts, mga babae at mga kidnappers. Swerte mo kung talent scouts ang unang makakita sa’yo at gawin kang artista o model. Ayus lang din kung mga babaeng fans. Pero sorry ka na lang kapag nadale ka ng mga kidnappers.

Oo, na, mas malalaki ang braso ko sa’yo kasi nag pu-push ups ako nitong nakaraan, pero hindi ibig sabihin noon mapera ako. Sa katunayan nga, wala na ulit trabaho ang tatay. Di na kinaya ng marupok niyang spine ang higanteng alaga niya na nagwawala. So ayan, back to being a certified homeboy na ulit siya. Ibig sabihin, sa akin ulit halos lahat ng gastos.

Continue reading ‘Sorry na ha?’

Haponesa-longganisa

Dalawang araw na ang nakakalipas nang mapanaginipan ko si Haponesa pero hindi ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari sa panaginip.

Si Haponesa ay ex-flame noong kolehiyo, isang pinangarap na babae na naging kaibigan at org-mate. Maputi siya, mahaba ang buhok, mahinhin magsalita (Imagine Annica, Nina Jose,  sa My Girl Philippine Version) na may pinagsalong mga mukha ni Cindy Kurleto, Liv Tyler na may halong pagka-Pinay. PInay kais ang nanay niya at Hapon ang tatay niya.

Sa panaginip ko, para siyang naglilihi at naghahanap ng tatlong longganisa. Oo, longganisa ang hanap niya, hindi hotdog, hindi sausage, kundi ang pinoy na pinoy na longganisa.

Continue reading ‘Haponesa-longganisa’

walong buwan

1.Nakailang lipat na ng tabaho ang mga batchmates kong kasabay kong gumraduate noong kolehiyo.

Marami sa kanila naghahanap pa din ng trabahong makapagbibigay sa kanila ng self-fulfillment at marami-raming perang pantustos sa marami nilang pangangailangan.

2.Umabot na ata sa lima sa mga highschoool batchmates ko ang nagkaanak.

3.Dalawa sa batchmates ko noong college ang may anak na din at nakasal.

4.Yung kaibigan kong babae na may girlfriend na binreak ng girlfriend para sa mas batang babae, may boyfriend na.

5.Yung jurassic teacher ko ng foreign language, nasa langit na.

6.Yung nagpalaki sa nanay ko na tiya niya, deds na din.

7.Yung ex-girlfriend ko, may girlfriend na.

8.Yung isa pang ex may anak na yata.

sa pagtawid

Bagama’t mas strikto ang panghuhuli dito ng mga pulis sa mga pasaway na drivers, marami pa din ang pasaway at sasagasaan ka ng walang harabas kahit na alam niyang hindi pa siya pwedeng umusad sa kalsada.

Dito kasi, gaya nga ng nabanggit ko noon, may oras ang pagtawid ng mga tao. May umiilaw na mark kung kailan ka pwede at hindi pwedeng tumawid. Tipong stoplight ng mga tao para kontrolado ang pagtawid at maiwasan ang aksidente. Kapag naging pasaway ka, kundi ka mamumultahan ng 200USDollars eh malamang mamatay ka sa ilalim ng mga rumaragasang sasakyan. Continue reading ‘sa pagtawid’

sinok

Iniligtas ako ng sunod sunod na pagsinok at iniahon mula sa paglutang ng utak ko kung saan-saan. Mabigat na talaga ang mga mata ko kaninang nakaraang dalawang oras. Inaantok ako ng todo ditto sa opisina. Pero salamat sa sinok, nagising ako. Medyo nabawasan ng hangin ang katwan ko. Baka sobra na ako sa hangin ditto. Hangin ngdepresyon, hangin ng stress, hangin ng alinlangan, hangin ng excitement; halo-halong hangin. Buti na lang talaga nasinok ako ng todo. Salamat din sa kapeng tinungga ko sa kusina.

Sambuddies' Diary #1

BAKIT BA NAMAN KASI ANG PINOY…

ni kabayang Plummer

Ewan ko ba, bago ako pumunta ng Inglatera, unang babala palang sa akin, mag-ingat ka dahil iba ang mga pinoy sa Inglatera, kahit gaano kafriendly hindi mo alam kahit anu-ano na sinasabi sa iba tungkol sa iyo. Kahit wala ka namang sinasabi! Yun ang una, chismoso nga daw naman ang mga pinoy kahit saan magpunta. Well, may pakpak nga naman daw ang balita, kahit wala namang balita.

Isang bilin pa sa akin, wag daw masyadong magtiwala sa kapwa pinoy lalo na pag nasa trabaho (kung may kasamang pinoy sa trabaho) dahil sobra daw ang isip talangka ng mga pinoy sa Inglatera. kahit walang dapat isumbong, nagsusumbong para lang daw makapoints sa among puti o kung anumang lahi yan na nasa mataas na posisyon.

Continue reading ‘Sambuddies' Diary #1′

day 279

Alam mo yung pakiramdam na natatae ka na naiihi na nasusuka na inaantok ng todo na nanlalambot na nahihilo na naiiyak na nalulungkot na mabigat ang mata na nagugutom, ganun ang nararaman ko ngayong araw.

Joke (?) sa araw na 'to ng agosto

Nakuha ko ito sa pagagagala ko sa internet. Salamat sa blog na ito nabasa ko ito at binabahagi sa inyo.

Nakakatuwang nakakaloko lang. Sabi ng may akda ng blog true story daw ito. Baka kamag-anak niya na big-time.

A Filipino walks into a bank in
New York City and asks for the loan officer.
He tells the loan officer that he is going to the Philippines on business for two weeks and needs to borrow $5,000.

The bank officer tells him that the bank
will need some form of security for the loan,
so the Filipino hands over the keys
and documents of new Ferrari parked
on the street in front of the bank.
He produces the title and everything checks out.
The loan officer agrees to accept the car as collateral for the loan.

The bank’s president and its officers all enjoy a good laugh at the Filipino
for using a $250,000 Ferrari as collateral against a $5,000 loan.

Continue reading ‘Joke (?) sa araw na 'to ng agosto’