mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

sa pagtawid

Bagama’t mas strikto ang panghuhuli dito ng mga pulis sa mga pasaway na drivers, marami pa din ang pasaway at sasagasaan ka ng walang harabas kahit na alam niyang hindi pa siya pwedeng umusad sa kalsada.

Dito kasi, gaya nga ng nabanggit ko noon, may oras ang pagtawid ng mga tao. May umiilaw na mark kung kailan ka pwede at hindi pwedeng tumawid. Tipong stoplight ng mga tao para kontrolado ang pagtawid at maiwasan ang aksidente. Kapag naging pasaway ka, kundi ka mamumultahan ng 200USDollars eh malamang mamatay ka sa ilalim ng mga rumaragasang sasakyan.

Kaninang umaga, sa gitna ng pagmamadali ko ng maabutan ang sasakyan kong bus sa kabilang kanto, ay may gagong driver na muntik nang bumangga sa akin. Nyemas siya. nakit ana niyang naka stop pa, at naka ilaw a ng sign na maymg ataong tumatawid, eh sige pa din siya. Napahinto din ako bigla sabay takbo saya mura sa hayup na yun. Pangalawang muntik na bangga ko to dito. Yung una, sa ibang kanto, parehong scenario. nakita nang may tumatawid pa, dirediretso sila na parang sabog lang, ganun. Ganun silang ilang mga barubal na drivers dito. Kaya nga kung mapadpad ka man dito, di lang dapat doble ang ingat mo. Di lang triple, dapat todong ingat. Kundi, masasayang langang buhay mo sa gulong ng mga american cars na minamaneho ngmg abarubal na drivers.

Ingat lagi kabayan.

4 comments

1 wei { 08.08.08 at 12:07 am }

anak ng tokwa!!! wooohh~ grabe naman yan! pero saten dude, promise, napapamura mga drivers kasi may mga pasaway na tumatawid kahit naka green pa ang light :lol:

[Reply]

samjuan reply on August 8th, 2008 6:28 pm:

Onga no? Mapa drivers, mapa- pasahero pasaway eh

[Reply]

2 boi { 08.08.08 at 11:41 am }

ingat lagi sam :D

[Reply]

samjuan reply on August 8th, 2008 6:28 pm:

naku, salamat kabayang boi

[Reply]

Leave a Comment