mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

NBI Frame-up (Email ng Sambuddy)

Kahapon nakatanggap ako ng email mula sa isang kababayan sa Pinas tungkol sa kwento ng kaibigan niyang hinuli daw ng NBI. Sa tingin ko, medyo may anggulo ng pag-ibig at paghihiganti to. Ang susunod na sulatin ay galing sa kabayan nating si Selina. Pinadala niya ang email ng kanyang saloobin para magsilbing babala na din sa ating mga kababayan.

Heto ang email ni Selina:

Tangina lang talaga. Hindi ko alam kung anong meron sa kokote ng walangyang krim na yan at nakuha niyang ipahuli sa NBI people ang kaibigan ko at kasuhan ng isang bagay na NEVER as in N-E-V-E-R in my life, and i swear to the Heavens na magagawa ng kaibigan ko yun. Pakinangshit siya!!!!!!!!!!! Tapos ang kupal kupal ng mukha niya para maningil ng 500,000 pesos for what??? para sa putangina niyang reputasyon DAW na nasira. Eh siraulo ba siya… MATAGAL NA MATAGAL ng sira ang pagkatao niya sa maraming tao na siya rin naman ang gumawa. Alam mo yun, napaka immature. ARrgh!!!!!


Backgrounder: Si Krim at si Thea (hindi tunay na pangalan) ay dating magkarelasyon. HIGHSCHOOL. IMMATURE LOVE. GIRL to GIRL Relationship. Na simula ng grumadweyt kami sa highschool eh NEVER na ni Thea non naisip na balikan ang ganoong relasyon. IMMATURE nga kasi. At ang word na IMMATURE sobrang bagay sa walangyang Krim na yan!!!!!!!


Mas matanda si Krim ng isang taon ke Thea. Kahit nung college kami, yang Krim na yan eh laging gusto makipagbalikan ke Thea na lagi ko naman sinasabihan si Thea na tumigil na at walang mangyayari sa ganong relationship at napupuna ko ngang napaka malaking huthutera ng babaeng Krim na yan. Tipong lahat ng gamit ni Thea (paano richita ang kaibigan ko) eh hinihiram niya tapos di na niya ibabalik. Manghihiram ng pera hindi babayaran. Mabait lang kasi si Thea para i-let go na lang yung mga di nabalik na gamit at di nabayarang mga utang. AYAN. sa sobrang bait inabuso.


So ayun na nga dahil siraulo yang Krim na yan, niyaya na naman niya si Thea na makipagkita sa kanya after such a long time na di sila nag-uusap. Punta silang SM Starbucks at dun ay nagkausap. Yun pala ang Krim na ito eh sinisisi ang kaibigan ko na gumawa daw si Thea ng isang sex video and pictures tapos kinalat sa school kung saan nagtatrabaho ang Krim. Hello of all people na pagbibintangan niya, si Thea pa na walang alam sa Photoshop at mas lalong walang alam sa Video Editing. Si Thea pa na pag usapan nga lang ang Sex at kung ano ano pang kalibugan sa buhay eh nagki-cringe. Si thea na mas maarte pa sa aming lahat ngayon. Si Thea na napaka bata pa ng isip… tipong alam niyo yun college graduate na favorite pa din ang Highschool Musical. YUN BA YUN BA ANG MAKAKAGAWA NG SEX VIDEO PICTURES AT KUNG ANO ANO PA???????? Gago ka ba Krim??? Si Thea na halos lahat ng mamahaling gamit na sayo na pero hindi ka ever pinag salitaan ng masama. Yan ba ang sinasabi mong magkakasala???? Unbelievable kang babae ka!!!!!!!! ARGH!!!!!


