tiktak

Durog at wala nang buhay kong hinugot mula sa bulsa ko yung relong bigay sa akin ni Itay na nabili niya noong nadestino siya sa Africa. Yun lang ang kaisa-isa kong mabilisang basehan ng oras dito sa bansang ito kung saan kundi napakabilis ng oras ay napakabagal naman nito.

Fresh at mainit-init pa mula sa Washing machine at dryer ang shorts ko na nilabhan ng kapatid ko. Wala na din naman akong nagawa. Bakit ba nalimutan kong siya ang labanderang hindi tumitingin sa laman ng mga bulsa ng nilalabhang mga damit. Tsk! Kaya ayun, strap na lang ang natirang matino sa relo ko. Yung salamin, mga pindutan at malamang pati makinarya, durog.

Halos maghapon akong walang konsepto ng oras kahapon. Masarap. Masaya. Di ka nagmamadali. Tamang chill lang. Minsan masarap din lumaya sa pagkakatali natin sa oras. Pero dahil ang mundo ang karamihan sa mga aspetong nagpapagalaw dito ay umiikot at pinapaikot din ng oras, kinailangan kong bumili ng relo. Buti na lang may kamukha yung relo ko sa convenience store. 10$. Bargain, Japeks pero pwede na din kesa wala.

7 Responses to “tiktak”


Leave a Reply