mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

strike

Tay: Patingin nga ng picture nung babaeng kaibigan mo. Yung patay na patay sa’yo.

Sam: Sino?

Tay: Yung mukhang nagtitinda sa palengke.

Sam: Oy, laitero. Wag ka mayaman yun sa Pinas! Karamihan naman ng andito na PInoy eh mayayaman sa PInas. Tayo lang ang hindi.

Tay: Sino nagsabi sa’yo? Bakit nakaranas ba kayo ng todong paghihirap doon?

Sam: Hindi. Kasi maparaan tayo. Ako, Ikaw. Isa pa, ayokong magmukhang kawawa.

Tay: Nagutom ba kayo at umabot sa walang makain?

Sam: Hindi naman umabot sa ganun. Sapat lang.

Tay: Yun naman pala eh. Wag mong sasabihing tayo lang ang mahirap dito.

Sam: Ibig kong sabihin…

Tay: Hindi niyo ba nabibili o nakukuha ang mga gusto niyo doon sa Pinas?

Sam: Hindi lahat. (pause saglit) Tay, ibig kong sabihin, sila may mga properties, may mga negosyo, may sariling lupa, bahay, ganun. Tayo, wala.

Tay: Hindi naman kayo nagmukhang kawawa doon sa Pinas ah.

Sam:  Hindi nga kasi hindi naman kami mapaghangad. Tinuruan mo kaming maging kuntento sa kung anong meron diba? At i-maximize at i-utilize ang meron ka at its full potential. Pero ang sinasabi ko nga, halos lahat ng napapadpad dito na Pinoy eh mayayaman doon. Tulad nung sinasabi mo, may travel agency sila, resorts, malalaking business.

Tay: Kaya ko lang naman kayo dinala dito eh para sa magandang kinabukasan niyo.

**Pagkatapos ng pag-uusap ay naligo ang tatay at umalis. Nanood siguro ng sine mag-isa.

7 comments

1 Boi { 08.25.08 at 3:37 pm }

Ouch sa tatay mu. Masakit sa ego niya yun. Pasalamat c tatay mu na di kau materialistic at madiskarte kau sa buhay.. Pasalamat din kau na iniicp ni itay nio ang kapakanan nio kaht na ibang way ang pagpapakita nia nun.

Di kau nag iisa na “mahirap” nun. Kami din gnun. Apartment nakatira. Di nakukuha ang mga gs2 palagi. Tipid tipid sa buhay. Kng di sa utak na di rin uber utak at talent at diskarte sa buhay na bngay ni God sakn at sa mga kapatid ko, bka di rin namin nakayanan mag aral sa mga private skuls. Salamat sa scholarships at sa mga skul na gaya ng quesci (dun c man0y).

haha naku sam.. Kau nlan nga naandyan, lablab nlang . Hehe.

[Reply]

samjuan reply on August 26th, 2008 1:44 pm:

Salamat kabayan.

Ibig kong sabihin eh mahirap kami dito, maging sa Pinas. Hehe. Pero di naman yung ubod ng hirap. Kasi nga nagagawan naman ng paraan.

Isa ka ding pinagpalang nilalang kabayan!
Sabi mo nga may scholarships ka pa. Astig!

Tama ka, kami-kami na lang andito kaya lablab all of us poreber and eber emen

[Reply]

2 Kevin { 08.25.08 at 7:58 pm }

Nakarelate na naman ang mokong. Kung tutuusin, maykaya naman ang estado namin dito sa Pilipinas (napili akong 18 gifts kasi mapagpanggap akong YAMMINGS, lolz) kaso kinakailangan talagang kumayod pa ang aking minamahal na ina para mabili ako ng Ipod Touch.

LOL.

Poor we are in the Philippines, what more in other progressive nations like America? (Pero diba, recession dyan? Balita ko lang.)

[Reply]

samjuan reply on August 26th, 2008 12:56 pm:

Maswerte kang bata Kevin.
Mahalin mo ang iyong ina.

Tama ka. Recession nga dito.
Kaya maswerte na din ako at nagkatrabaho ako. Hehe

[Reply]

3 tagabukid { 08.26.08 at 10:42 pm }

siguro you will get to emphatize better with your father pag tatay ka na rin (ako di pa din e hehehe). but as a breadwinner like me, i always wanted to offer the best for my mom kaso minsan kahit anong piga hanggang dun lang nakakayanan ko. thus minsan the feeling of futility that often leads dispondency pag nakikita mong you’re best wasn’t good enough (parang sa kanta a). tapos heto ka at sinasabi sa papa mo na, oo nga di kayo nagkukulang pero di pa rin sapat. mejo nakakababa din ng morale especially during these times na wala syang work (did i read it right from your previous posts?). siguro konting sentivity lang din sa feelings ng papa mo. no question about it, you were able to drive home a point, naka-strike ka nga and you might have hit a sensitive chord there. now, did you really ace it then?

sorry mejo preachy ang dating :(

[Reply]

4 Yods { 08.27.08 at 3:49 am }

hala! away? sana maging ok na kayo uli ng erpats mo. siguro nasaktan lang yun at bad mood siya noong araw na yun kaya masyado naging sensitive.

[Reply]

5 duke { 09.22.08 at 12:32 am }

hala. nahurt si itay. naku, yan pa man din ang edad na madali sila magself pity at magfeeling worthless. hinay hinay lang. mahirap silang alagaan. bigyan mo ng project si tatay. :p

[Reply]

Leave a Comment