RECESSION SALE!! THANKS TO BUSH!
-yan yung higanteng karatulang bumulaga sa tapat ng bintana ko nang magsimulang mag-away yung driver tsaka babaeng pasahero sa bus na sinasakyan ko.
“Are you talking to me bitch?” sabi nung babaeng African American na may maikli at panlalaking buhok doon sa driver.
“I am talking to every person in this bus. I don’t want roaches and bugs to come here because of all the food and dirt.” Sabi ng babaeng African American na driver na may mahabang buhok at mahahabang kuko sabay hinto ng bus.
Mas napansin ko yung mga tinitinda sa tindahan na may karatula ng RECESSION SALE!! -mga art materials, mga paintings, illustrations, sculptures at kung ano-ano pang mga pang artsy na mga bagay.
Isa-isang binuksan ni Miss driver yung mga maliliit na bintana sa may taas ng malaking bintana para makapasok ang hangin.
“What’s your problem huh bitch?!” pasigaw na sabi ng African American na ale habang dumudukot ng chips sad ala niyang plastic bag. Patuloy siyang ngumunguya habang sinusundan niya ng tingin si ateng driver. Madami pa siyang sinasabi eh, di ko na lang iniintindi. Ang daldal lang niya, eh inaantok ako.
“You all heard what I say. No food and drinks on this bus, please!” muling hirit ni Miss driver nang mas may effort ng onti para magka-authority ang boses.
“Why you…what’s up with you huh? What’s your problem bitch?!” sabi ulit ni ateng African American na pasahero habang inaayos niya yung sleevs ng malaki niyang puting t-shirt na nakapatong sa pula niyang sando na nagpapamukha sa kanyang flat chested.
“I don’t know what’s the matter with you ma’m, but if you will not stop, I will have to ask you to step out of the bus.” mahinahon na sabi ni Miss driver.
“You bitch!” sigaw ni aleng pasahero na kumakain ng chips mula sa putting plastic bag.
Actually madami pa siyang sinasabi. Hindi ko na lang talaga maintindihan kasi nalunod na ng “bitch!” yung mga pangungusap niya. May point pa nga na natawa na lang ako kasi para kang nanonood ng live na benggahan sa mga American reality shows ala I love New York, Tila Tequila, at marami pang iba.
“Shut the fuck up! Shut the fuck up!” sabi ni aleng pasahero sabay tayo malapit sa driver. Tapos may mga sinasabi siya na di ko na maintindihan. (Insert kanto/street african-american slang galore here with matching galaw ng ulo pakaliwa pakanan plus wave ng hands at arms)
Ang guilty niya lang. Well, siya lang naman kasi ang kumakain ng panahong yun. Siya lang din ang maingay at nagpapapansin kay Miss driver.
Mga ilang minuto din silang nagtalakan hanggang sa ihinto ni Miss driver ang bus. Di daw siya aandar hangga’t di bumababa si aleng may chips sa puting plastic bag.
Dahil siguro nahiya na din siya sa ginagawa niya at masama na ang tingin ng mga pasahero sa kanya (ke aga-aga namankasi mang-bitch ni ate, tapos madami pa ang male-late dahil sa kanya) ay bumaba na din si ateng maingay.
Pagkababa niya at pagkasara ng pinto, akala ko tapos na ang drama. Di ko inaasahang may pabaon pang malutong na “YOU BITCH!!” si Miss driver sa kabababang pasahero. Pagkatapos noon din a ako nakatulog sa bus.

he he. andami talaga makulit sa mundo e no? sana sumingit ka at nakimura na rin ng Tagalog. he he
Natawa na lang nga ako sa murahan nila kaya di na’ko nakisali. Haha
bakit nga ba ung ibang mga african-american hindi makapagsalita ng walang mura sa sentence nila? haha. anu ba yan, pati ibang itim nadadamay sa kanila, di naman lahat ng itim ganun, lalo na ung mga desente.
anyway, buti pa kayo nakakasakay sa bus, sana ako din, never pa kasi akong nakasakay ng bus dito eh, miski nung bata pa ako sa pinas, pag may field trip lang ako nakakasakay.
yo bitch! hahah parang si ate kumakain naman pala ang may problema. tsktsk
Oo, parang may toyo lang si ate. buti na lang bumaba siya. haha
minsan din ganon nalang yung natatandaan ko pag may nagmumurahan dito sa may gillage namen e. magmumog sana sila ng holy water. lols.
Naku, baka matunaw lalamunan nila at maglaho ang dila
Di natin masisisi ang mga kano. Mahilig sila sa ganung salita, at isa pa, eh sa kanila naman nanggaling yun.
Buti pa yung drayber dyan, may malasakit sa bus niya. Dito, wala, hehe.
Kumakain din ako sa bus at nagtatapon ng kalat. Kaya ayun, andaming ipis nung bus.
Haha. Yun nga eh. Kung ano pinapalabas nila sa Tv, ganun na ganun din ang mga eksena sa bus. Haha.
Pag pala natiyempuhan mo si ateng driver na yun, mapaparinggan ka din niya. Haha