Kung bakit minsan kailangan magising sa pagkakahimbing
Isa sa mga abilities na nadevelop ko habang lumilipas ang panahon ay ang mabilisang pagtulog. Basta pumikit ako at naikondisyon ko na nag sarili kong makakatulog ako, kesyo nakatayo, nakaupo, naka squat o anupamang posisyon ako, makakatulog ako. Di lang basta tulog ah, yung masarap na tulog, may bonus pang mga panaginips.
Nang matuto akong magtren at mag-bus dito sa Amerika, nalaman kong malaking tulong pala ang ability kong makatulog in an instant. Bakit? Well, sa maraming dahilan, nakakatulong ang pagtulog sa iyong panandaliang pagtakas sa mga bagay na hindi mo kayang kalabanin as of the moment. Tulad halimbawa ng mga nagpapalakasang amoy ng mga tao. Mamili ka: may amoy bayabas na hinog na kilikili, may amoy suka na pawisang katawan, amoy curry na balat, amoy di naligo ngisang lingo, amoy araw at lupa (yung amoy ng mga batang naglalaro sa ilalim ng araw na natuyuan na ng pawis at nanlilimahid sa libag), amoy ng singit, amoy ng paa, amoy ng damit na di naarawan, amoy ng laway ng di nagtu-toothbrush na natuyo sa damit, at marami pang iba.
Mabisa din ang pagtulog para makaiwas ka sa ingay ng mga nagdadaldalang mga batang emo, mga AfricanAmerican na mga (malalaking bulas) bata na sigawan ng sigawan at bichitahan ng bichitahan sa isa’t -isa, mga baliw baliwan, mga baliw, mga kumakanta, mga namamalimos, at mga taong pinanganak para lang mag-ingay sa tren.
Naalala ko minsan nang may ma-encounter akong African American na babae habang nakasakay sa tren pauwi. Sigaw siya ng sigaw ng “Fuck! Fuck! Fuck you all white people! You think you can elnslave us all because we’re blacks? Huh?” tapos lalapitan niya yung mga pasahero isa-isa, ilalapit niya yung mukha niya sa mukha mo sabay sisigawan ka kung puti ka. “FUCK YOU!” Adik lang si ate. Wala naming umaaway sa kanya. Maglalakad siya sa aisle sa tren tapos iisa-isahin ang mga upuan. Natakot naman ako kaya nagtulug-tulugan ako. Kunwari nakapikit ako pero may maliit na uwang pa din na nakakakita sa mata ko. Sori siya singkitin ako. Nakakatakot lang. kasi na kapag tuluyan akong pumikit, eh pagmulat ko bubulaga sakin yung mukha niya sabay papakyuhan ako. “FUCK THIS AMERICA! You all think am dirty? Am trash! Fuck up!” Sabay alis. Yun na ang parting words ni ate. Patulog na ako noon.
Minsan naman may mga biglang papasok sa tren tapos maggigitara. May matandang gitarista na kumakanta na ayus naman pakinggan. May gimik pa siya na, “If you like the show, just let the hat know” sabay hagis ng sombrero sa sahig bilang pahiwatig na palimusan na daw siya. Minsan ko na ata siyang nabigyan ng barya.
Meron din naming pumapasok sa tren na may gitara, mamamalimos pero mukhang manloloko lang. Edi luluhod siya sabay may mahaaaaaaaabang into siy asa sarili niya. Na kesyo struggling musician daw siya na palimusan daw siya na art daw gagawin niya, basta madami siyang sinasabi tapos biglang maggigitara. Buti sana kung kaaya aya yung ginagawa niya eh. Eh ang kaso parang nambabarubal lang siya ng gitara. Ii-strum niya yung gitara na parang batang ginagago lang yung gitara. Imbentong tono. Imbentong plucking ng chords. Tapos hihirit pa siya ng original composition daw yun. Gago ba siya? Nakapagpakulay nga siya ng violet na buhok tapos wala siyang pera. PAK OP!
Ilan lang yan sa mg amaraming dahilan kung bakit masarap matulog sa tren. Pero may isang pagkakataong di ko malimutan na napa “shet saying sana di na lang ako natulog!” talaga ako.
Nung hapon na yun kasi napagitnaan ako ng ke lalakas na mga amoy. Eh siksikan ang tren at nakatayo ako, so minauti kong matulog habang nakatayo para naman makatakas ako sa amoy. So edi himbing nako at di ko na namalayan na iba na pala ang mga katabi ko. May tumabi pala sa aking gerlet na halos idikit na ang pwet niya sa aking junjun. Aba malay ko bang nilalandi niya ako. Inaantok ako, pagod at nahilo sa amoy ng mga nauna kong katabi. So natulog lang ako ulit. Nang maalimpungatan ako, nakaupo na sa upuan sa harap ko si gerlet at inis na sinasbi sa kausap niya, “Damn it! He’s sleeping!”
Shetsnamalagkets! Sayang. Sana pala nagising ako. Ayan. Tigang pa din ako hanggang ngayon.

8 comments
haha! ambangis! useful ang skill na yan ah.
[Reply]
samjuan reply on September 30th, 2008 7:06 pm:
Haha. Useful sa paglimot ng baho at ingay at di kaaya-ayang tanawin.
[Reply]
lakas ng kamandag sa girls. hahahah
[Reply]
samjuan reply on September 30th, 2008 7:06 pm:
Naku, minsan lang naman yun kabayang boi
[Reply]
blondie ba yung girl? dapat sinabi mo rin…gising na ho ako pari ang junjun ko…ahihiiii
sa kwento mo sa mga kaganapan sa loob ng tren nag-init na ang ulo ko…ayoko ng ganun kagulo
[Reply]
samjuan reply on September 30th, 2008 7:09 pm:
Haha. baka kung ano mangyari kapag nilapitan ko pa siya at dineklarang pati si junjun ay awake and alive na.
Naku, matetest talaga nagpasensiya mo sa mga kaganapan sa tren dito. Pero di pa naman umaabot ang kasikipan sa lebel ng sikip ng MRT sa Pinas.
[Reply]
ok lang maging tigang, ngayun lang yan… lapitin ka naman eh… hehehe… kaya lang parang ang weird na makipag hookup sa tren.
[Reply]
samjuan reply on October 1st, 2008 2:17 am:
Haha. Ayus lang ang train hook-up basta ba mabango siya eh
[Reply]
Leave a Comment