Posts from — October 2008
midweek crisis
STFU! Tang Ina! Ke aga-aga kung makapag-utos ka kala mo super bosing ka. May pa “YOU! YOU DO THIS! YOU DO THAT!” ka pa diyan. Trabaho mo yan eh! Mukha nito. Kalat mo papaayos mo sa’kin. Ang laki-laki mong bakulaw utusero ka. Isa pa, ke aga-aga eh yosi ka ng yosi sa loob ng opisina. Pasalamat ka walang smoke alarm dito, kundi noon ka pa naging sanhi ng emergency. Pucha! Kung gusto mong mamatay ng maaga at magpaliit ng etits, eh magsolo ka sa isang kwartong sarado na ikaw lang angmakakalanghap ng usok mo! Gets? Nampucha. Palagi kang nagmamagaling hindi mo alam na ang second hand smoke eh mas delikado pa sa amoy ng putok mo?! Takteng yan.
October 29, 2008 16 Comments
The Call
Kung ako nagsisimula pa lang sa pakikipagsapalaran bilang OFW, si tita Bulak ay tiyak kong may mahaaaaaaaaaaaaba nang kwento mula noong nag-taiwan siya hanggang sa nag-hongkong siya tapos ngayon nag-Italia.
Sampung taon mahigit na ata siya sa Italia. Hindi ko na din matandaan. Basta ang alam ko, medyo bata-bata pa ako nang huli kmaing magkita. At simula noon, isa na lang siyang boses na palaging nagungumusta at nangangaral sa amin sa telepono.
October 26, 2008 3 Comments
How’s your adobo?
Kapag ipapatapon ka sa isang malaaaaaaaaaaaaaayong isla na walang ibang tao kundi ikaw, ano ang tatlong bagay na dadalhin mo? Libro? Ipod? Satellite phone? Isanghigantengbaul ng pagkain? Fuck doll? Alak?
Kung ako ang tatanungin, wala pa akong clear cut na sagot. Ang hirap mag-isip. Pero kung si manong African-American na nag e-español sa bus stop ang tatanungin, may isa na siyang siguradong siguradong sagot- Adobow.

October 21, 2008 19 Comments
Ang salarin
“Kapag andiyan yun, andiyan lang yun. Di yun mawawala!”
Medyo pasigaw na sabi ni itay sa akin nang tanungin ko siya kung nakita ba niya yung bagong charger ng cellphone na binili ko.
Tama naman siya. Naniniwala akong kung walang ibang gagalaw, yung iniwan mong gamit, hindi mawawala. At sa kaso ng aking nawawalang charger, malabaong mawala yun nang basta basta sa lugar na pinag-iwanan ko sa kwarto dahil tatlo lang kaming nakatira sa kwarto. Ako, tatay ko at kapatid ko.
Una kong tinanong ang kapatid ko kung nakita ba niya yung charger.
“Ha? Ewan ko. Bakit ba palagi mo na lang akon pinagbibintangan? Hindi ko nga ginagamit yun.”
Ok. Sabi ko sa loob-loob ko. Pero imposible naman na mawala basta basta. So isa na lang ang posibleng nakakita o kumuha- si Itay.
October 20, 2008 3 Comments
asa’n ka oh green pasture?
Brownout nang gisingin ako ng kapatid kong babae isang umaga. Medyo nag-panic kami kasi pareho kaming late nagising. Madilim. Mas madilim kaysa sa mga nakaraang araw ang 6:30 na iyon. Kulay gray ang ulap na makapal, mapula-pula pa nga ng konti. Parang yung kulay ng ulap kapag may nagbabadyang malakas na ulan na naipon nang matagal, ganun. Tapos adik lang sa pag-ihip yung hangin sa labas. Parang nag li-limbo rock lang yung mga maninipis na puno at shrubs sa labas. At siyempre, nagliliparan ang mga dahong mahuhulog pa lang sana sa kani-kanilang mga puno. May bagyo ata. Nagdalawang isip kami kung papasok pa kami. Ako sa trabaho, siya sa iskwelahan.
Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, napagtanto kong kailangan kong pumasok. Ano ba naman kung bagyuhin ako. Sayang ang dollars. Bahala na. So nag-ayos ako, kumain ng saging at lumabas papunta sa bus station, 10 minutes walk away sa tinitirhan namin. At paglabas ko, nalaman kong hindi pala bagyo ang dahilan ng madilim na kalangitan. [Read more →]
October 19, 2008 10 Comments
Kumusta ka?
