mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Tanginangnginang araw naman o!

Isang dosena lagi ang bentahan. Sa isang kahon may isang style at isang kulay lang ng damit. Sa Isnag kahon, may 2 small, 4 na medium, 4 na large, at 2 extra large. Minsan 10$, minsan 12$ o minsan naman 15$ ang isang piraso ng damit. Multiply mo sa 12, yun ang presyo ng isang kahon. Ganito ang bentahe kung bibili ka ng isang kahon sa bodega. Kaya kung gagawin ni Itay ang balak niyang business na naisip niya mula sa kanyang pagkabagot sa bahay, kakailanganin niya ng malaking pera.

Yun ang pinapaliwanag ko. Yun ang gusto ko sabihin. Hindi siya nakikinig.

Paulit ulit niyang sinasabi na alamin ko ang ganito ganyan sa bodega, kung papaano makaka-score ng magandang deal, kung papaano kikita ng salapi sa binabalak niyang business.

Ang karaniwang bentahan ng isang jacket sa labas ay 20-40$. So may malaki kang tubo. Ang kaso, eh papaano mo ibebenta? Saan ka kukuha ng kapital? Yun ang mga gusto kong itanong kay Itay habang patuloy niya akong sinasabihan na ang yabang ko daw kanina habang sabay kaming kumakain sa hapag.

Mayabang na naman ako dahil nagpapaliwanag ako. Mayabang na naman ako kasi pakiramdam niya eh angmamagaling na naman ako at hindi ko makita ang side niya na gusto lang naman niyang kumita para mas umayos ang buhay naming lahat dito.

Nakuha ko ang point mo Itay. Nakuha ko din na bored na bored ka na sa bahay at umiisip ka lang naman ng paraan para umayos tayong lahat. Naiintindihan ko yun. Ang di ko lang ma-gets eh nung sinabi niyang, inip na inip na siya sa takbo ng buhay namin dito. Gutso na niya mag-”business” para maka-usad na kami.

Nakakatanga lang. Kasi in the first place, bunga naman ng pagka-inip at impulsiveness niya, at ng kagustuhan niyang umayus kami at umangat sa buhay kung bakit kami nandito ngayon.

Yaan mo tay, lagi ko namna pinagdarasal na sana magkatrabaho ka na eh. Ako naman aayusin ko buhay ko dito. Maghahanap na ako ng asawa ASAP, kahit mahal pa at risky ang bentahan.

1 comment

1 aaronjames { 09.22.08 at 2:59 am }

sa bansa na kilakakihan natin, ang pera para sa mga probinsyano, nasa Maynila. Ang pera at magandang kinabukasan naman para sa mga nasa syudad, nasa ibang bansa. Medyo mahirap lang talaga kaibigan lalo na pag nagkasabay sabay lahat ng kailangan isipin. lalo na sa kondisyon mo dyan. ang alam ko lang basta dapat kayanin lahat ng hamon ng buhay. patience and pakatatag ka lang kaibigan.

[Reply]

Leave a Comment