Labor Day

Lunes na naman at tiyak makikita ko na naman ang pagmumukha ng aking super big bossing. Maririnig ko na naman yung boses niyang bipolar (minsan ubod ng lakas at minsan ubod naman ng hina), makikita ko na naman yung mukha niyang kamukha ni count dracula sa sesame street, maririnig ko na naman yung paborito niyang linyang “OHHHMHAAAHHYYGHHAAAHHD!!!” na paulit-ulit mong maririnig sa buong maghapon, maamoy ko na naman yung kilikili niyang may pinaghalong amoy ng sibuyas at bayabas na hinog at maririnig ko na naman yung mga utos niya, “Sam, come here! Do this! Do that!”

Bukod kay super big boss, maghe-hello din ako sa mga higanteng karton na dapat kong buhatin bilang super kargador nila. Oh Hai there huge boxes! Missed me? Demet.

Masamang senyales ata ito. Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito, Wala pa nga akong isang taon dito, eh nakakarmdam na ako ng pagkasawa sa pagmumukha ng boss ko. Hindi dapat. Kailangan ko pang magtiis ng matagal-tagal at makaipon muna bago makapag-move on. Hangga’t hindi pa naayos ang mga kapapelan ko dito, wala pa akong karapatang mag-inarte at mamili ng trabaho. Pasalamat na lang ako at isa ako sa mga pinalad na magkatrabho sa kabila ng libo-libong mga kanong walang trabaho.

Sa kabila nito, may rason pa din naman ako para mahalin si super big boss- pinapasweldo niya ako. Dapat bibo kid pa din hanggang sa taasan niya ang sweldo ko. Naman! Ikaw na ang magbodegero at all around office person nila. Wooh! Pero dahil medyo toxic na yung pagmumukha ni boss, hindi ako pumasok ngayon. I declare my holiday.

Pahinga muna ako ngayong araw. Sinabi ko sa kanila na may sakit ako at sumakit ang mga muscles ko kakabuhat ng mga higanteng karton sa bodega. Bukas papasok na naman ako. Kayod ulit. Isa ulit araw kasama si super big boss.

3 Responses to “Labor Day”


  • ayun. super masel man ka na sam. lagi ka mag iingat dyan ah

  • tinatry ko iimagine exactly ang amoy ng sibuyas at hinog na bayabas pag pinaghalo. haha.

  • matigas na rin ang mukha ko sa workplace ko, sam. yung mga nakakataas sa akin kung minsa’y sinasagot ko na rin. okay lang naman dito kapag nangatwiran, unlike sa pinas na parang demonyong diyos ang mga boss. nilulugar ko lang sempre. i make syur na tama yung punto ko.

    mahirap magwork kapag unhappy ka sa workplace at sa piling ng mga kasama mo. try shopping for other jobs nalang kung di mo na sila kayang sikmurain.

Leave a Reply