tit for tat
Madalas natatakot ako kapag nagagawan ko agad ng paraan yung mga bagay-bagay. Yung tipong naiisipan mo ng solusyon yung problema na sa una eh akala mo mahirap. Yung tipong madalas puro saya at sarap ang nararanasan mo. Nakakatakot kasi malakas pa din yung paniniwala ko equivalent exchange sa buhay at sa universe na ginagalawan natin.
Quid pro quo.
Tipong kapag masyado kang masaya, maghanda ka na kasi tiyak na may susunod agad na matinding dagok ng kalungkutan sa’yo.
Lahat ng bagay na makukuha mo ay may karampatang kapalit.
Sabi sa batas ng alchemy an sinusunod noong unang panahon, to obtain something, something of equal value must be lost. Ganun ba talaga yun? Kailangan lagi may equal value na katapat?
Bakit minsan, kahit kayod ka na nga kayod ng todo eh wala pa din nangyayari sa buhay mo? Bakit may mga taong, halos magpakahirap na buong maghapo’t magdamag kumita lang ng pera, pero nauuwi lang sa wala ang pagod? Namamatay lang sila na mahirap pa din. Sadya nga kayang dapat maghirap ka muna bago ka masarapan?
Palagi kong iniisp na sana dumapo sa akin ang hirap, yung tipong sana naman makaranas ako ng OA na pang-aapi tulad ng sa telenovelas, yung pasasabugin yung bahay niyo, mapapadala ka sa malayong lugar tas aapihin yung pamilya mo, yung aalisin sa’yo ang lahat ng meron ka, para mas ma-motivate ako sa buhay, dahil iniisp ko na sahuli, darating din ang sarap. Mas mahirap, mas masarap.
Eh paano kung hindi mo nakayanan ang hirpa at bumitaw ka sa kalagitnaan? Eh di wala kang sarap? Ganun ba yun? Asa’n ang equivalent exhange?
Halimbawa sa singing contest, pare-pareho kayong nagbigay ng isandaang porsyento ng effort ninyo para sa performance, pero meron talagang pinanganak na mas talentado, at siya ang makakakuha ng premyo. So ano na lang mangyayari sa’yo? nag-effort ka din naman diba? Di ka nga lang kasing talentado. Hindi equivalent. Unfair talaga nag mundo, ang mga lipunan na binuo ng tao.
Kanina naisip ko lang, parang kay simple simple nito naguguluhan pa ako. Sa simula’t sapul, iba iba na ang mga tao. Diversed. Iba’t-ibang katangian, iba’t ibang kakayahan. Kaya malamang iba’t iba din ang kalalabasan ng kapalaran ng buhay ng bawat tao depende sa kanyang mga kakayahan, katangian o karanasan. Hindi maaring maging pantay lahat. Hindi maaring laging may equivalent na kapalit. May mga bagay na nawawala na lang sa’yo na hindi na mapapalitan. Kung mapalitan man, hinding hindi na katulad noong dati. Mahabang usapin ‘to, alam ko. Bangag lang ako ngayong linggo ng madaling araw dito.
Kanina humihiling lang ako ng mas maraming mga pagsubok baka sakali mas umokey ang lalagayan ng buhay namin dito. Ewan ko. Nagpapaka-hangal na naman ako.

5 comments
Quid pro quo.
—> something for something?? yan ay kung tama pa ang pagkakaalala ko.
tama ang mga alchemists na para makuha ang isang bagay, may kailangan mawala na of equivalent value… or of ALMOST same worth.
hindi kaya ng dalawang bagay mag-okupa ng iisang area sa kaparehas na panahon… Law of Displacement.
kaya kapag may nawalang bagay sa atin, madalas may pumapalit na karampatang bagay na ookupa sa kinalugaran nung luma. hindi sila same value pero equivalent sila.
same is not synonymous to equivalent… ata. or isipin mo nalang na ganon. parang accuracy and precision. kala natin parehas ng meaning pero di naman talaga. err… nakalimutan ko na mga lessons ko dyan.
ang gusto ko lang naman sabihin sam, sa haba haba ng nilatanya ko na feeling ko eh bonggang nagkahalo-halo na eh, apply the law of physics sa buhay nalng natin.
law of displacement and law of attraction.
displace the nega para umariba ang pag attract ng positibong enrgy sa buhay natin.
wag mong hilingin na maraming pahirap ang dumating sau. hayaan mo kung anong ibigay sayo. basta ang outlook lang sa buhay eh dapat positibo ng positibo para magsawa ung negative kakapasok sayo at tuluyang mawala.
=) ngiti ka na sam!
[Reply]
samjuan reply on August 26th, 2008 1:45 pm:
Gusto ko yun, displace the nega! Hehe
Salamats kabayan!
[Reply]
kapag masaya ang buhay, isipin mo nalang na pinagpala ka ni papa God. wag mo nang singitan ng nega thoughts kasi mababawasan ang saya mo nun.
[Reply]
samjuan reply on August 26th, 2008 1:46 pm:
Tama ka diyan ate. Hehe. yes to Iwas nega movement! I am no nega-star! Hehe
[Reply]
i was struck by what you wrote: “Tipong kapag masyado kang masaya, maghanda ka na kasi tiyak na may susunod agad na matinding dagok ng kalungkutan sa’yo.”
true, i think na ingrained na sa asian psyche ang ganitong pag-iisip. tulad pag holy week at may nagpepenitensya. iniinda ang sakit dahil alam na ginhawa ang kapalit. pero di ganun ka-simple ang tradeoff diba?
galing ng sinulat mo parts
[Reply]
Leave a Comment