Sa amerika man may gago din
Parang Tondo lang dito sa kanto malapit sa’min kung saan ako naghihintay ng bus.
May mga tambay na nakasuot ng malalaking puting t-shirt ala gangstah-rappers na nakababad sa ilalim ng dilaw na ilaw ng poste, maraming mga naghihintay ng bus, may mga nag-mamarijuana sa paligid, may mga lasing na palakad-lakad, at siyempre may mga napagtitripan ng mga tambay.
Si lolong nagtutulak ng pushcart na may mga lamang kung ano-ano ang napagtripan ng mga MexiKANOng tambays. Sinitsitan, tinawanan, pinalibutan, inasar-asar. Kahit na nasa kabilang dulo side sila ng kalsada, tanaw na tanaw ko pa din kung paano nila binu-bully si lolo na may push cart. Ilang minuto ding napahinto si lolo habang binubusisi siya ng mga tambay. Kinakapkapan, binubuyo, tinatawanan. Tamang mga adik lang ang mga gago.
Awa naman ng kalawakan, walang nangyari kay lolong nagtutulak ng push cart. PInadaan na alng siya ng mga tambay sa kanto. Parang mga tambay lang sa karamihan sa mga kanto sa Pinas. Lamang lang dito yung mga naggagandahang kotse na padaan-daan sa harap ng mga tambay eh-Chevvy, bmw, limo, mustang, basta madami pa. Wala ding tricycle tsaka mga batang naglalaro sa kalsada pag gabi. (Dito kasi, itago mo na nag anak mo pag dumilim na kundi magiging biktima sila ng mga nagkalat na sindikato dito) Walang mga umpukan ng nag-iinuman. May mga lasing pero dala nila mga bote nila ng alak. Ganun lang. Pero delikado pa din. Ganito kadelikado ang parteng ito ng Amerika kung nasaan ako ngayon. Madumi, makalat, mausok, may mga tambay, may mga gago may mga tamang ayos lang naman ang pag-iisip. Kailangan talaga ng ibayong pag-iingat. Kung sabagay, kahit saan naman ay may peligro. Wala namang lugar sa mundo na hindi delikado. Sa Tondo man o sa Amerika, may mga gago, may mga adik.

6 comments
totoo naman na sa kahit sang parte ng mundo, delikado. actually kahit san man sa universe delikado… kaya ingat ng konti at marami.
=)
[Reply]
samjuan reply on September 27th, 2008 11:15 am:
Salamat kabayan!
[Reply]
Gagos are referred to Filipinos. Dala rin natin yan sa Amerika… Mga ugaling kagaguhan, dala-dala natin sa labas… nakakahiya man pero totoo… lalo na sa lugar kung saan madaming pinoy…
[Reply]
samjuan reply on September 27th, 2008 11:15 am:
Kabayan, tama, maraming gago na Pinoy, pero bihira yung HARDCORE gago na PInoy dito sa Amerika. Yung mga ganun eh yung mga lumaki na lang siguro dito at namulat sa kultura dito.
Pero base sa aking obserbasyon, mas maraming gagong kano, mexiKANO, at african amerKANOs.
Slamat nga pala sa pagbisita!
[Reply]
katakot naman dyan kuya. saan ba kau banda? di ba marami lang namang african-american sa bandang east cost? saang state kau kuya? dito sa village namin puro puti eh, payapa naman ang lugar kahit gabi, wala namang mga ganung eksena. Ingat nalang lagi kuya. sensya na din madame ako tanong. haha. bright child? lols.
[Reply]
samjuan reply on September 30th, 2008 7:00 pm:
Hi Lei! Sa West Coast ako. Hehe.
Wow. Buti namanat mukhang safe diyan sa inyo. Ingat ka din.
Ayus lang ang mga tanong.
=)
[Reply]
Leave a Comment