EH di shempre etong si Thea sa malamang sinasabing wala siyang ginagawang anything na makakapagpasira kay Krim. Aanhin pa ba niya yun eh wala naman siyang galit sa babaeng yon??? Saka wala na rin siyang paki sa kay Krim simula ng matapos na ang lahat sa kanila noong unang panahon pa. Eh etong Krim na ito biglang may inaabot na pera, at sarcastically niyang sinasabi ata na salamat sa paggawa nung video daw. Bayad kunyari (sarcastic tone) at sa malamang ayaw ni Thea kuhain. Aanhin naman niya yun di ba??? Pero ang Krim sige pa din ng sige sa pagpilit nung puting envelope na may pera. Maya maya biglang labasan yung mga NBI People sa SM Starbucks at pinagkukuhaan ng picture ang kaibigan ko. Biglang kinuha ang cellphone ng walang kalaban laban at dinala sa NBI OFfice para imbestigahan.


Kaso daw ni Thea, abuse of women. Pero magbayad LANG daw si Thea ng 500,000 pesos CASH at that moment para iurong ang kaso. KUng at kung talagang nasira ng kung sino man ang pagkatao mo hindi mo inenegotiate ang sarili mo dahil pagkatao mo yung nasira di ba????? So ano yun di ba extortion lang ng pera???? Leche! Ang husay lang ng walangyang Krim na yan na artista. So malamang ang pamilya ng kaibigan ko nagmamakaawa… tumawad kung pwedeng wag naman kalahating milyon ang hingin. Kung at KUNG again talagang nasira ang pagkatao mo, nayurak at lahat na, hindi ka papayag na mabayaran lang ang pagka- sira ng pangalan mo AT mas lalong hindi ka dapat pumayag na makipag negotiate sa presyo ng pagbayad sayo. Nasira NGA DI BA Krim yung pagkatao mo??? Bakit nagagawa mo inegotiate ang presyo ng reputasyon mo???? KAGAGUHAN DI BA????? Dahil gago lang talaga si Krim, nakuha niyang isettle ang presyo ng katauhan niya to 250,000. ANG MURA MO NAMAN PALA KUNG GANON??? Shet ka! At dahil ayaw ng kaibigan ko magkakakaso o record sa NBI, babayaran nga nila ang 250,000. ang sarap din batukan ng kaibigan ko.


Naiinis ako sa Krim na yan pati rin sa kaibigan ko. Kung tutuusin, magka check-an ng records, magka psychological tests at lahat na ng klase ng pwedeng itest ang mananalo kaibigan ko eh. Pero hindi ni Thea makuhang ipaglaban yun dahil lang sa ayaw nilang magkaron ng kaso. Shet naman. Si Krim na nagdadrugs, na maraming pwedeng tumestigo na may toyo talaga sa ulo ang babaeng yan, na marmaing pwedeng magsabing between the two di hamak na isang demonya ang Krim na yan, na marami ng kaso. Yan ba ang paniniwalaan ng batas???? Di ba hindi???? Shet shet shet!!!!!!!!!!!!!! NI wala ngang makukuhang ebidensya na SIYA (si Thea) ang may gawa ng video dahil ang meron lang nung video ay yung KRIM na yun. Eh may toyo nga yon sa utak eh. Siya for sure gumawa ng video ng pakikipag sex niya kung kanino man yun. Siya rin for sure ang nagkalat sa kung san man siya nagtatrabaho. Paano ba naman makakalat yun ni Thea eh ni wala nga siyang kilala sa kung san si Krim nagtatrabaho eh. Puta!


Ang sarap pang batukan ng kaibigan ko… Sumama sama sa NBI ng wala man lang pinepresenta ang NBI people na Warrant of Arrest. Pinakuha ang cellphone (for evidence DAW) ng walng warrant to seize. Putangina napaka mali ng ginawa sa kanya!!!!!!! Kahit sino alam na malaking malaking kagaguhan yung ganon. So unconstitutional. KARAPATAN MO BILANG TAO BAGO ANG IBA PANG KARAPATAN REGARDLESS KUNG BABAE KA OR LALAKI. Oo nga ang kinakaso sa kaibigan ko eh abuse of women, ang pagiging babae ng kung sino man eh HINDI kahit kailanman mas mataas sa pagiging TAO ng kaibigan ko. ANo ba naman yung presentahan mo ng maayos ng warrant at mga papeles?????? Ang simple simple lang non. Wala kaming lahat paki alam kung pakinangshet na setup yan or NBI pa sila. MALI YUN!!!!!


