huli ka balbon!
Pagkasabing pagkasabi ko sa kausap ko telepono ng “Mag-iingat ka palagi ha?” ay saktong hinuli ako ng pulis.
Kung minamalas ka nga naman. Grace under pressure. Grace under pressure. Wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan Sam. Pero bakit ka hinuli ng bwakanang pulis na ‘to? Shet triple squared.
Yun na lang nasabi ko sa isip ko habang unti-unti nang kumakabog ang dibdib ko at sinasaniban ng panlalambot at panginginig ang mga tuhod ko.
“You crossed the line on the wrong time, sir” Sabi ng mamang pulis. Tanginaba niya? Tumawid ako nang may numero pa sa cross the street sign. Nasa 15 secs remaining pa ata kaya tumawid na ako. Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko pero kailangan kong kumalma. Sa dinami-dami ng tumawid kanina sa panahong iyon, dalawa lang kami nung babaeng mukhang haggard kagabi ang hinuli. Doon ko napagtantong nangti-trip lang tong mga hayop na ‘to.
Ayon sa mga minamarathon ng tatay ko sa TV na palabs tungkol sa mga pulis, madalas ang mga pulis dito nanghuhuli basta lang may huli. Tipong gagawan ka nila ng paraan magkakaso ka lang at may huli lang sila. Quota over kotong. May quota kasi sila na minimum number of huli per day na dapat ma-meet. At pakingnanginangshets! Ako pa ang napagtripan nila today.
Sabi ni ateng mukhang haggard kagabi, “Is this Jaywalking?” Sabi ni kuyang pulis, “Mmm. Nope. Let’s say you just violated the traffic rules.” Tangenangshits naman o. Tumawid ako habang may nakailaw pa na sign na pwedeng umawid at may 15 secs pa.
Bored lang ang itsura ni ate. Antok at haggard lang talaga kaya ginaya ko na lang siya. Nanghingi ng ID ang pulis. Kebs si ate. Bored nga eh. Siyempre ako din kunwari bored. Ambilis ng takbo ng isip ko. Sumasabay sa kabog sa dibdib. Naman! Hindi pwedeng malaman ni mamang pulis na epal na expired na ang ID ko. Tapos kinakatakot ko pa yung lagging sinasabi ni itay, nab aka makalkal ang recoreds ko at kung ano-ano angmahagilap nila sa akin at ma kick-out ako dito sa bansang ito. Cannot be! Not now sabaw. Mga dalawang minute na ang lumilipas at wala pa ding nagbibigay ng ID. Busy din naman ang nantitrip na pulis at may kadaldalan siya. Ibibigay ko ba o hindi? Shet! After ilang Segundo, binigay ko din si ID. Nung una ayoko pang ilabas sa wallet ko para di niya makita ang expiry date pero maarte siya pinatanggal niya sa wallet at kinuha ang ID. Kabog kung kabog lang ang dibdib ko. Nanlulumo na ako na nanghihina. Sheet! This can’t be my demise! Naman! Nung mga panahong yun, hinihiling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin ako ng buo. Pero pagkaraan ng ilang segundo, shet binawi ko din agad ang wish ko dahil subway ang nasa ilalim ng lupa. Basta sana maglaho na lang ako on the spot ahora mismo!
Tahimik lang kami. Si pulis, ako at si ateng mukhang haggard. Nililista niya data ko sa tiket. Kabado pa din ako. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Grace under pressure. Grace under pressure.
Pagkaraan ng forty hundred thousand years, binalik na ni mamang pulis ang ID ko. Sunod iniabot ang ticket sabay sabing basahin ko daw yung instructions sa likod kung paano ko maki-clear ang pangalan ko. Malamang magbabayad ako at haharap sa korte. Muntik ko nang lukutin yung papel on the spot pero napigilan ako ni grace under pressure. Tapos sabay ngiti ang gagong pulis tas sabi have a good day sir! Pakyugagokaulolhaveagooddaymyass! Sabay takbo kasi maiiwan na ako ng tren na naka-park sa ilalim ng lupa. Sa tren, kalmado na ako. Nagbasa na lang ako ng Nick and Norah’s Infinite Playlist habang nakiki-epal sa isip ko ang susunod kong da moves sa kaengotang nangyari sa umaga ko.

7 comments
hala. ingat sa pagwiwish. masagasaan ka ng subway.
[Reply]
buti na lang, best friend mo si Grace. He he. Bat nga ba kasi di mo inilaban na me 15 secs ka pang nakikita? baka naman makumbinsi. pag hindi e di tsaka ka mag fine.
[Reply]
Grace under pressure? naku di ako marunong diyan, kung sa kin nagyari yan por syur baka nahimatay na ko sa kaba at takot. ehehe.
ingat sa pagtawid next time at gudluck sa pagkiclear mo na gagawin! may mga ganung kaekekan pa pala diyan. dito sa pinas abutan mo lang sinkwenta ayos na. hehe:)
[Reply]
ay punyema yan. suskow mabait ka lang sam. kung ako nyan eh di tumalak ako ng tumalak. (hehe.. jowk. siguro uurong ang sungay ko. takot ako sa lespu eh.)
[Reply]
ayos lang yan
buti nga strict sila e. dito sa pinas, tsk.
pero, di ka naman ata nila totorture-in, kaya aja!
[Reply]
how much naman ung fine sa mga ganyan?
[Reply]
hahaha. ganyan ang linya ko ngayon. kapag minamalas nga naman oh! ako lahat ng storya ko bumbagsak. hay. ayun wala pa akong shoot. malas!
[Reply]
Leave a Comment