Sermon ang almusal

Kalahating gising at kalahating tulog ako kanina nang marinig ko yung litanya ng ateng Hispanic sa likod ng bus. Mabilis siya magsalita at iisa lang ang tono niya kaya pag pinakinggan mo yung sinasabi niya, para kang nahi-hypnotize ng latin na chant kahit na alam mo naming Spanish yung sinasabi niya. Pabilis ng pabilis, palakas ng palakas, “jsahdakshdlnfksjhndsjdhfsjkh…” Di ko na siya naiintindihan. Noong una medyo nage-gets ko pa eh. Pero nang parang sinapian na siya ng Hispanic na espiritu, wala na, kagulo na.

“Quiet! Do you hear me? Quiet!” Sabi ng iritableng boses ng babae sa likod. Ayoko silang lingunin dahil medyo inaantok pa din ako kahit na pinupukaw ng aleng maingay yung antok ko.

“I said quiet!”  Hirit ulit ng babaeng boses. “Quiiiiieeeeeeeet!” Sumisigaw na siya kaya napalingon na ako. Katabi pala siya nung aleng naglilitanya nang walang humpay. Si ateng Hispanic na maingay ay may binabasang maliit na booklet. Siguro dasal yun o mga sumpa. Ewan.

Nasulyapan ko yung aleng sumisigaw ng quiet pero yung malaking buhok lang niya yung nakita ko. So hindi kosigurado kung saang bansa o lahi ba siya galling. Ang alam ko lang galit na siya. “Agaiin, will you keep quiet?” at nang hindi na siya nakapagpigil, isang malakas na “Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” (Dagdagan mo pa ng madaming letter a) ang pinakawalan niya sa loob ng bus. Kumusta naman sa stress sa umaga.

Pagkatapos ng mahabang “aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh” na sigaw ng nairitang babae, biglang inihinto ng bus driver na babae yung bus. Sabay announce sa mic na hindi daw niya iaandar ang bus kapag hindi huminto si ateng Hispanic na naglilitanya.

“Excuse me! Will you please stop?!” sbi ng bus driver. Pero walang pakialam talaga si ate at lalo pa niyang nilakasan at binilisan ang kanyang pagbabasa. “ksjiausiowpenkndkjdksjdhdjs hjhjjhasjkdhl yhasdhjdhaj…”

Pucha naman late na’ko eh! Naiinis na din yung ibang mga pasahero at sinisigawan na nila si ateng naglilitanya. And poof, in an instant, naging parang palengke ang bus. Ang saya lang. Yung driver na sumisigaw, yung aleng naglilitanya, yung magpasaherong irritable, lahat nagsisigawan. Panalo lang. Yung iba, yung driver naman ang inaaway. Paandarin na daw yung bus. Pero sabi ni ate driver, wag daw siyang pakialaman. Hello chaos!

Nang marating na ng sigawan ang climax, huminto si ateng naglilitanya na parang nahimasmasan. “Lady, I don’t care ‘bout your religious beliefs, but next time, do consider other people. You are distracting other people!” Pahuling salita ni ate driver bago niya paandarin ang bus.

Ilang minute pa langna kapayapaan ang lumilipas nang bigla naming bumulalas sa bibig ngisang pasaherong Chinese na babae na medyo may katandaan na ang “Look! China is Back!” Sabay smile sa mga pasahero na parang Miss Universe contestant habang tumatango tango. TUmango na lang din ang mga tao para matuwa si ate. Bumaba na ako sa bus stop malapit sa opisina.

11 Responses to “Sermon ang almusal”


Leave a Reply