Yan yung dalawang simpleng mga salita na madalas makapagpangiti sa’kin. Simpleng mga salita pero milya-milyang kaligayahan ang naidudulot nito sa aking mga pagod na maskels, mga pagod na mata, pagod na isip at pagod na damdamin.
Makatanggap lang ako ng kumusta ka sa text, sa email, sa ym o may bumati lang sa akin ng kumusta sa personal, masaya na ako. Bakit kamo? Kasi dito sa Amerika, bagama’t maraming mga kano ang babati sa ‘yo ng “How are you?” “How are you doing?” alam mong nakasanayan lang nila yun. Tipong programmed ba, ganun. Kaya walang masyadong laman. Walang masyadong impact. Walang dating. Mapapangiti ka pero yung generic na ngiti lang din. Yung tipo ng ngiti na walang spunk sa puso.
Pero kumusta na nga ba ako? Madalas kong sagot, ok lang. Para mapaniwala ko ang sarili ko na kahit papaano ay ok lang talaga ako at para mapanatag na din at di mag-alala yung kausap ko na nagtatanong. Isa pa, yun ang pinakamadaling sagot sa maikling pangungumusta.
Pero kung tatanungin mo ang halos karaniwang nangayari sa akin sa maghapon, uhm, sige, magkukwento ako ng saglit.
October 15, 2008 24 Comments
Sam where nitong nakaraan
Dumayo ako sa Madrid, sa Italia, at sa France nitong nakaraan. Hindi tuloy ako makapag blog-hop. Sa opisina/bodega man eh sobrang utusero ng utusero kong boss. Di na din makasingit mag-blog.
Buti na nga lang nagkaroon ako ng pagkakataong makabisita sa Spain, sa Italy at sa France sa loob ng isang Linggo. Paano?
October 12, 2008 2 Comments
The fanboi in me
Sa a kinse dadayo si Sarah Geronimo sa Jollibee sa may lugar namin. Yung fanboi kong persona ay nabuhay na naman at binulungan akong puntahan si Sarah. Alam niya kasi na crush ko si Sarah. At alam niya na kapag crush, pupuntahan at pupuntahan ko yan anupaman ang mangyari.
Di naman ako ganun ka hardcore na fanboi. Susme. Ayoko naming makipagsiksiikan para lang sa sandaling kaligayahan na mangitian ng idol o crush. Ewan ko ba. Basta sa pagkakatanda ko, unang umatake angpagka fanboi ko noong nagging crush ko ang bagong bokalista noon ng bandang Mojofly dahil sa Music Video nila ng kantang Mata.
Tandang tanda ko pa yung hapon na yung kung kelan narinig ko sa dj sa radyo na yung Mojofly daw ay asa station nila sa strata 2000 sa ortigas ng 7pm. Ako naman parang nakuryente na na-excite na ewan. Basta on the spot, naisip ko, dapat makapunta akodoon. Malapit lang samin ang ortigas. Cubao lang kami. Kayang kayang dayuhin. Isa pa, Kung di ko gagawin, kelan pa diba? Eh supah crush ko noon si Lougee Basabas. Haay Lougee you are hot!
Anyways, ayun nga, noong hapon nay un, naghanap talaga ako ng kasama. Sa kasawiang palad, karamihan ng mga tao na niyaya ko eh tamad o tinatamad o di kilala ang Mojofly kaya kahit sino na lang basta papayag. Kaya hayun, buti napapayag ko si Glades aka Gladiator na kaklase ko at ka-schoolbus noong highschool. Isa siyang morenangmaskuladangkulot na babae na umiibig ng babae. Dahil banda banda naman yung pupuntahan naming, napapayag ko siya. Nagbiyahe kami papuntang Strata nang di alam ang pupuntahan. Haha. Ayun, awa ng kalawakanm eh natunton naman naming ang venue. Siyempre ako noon nahihiya pa, kasi naman andaming ibang fans na hardcore, todo pic, vid, at punas ng pawis. SI Lougee kay ganda lang noon kaya naman natutuod ako. Pero nangpalapitin kami ngmanager, ay iba na, sheeeet super kilig lang. Wooh. Ayun, nagpichuran kami at nabigyan niya ako ng EP Cd nila na may pirma niya.
“Take Care, -Lougee” Wooh! Kahit generic autograph yun, kinilig pa din ako. Wala, wala kang mabibiling ganun. Haha. So ayun na ang aking unang fanboi moment. Success! Kung may tiyaga, may autograph at picture. Basta pag ginusto mo, pwede mong makuha.
