mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Sorry na ha?

Hindi naman kasi ako mayaman.

Mas mukha ka pa ngang mayaman sa akin. May bling bling ka pa, kahit na naka t-shirt ka lang na puti.

Yung itsura mo kasi kapag inimport sa Pinas eh magnet sa mga talent scouts, mga babae at mga kidnappers. Swerte mo kung talent scouts ang unang makakita sa’yo at gawin kang artista o model. Ayus lang din kung mga babaeng fans. Pero sorry ka na lang kapag nadale ka ng mga kidnappers.

Oo, na, mas malalaki ang braso ko sa’yo kasi nag pu-push ups ako nitong nakaraan, pero hindi ibig sabihin noon mapera ako. Sa katunayan nga, wala na ulit trabaho ang tatay. Di na kinaya ng marupok niyang spine ang higanteng alaga niya na nagwawala. So ayan, back to being a certified homeboy na ulit siya. Ibig sabihin, sa akin ulit halos lahat ng gastos.

Gusto sana kitang tulungan eh, kaso ang 20$ kada linggo eh medyo mabigat kung sa bulsa ko lang manggagaling. Wrong timing ka naman kasi. Tulog na ang mga housemates. Eh di sana napag-usapan ang ambagan para sa 20$ na ibabayad namin sa iyo sa pagdedeliver mo ng diyaryo tuwing linggo para makapag-aral ka sa kolehiyo.  Wala eh.mali ang oras ng pag ding-dong mo sa pintuan.

Kung mayaman lang ako eh bakit ba hindi kita tutulungan. Bilib nga akosa iyo kasi rumaraket ka at pinapatos mo ang mga suplado’t supladang mga tao dito para makakalap ng pera makapag-aral lang. Malayo ka sa mga madalas kong nakakasalamuhang mga kalahi mo na tambay lang dito, naglalasing, nagbabasag-ulo at palaboy sa kalye.

Balik ka na lang bukas kapag nadito yung isang pamilyana umuupa din dito. Baka maisipan nilang tulungan ka. Wag ka lang magpopolo o mag ayaus ng masyado. Allergic sila sa mga evangelists ng Jehova’s Witnesses. Yaan mo, pag yumaman ako bibili ako ng diyaryo mo.

2 comments

1 utakmunggo { 08.14.08 at 3:14 am }

sam nalungkot ako. bakit nga ba ang mga taong nabibigyan ng pagkakataon eh sinasayang lang rin? sana’y ang mabigyan ng pagkakataon ay yaong mga taong tunay na hindi sasayangin at aaksayahin ang bwenas ng buhay.

[Reply]

samjuan reply on August 14th, 2008 11:47 am:

Oo nga eh. Isa sigurong malaking irony ng buhay yun.
Ikaw na pinagpala, pero di mo nakikita ang mga biyaya mo.
Silang mga kapos, sila naman ang nagsusumikap para maisayos ang kanilang mga buhay.
haym buhay. hehe

[Reply]

Leave a Comment