mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Posts from — September 2008

Kung bakit minsan kailangan magising sa pagkakahimbing

Isa sa mga abilities na nadevelop ko habang lumilipas ang panahon ay ang mabilisang pagtulog. Basta pumikit ako at naikondisyon ko na nag sarili kong makakatulog ako, kesyo nakatayo, nakaupo, naka squat o anupamang posisyon ako, makakatulog ako. Di lang basta tulog ah, yung masarap na tulog, may bonus pang mga panaginips.

Nang matuto akong magtren at mag-bus dito sa Amerika, nalaman kong malaking tulong pala ang ability kong makatulog in an instant. Bakit? Well, sa maraming dahilan, nakakatulong ang pagtulog sa iyong panandaliang pagtakas sa mga bagay na hindi mo kayang kalabanin as of the moment. Tulad halimbawa ng mga nagpapalakasang amoy ng mga tao. Mamili ka: may amoy bayabas na hinog na kilikili, may amoy suka na pawisang katawan, amoy curry na balat, amoy di naligo ngisang lingo, amoy araw at lupa (yung amoy ng mga batang naglalaro sa ilalim ng araw na natuyuan na ng pawis at nanlilimahid sa libag), amoy ng singit, amoy ng paa, amoy ng damit na di naarawan, amoy ng laway ng di nagtu-toothbrush na natuyo sa damit, at marami pang iba.

[Read more →]

September 30, 2008   8 Comments

Para sa mga nagbabalak mag-Amerika

What Part of legal immigration don’t you understand?

Larawan galing dito kay sassysafina

what part of legal immigration don't you understand?

September 30, 2008   No Comments

NBI Frame-up (Email ng Sambuddy)

Kahapon nakatanggap ako ng email mula sa isang kababayan sa Pinas tungkol sa kwento ng kaibigan niyang hinuli daw ng NBI. Sa tingin ko, medyo may anggulo ng pag-ibig at paghihiganti to. Ang susunod na sulatin ay galing sa kabayan nating si Selina. Pinadala niya ang email ng kanyang saloobin para magsilbing babala na din sa ating mga kababayan.

Heto ang email ni Selina:

[Read more →]

September 27, 2008   7 Comments

Good morning, America!

RECESSION SALE!!  THANKS TO BUSH!

-yan yung higanteng karatulang bumulaga sa tapat ng bintana ko nang magsimulang mag-away yung driver tsaka babaeng pasahero sa bus na sinasakyan ko.

“Are you talking to me bitch?” sabi nung babaeng African American na may maikli at panlalaking buhok doon sa driver.

“I am talking to every person in this bus. I don’t want roaches and bugs to come here because of all the food and dirt.” Sabi ng babaeng African American na driver na may mahabang buhok at mahahabang kuko sabay hinto ng bus.

Mas napansin ko yung mga tinitinda sa tindahan na may karatula ng RECESSION SALE!! -mga art materials, mga paintings, illustrations, sculptures at kung ano-ano pang mga pang artsy na mga bagay.

Isa-isang binuksan ni Miss driver yung mga maliliit na bintana sa may taas ng malaking bintana para makapasok ang hangin.

“What’s your problem huh bitch?!” pasigaw na sabi ng African American na ale habang dumudukot ng chips sad ala niyang plastic bag. Patuloy siyang ngumunguya habang sinusundan niya ng tingin si ateng driver. Madami pa siyang sinasabi eh, di ko na lang iniintindi. Ang daldal lang niya, [Read more →]

September 26, 2008   9 Comments

Sa amerika man may gago din

Parang Tondo lang dito sa kanto malapit sa’min kung saan ako naghihintay ng bus.

May mga tambay na nakasuot ng malalaking puting t-shirt ala gangstah-rappers na nakababad sa ilalim ng dilaw na ilaw ng poste, maraming mga naghihintay ng bus, may mga nag-mamarijuana sa paligid, may mga lasing na palakad-lakad, at siyempre may mga napagtitripan ng mga tambay.

[Read more →]

September 26, 2008   6 Comments

tiktak

Durog at wala nang buhay kong hinugot mula sa bulsa ko yung relong bigay sa akin ni Itay na nabili niya noong nadestino siya sa Africa. Yun lang ang kaisa-isa kong mabilisang basehan ng oras dito sa bansang ito kung saan kundi napakabilis ng oras ay napakabagal naman nito.

Fresh at mainit-init pa mula sa Washing machine at dryer ang shorts ko na nilabhan ng kapatid ko. Wala na din naman akong nagawa. Bakit ba nalimutan kong siya ang labanderang hindi tumitingin sa laman ng mga bulsa ng nilalabhang mga damit. Tsk! Kaya ayun, strap na lang ang natirang matino sa relo ko. Yung salamin, mga pindutan at malamang pati makinarya, durog.

Halos maghapon akong walang konsepto ng oras kahapon. Masarap. Masaya. Di ka nagmamadali. Tamang chill lang. Minsan masarap din lumaya sa pagkakatali natin sa oras. Pero dahil ang mundo ang karamihan sa mga aspetong nagpapagalaw dito ay umiikot at pinapaikot din ng oras, kinailangan kong bumili ng relo. Buti na lang may kamukha yung relo ko sa convenience store. 10$. Bargain, Japeks pero pwede na din kesa wala.

September 22, 2008   7 Comments

Maraming Salamat, Philippine Blog Awards!

Philippine Blog Awards Best OFW Blog

Maraming salamat sa naniwala at nagpadala ng nominasyon para sa blog ni Samjuan, at sa lahat ng mga may pakana at organizers ng katatapos lamang na Philippine Blog Awards. Hindi ko po talaga inaasahang mapapansin ninyo at mapaparangalan pa ang aking munting blog. Maraaaaaming maraaaaaaaaming salamat hanggang langit hanggang sa ibang galaxies tagos hanggang sa parallel universe sa inyong lahat na bumisita, naniwala, nagbasa, nagkumento, naki-link, at nakibahagi sa aking buhay dito sa bansang ito.