Naiinis ako. Gusto kong iganti ang kaibigan ko sa sobrang galaiti ko sa Krim na yan. Sinabi ko sa kaibigan ko na gaga siya para pumayag sa kung ano gusto ni Krim. Sinabi ko na kailangan magfile siya ng kaso dahil unconstitutional ang ginawa sa kanya. At magfile na rin siya ng kaso para never na siya malapitan ni Krim dahil nauto at natakot na sila ngayon ni Krim sa malamang pwedeng pwede niya ulit ito ulitin. Pero putangina pa rin!!!!!!!


PERA tangina nagawa ni Krim yun????? Shet. Hindi ka tao krim yun lang ang masasabi ko. Kitang kita na demonyo ka!!!!!

_____________

Selina, puso mo kabayan. May baraw din yang si Krim na yan kung sino man siya. Pero mali, maling mali ang frame-up na naganap.

Halata namang frame-up. Parang isang olats na script sa istorya na pinagpilitang ipasa kahit alam nang sabog. Bakit kaya may mga taong ganyan? Tsktsk.

Siyempre medyo napaisip naman ako dito. Kumusta naman sa paggamit ng NBI para sa mga pansariling kapakanan diba? Nag-effort pa talaga sila para lang mahuli si Thea na ayon sa email ay walang kasalanan.

Hmm. Ano sa tingin ninyo mga Sambuddies?

7 comments

1 V { 09.28.08 at 12:42 pm }

hay naku. sa panahon na’to, hindi mo talaga alam kung sinong pwede mong pagkatiwalaan dahil sa mismong mga “alagad” kuno ng batas eh korap.

nakakabagabag ano?

[Reply]

samjuan reply on September 30th, 2008 7:03 pm:

Siyang tunay.
Nakakapagpabagabag.

[Reply]

2 lei { 09.28.08 at 3:43 pm }

mahirap magcomment kasi hindi ko naman naririnig ang both sides. pero kung super demonyita talaga ung krim, ipapakulam ko nalang sya. lols. :)

[Reply]

samjuan reply on September 30th, 2008 7:04 pm:

Hehe. Well, biased nga ito sa panig ng kaibigan ni Selina, pero gayumpaman, nakakainit pa din ng dugo kapag sa’yo o sa kaibigan mo nangyari yan. Tsktsk

[Reply]

3 Wakanasusha! { 09.30.08 at 1:53 am }

hate blog/shame campaign ang katapat, ala Brian Gorrell vs DJ Montano!

but seriously, there should be some serious actions na kelangan gawin, lalo na ng pamilya ni Thea, a TRO, or any legal means para matigil na ung taong un, kawawa naman e.

[Reply]

samjuan reply on September 30th, 2008 7:05 pm:

Yun nga eh. Pero dapat si Thea mismo magdesisyon ng nararapat na aksiyon niyang dapat gawin.

[Reply]

4 mnel { 10.04.08 at 9:10 pm }

simple lang ang pananaw ko diyan, kung gusto mo eh gugustuhin mo, kung ayaw mo, walang makakapilit sa iyo. kahit na ilang kaibigan pa niya ang bumatok sa kanya at magtali sa kanya sa puno para lumaban, kung ayaw niya, wala talagang magagawa. hindi mo rin siya masisisi kung gusto niyang makipagsettle na lang para malinis pa rin ang pangalan niya kahit na alam niyang wala siyang pagkakamali. maraming ganyang kaso dito sa pilipinas, meron ding mga duktor. mga wala namang kasalanan pero nakikipagsettle na lang sa pasyente para wala nang kaso, masisira kasi ang reputasyon nila kapag dumaan pa sa korte.

ang pera napapalitan, pero ang madungisan ang pangalan, halos panghabangbuhay na yan. karma. babalik din yan sa kanya (kay krim) a hundred times more.

[Reply]

Leave a Comment