mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Sambuddies’ Diary #1

BAKIT BA NAMAN KASI ANG PINOY…

ni kabayang Plummer

Ewan ko ba, bago ako pumunta ng Inglatera, unang babala palang sa akin, mag-ingat ka dahil iba ang mga pinoy sa Inglatera, kahit gaano kafriendly hindi mo alam kahit anu-ano na sinasabi sa iba tungkol sa iyo. Kahit wala ka namang sinasabi! Yun ang una, chismoso nga daw naman ang mga pinoy kahit saan magpunta. Well, may pakpak nga naman daw ang balita, kahit wala namang balita.

Isang bilin pa sa akin, wag daw masyadong magtiwala sa kapwa pinoy lalo na pag nasa trabaho (kung may kasamang pinoy sa trabaho) dahil sobra daw ang isip talangka ng mga pinoy sa Inglatera. kahit walang dapat isumbong, nagsusumbong para lang daw makapoints sa among puti o kung anumang lahi yan na nasa mataas na posisyon.

Aba! Idinagdag pang bilin, dapat raw, pag magtatanung ang kapwa mu pinoy eh sumagot lang kung kinakailangan, walang labis, walang kulang. diyos ko naman oh! Eh siyempre kung anu yung tanung, yung lang ang sagot…

Pero bago ko lang nalaman, hindi pala yun ang ibig sabihin tungkol sa pagtatanung, marami daw kasi namang mga pinoy sa Inglatera na ‘nagpifishing’. Dahil nga wala nga namang dagat na malapit lalu na sa london maliban sa thames river, na river nga naman!

Naku! Ang dami pang bilin hindi ko na alam if anu susundin ko o kaya naman paniniwalaan. Hindi ko naman po nilalahat pero bakit nga ba kahit nasa ibang bansa na eh imbis, magtulungan, nag-aaway pa ang mga pinoy! Yung ibang lahi, pag inaway mo isang kalahi nila, silang lahat lalaban sa’yo. Takot ko na lamang baka binugbog na ako sa daan eh dadaanan lang ako ng pinoy at titingnan. WAG naman po sana! Akalain mo, hindi din naman po lahat, pero ayon sa ibang mga nakausap ko eh kahit sa nursing homes kung saan maraming nagtatrabahong pinoy eh nag-iinggitan pa eh pareho naman sila ng trabaho! Nag-aalaga ng ibang matatanda! Kung makahila nga daw eh gusto wag lang lower, dapat kapag humila eh yung wala ng Deal or No deal pa, no need for the banker to decide basta makahila lang para umangat ng konti !Hay naku!

Akala ko ba friendly tayong mga pinoy?Uulitin ko po hindi lahat pero kapag pumunta ka sa Simbahang Katolika, aba kahit sa loob eh ngumiti ka na at lahat sa kapwa pinoy mo walang ngiting ibabalik sa’yo! Eh nakapunta lang sa bayan ng reyna eh akala mo miyembro na ng royal de familia! Anu ba yan! Alam mu namang pinoy dahil sa totoo lang eh talagang halatang halata lalu na pag may kasama pang ibang pinoy dahil titingnan ka mula ulo hanggang paa…..diyos ko po! Bakit ba naman kasi ang pinoy???? Batu-bato sa langit ang tamaan….ay lagi namang panget!!!!!!!!!!!hanggang sa susunod mga kaibigan, kachismisan at kapatid!

__________________

Si kabayang Plummer (hindi niy atunay na pangalan) ay nagpadala ng email sa iamsamjuan(at)yahoo(dot)com

at nakiusap na mailathala sa blog ko ang kanyang kuro-kuro sa karanasan niya sa bansang UK. Siyempre natuwa naman ang inyong lingkod at naisipangilunsad ang Sambuddies’ Diary.

Kayo din kapag may kwentong OFW kayo, o mg akwento diyan sa Pinas ng inyong mga karanasan at opinyon sa buhay at trabaho, magpadala na ng kopya sa email. Malay mo, ikaw na ang susunod na ma-feature. Maraming salamat sa pagbabasa!

Mabuhay ka!

1 comment

1 boi { 08.08.08 at 11:39 am }

wow! may bagong aabanga. hahah

[Reply]

Leave a Comment