Asahan niyo po na mas madami pa akong mga kwentong ibabahagi sa kabila ng kayod kalabaw kong schedule dito. Ika nga, may paraan naman basta gugustuhin. Basta, sobrang pinasaya ninyo ako at parang napawi yung pagod ng mga mata, maskels, ulo, kalooban at puso ko. Maraming maraming salamat po!

September 22, 2008   28 Comments

pushcart

Nakita ko na naman si manong Pinoy na namumulot ng basura sa street ng tinitirhan namin.

Una namin siyang nakita ng tatay ko isang gabi noong winter; naka-leather jacket, namumulot ng basura, may dalang push cart, at maingat na inaayos ang mga napulot sa loob ng cart.

Naalala ko pa kung paano pa namin pinagtalunan ng tatay kung PInoy ba siya o Mexicano. (May malaking pagkakahawig kasi ang mag Pinoy at Mexicano dito sa parteng ito ng America) May kutob akong Pinoy siya pero dahil sa tanging mga dilaw na ilaw lang kalsada ang dumadampi sa katawan niya, hindi ko masiguro. Para matuldukan ang aming paghihinala, pagdaan namin ni itay sa tapat niya, sinabihan siya ng tatay na “Kumusta po?” at walang pag-aalinlangan naman kaming sinagot ni manong ng “Ayos naman kabayan!”

Natuwa ako.

Noong unang salta ko dito sa bansang ito, sobrang natutuwa ako kapag nakakarinig ng salitang Pinoy at boses Pinoy. Kaya laging may parang lukso sa aking puso (oo, parang lumukso lang talaga ang puso ko) kapag nakakakita o nakakakausap ako ng kapwa Pinoy.

Pero sa kabilang banda, nalungkot ako.

[Read more →]

September 21, 2008   3 Comments

erase.erase

Naalala ko na naman yung pulis na nanghuli sa akin. Ang nakalagay na pangalan niya sa tiket ko ay: Crabtree.

Tao ba siya o isang joke? Tumawag na ako sa sheriff’s office pero wala pa daw doon ang record ko. Hmm. Totoo nga kayang nangyari yung nahuli ako ng pulis? Shetnamalagket.

Tapos naalala ko na naman yung nakalagay sa tiket ko. Meron akong speed! 35! Ano ako kotse? Ano yun na-calculate niya steps ko per minute? Naman! Baka siya si robocop alias crabtree.

Kala ko sa Pinas lang may mga pulis na may topak.

September 12, 2008   5 Comments

Labor Day

Lunes na naman at tiyak makikita ko na naman ang pagmumukha ng aking super big bossing. Maririnig ko na naman yung boses niyang bipolar (minsan ubod ng lakas at minsan ubod naman ng hina), makikita ko na naman yung mukha niyang kamukha ni count dracula sa sesame street, maririnig ko na naman yung paborito niyang linyang “OHHHMHAAAHHYYGHHAAAHHD!!!” na paulit-ulit mong maririnig sa buong maghapon, maamoy ko na naman yung kilikili niyang may pinaghalong amoy ng sibuyas at bayabas na hinog at maririnig ko na naman yung mga utos niya, “Sam, come here! Do this! Do that!”

Bukod kay super big boss, maghe-hello din ako sa mga higanteng karton na dapat kong buhatin bilang super kargador nila. Oh Hai there huge boxes! Missed me? Demet.

[Read more →]

September 9, 2008   3 Comments

huli ka balbon!

Pagkasabing pagkasabi ko sa kausap ko telepono ng “Mag-iingat ka palagi ha?” ay saktong hinuli ako ng pulis.

Kung minamalas ka nga naman. Grace under pressure. Grace under pressure. Wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan Sam. Pero bakit ka hinuli ng bwakanang pulis na ‘to? Shet triple squared.

Yun na lang nasabi ko sa isip ko habang unti-unti nang kumakabog ang dibdib ko at sinasaniban ng panlalambot at panginginig ang mga tuhod ko.

“You crossed the line on the wrong time, sir” Sabi ng mamang pulis. Tanginaba niya? Tumawid ako nang may numero pa sa cross the street sign. Nasa 15 secs remaining pa ata kaya tumawid na ako. Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko pero kailangan kong kumalma. Sa dinami-dami ng tumawid kanina sa panahong iyon, dalawa lang kami nung babaeng mukhang haggard kagabi ang hinuli. Doon ko napagtantong nangti-trip lang tong mga hayop na ‘to.

[Read more →]

September 3, 2008   7 Comments

Tanginangnginang araw naman o!

Isang dosena lagi ang bentahan. Sa isang kahon may isang style at isang kulay lang ng damit. Sa Isnag kahon, may 2 small, 4 na medium, 4 na large, at 2 extra large. Minsan 10$, minsan 12$ o minsan naman 15$ ang isang piraso ng damit. Multiply mo sa 12, yun ang presyo ng isang kahon. Ganito ang bentahe kung bibili ka ng isang kahon sa bodega. Kaya kung gagawin ni Itay ang balak niyang business na naisip niya mula sa kanyang pagkabagot sa bahay, kakailanganin niya ng malaking pera.

Yun ang pinapaliwanag ko. Yun ang gusto ko sabihin. Hindi siya nakikinig.

Paulit ulit niyang sinasabi na alamin ko ang ganito ganyan sa bodega, kung papaano makaka-score ng magandang deal, kung papaano kikita ng salapi sa binabalak niyang business.

[Read more →]

September 3, 2008   1 Comment