Anyways, matagaaaaaaaaaaaaaal na panahon din bago yun nasundan. Busy eh. As in super busy noong kolehiyo, kaya ayun ditto na siya sa Amerika nasunda. At guess what kung sino angunang artistang dinayo ko ditto. Dali, hula hula hula. Sirit na?
October 7, 2008 12 Comments
Pelikulang Dayo
Mukhang kaabang-abang at promising anbg pelikulang ito na ipanlalaban sa paparating na Metro Manila Film Festival. BAse sa napanood kong trailer, mukhang astig na full-length animation ito ng mga Pinoy. Panalo din ang concept lalo na yung elementadia. Natuwa ako doon. Sana malayo ang marating ng pelikulang ito at nawa’y makagaw apa ng maraming tulad nito ang mga magagaling at talentadong mga Pinoy animators at artists.
Ang official trailer ng Dayo
News Central sa Studio 23 feature ng dayo
Bisitahin ang wesite ng pelikulang Dayo dito– iclick
October 5, 2008 1 Comment
viernes
Pagmulat ko mula sa masarap na pagkakahimbing sa tren ay kinabahan ako ng todo. Pa’no ba naman paggising ko, nalito ako kung saan ba ako papunta. Sa papunta sa opisina o pauwi sa bahay?
Sa panaginip ko kasi, pauwi na yata ako, so dapat sa dulong istasyon ako bababa, pero nang mahimasmasan ako, umaga pa lang pala at papasok pa lang ako sa opisina. Wala naman kasing pagkakaiba yung itsura ng nakikita mo sa tren sa ilalim ng lupa kapag papunta ka ng opisina o kaya pauwi ka sa bahay. Madilim. Ganun palagi. So nalito naman ang ako kanina. Mabuti na lang 3 stations away pa ako sa bababaan ko nang magising ako kanina sa aking pagkakahimbing habang tumutugtog ang soundtrack ng Lion King Broadway Musical sa aking tenga.
Iba na ang epekto sa akin ng araw-araw na pagsakay ng tren sa ilalim ng lupa. Distorted ang oras. Anytime pwede kang malibing doon kapag lumindol o nagka-sakuna. (Wag naman sana)
So ayun, nakababa naman ako sa tamang istasyon, pero wag ka, may higanteng Amerikanong tumapak sa may likod na parte ng sapatos ko sa kanang paa. Naman! Natanggal ang sapatos ko. Buti na lang madali siya isuot. Di ko na din pinatulan si manong kano kasi naman higante siya. Isa pa, nagmamadali na ako kanina. Isa na namang joketime na umagang hatid sa akin ng tadhana. Happy Sabado sa Pinas!
October 3, 2008 No Comments
Now na
Caregiver na Pinoy na magpaparelieve sa tatay ko (CP): Pare, punta ka dito ngayon na, palitan mo muna ako may pupuntahan ako.
Tatay ko na excited magkaroon ng trabaho kahit isang araw lang: Sige, mag-aayos lang ako ng gamit. Anong oras mo ba ako kailangan?
CP: Ngayon na! As in ngayon na!
Tatay: Ha? Bigyan mo ako ng dalawang oras. Eh biyahe pa lang papunta diyan halos dalawang oras na eh.
CP: Eh wala na. Wag na. Sabi ko ngayon na eh.
Tatay: Alam mo di bagay sa’yo nagbibiro.
CP: Sa tingin mo nagbibiro ako? Sabi ko punta ka dito ngayon na. As in now na.
Tatay: Dalawang oras ang kailangan ko bago makapunta diyan. Alam mo yun. O siya, sige salamat na lang.
October 3, 2008 1 Comment
NO is the answer
Kanina habang hinihintay kong mag GO signal yung tawiran ng mga tao, may lumapit sa akin na lalaking naka blue shirt, di katangkaran, mga 5′5 o 5′6, balingkinitan ang katawan, at amoy chiko na may alkohol ang hininga. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Parang tungkol sa bus. Kung hinahabol ko daw ba yung bus, ganun. Pero hindi ko nga naindihan nang mabuti kaya sabi ko na lang, “NO.”
Mapilit ang loko. Feeling ko nga tungkol sa bus yung tinatanong niya kaya nagulat siya nung sumagot ako ng NO. Nakita niya siguro akong tumatakbo papunta sa bus stop kaya ako yung napagtripan niya.
Di naman masyadong hayok sa kausap tong kuyang to. Ibalandra ba yung mukha niyang malaki sa harap ng mukha ko habang nagsasalita siya. Medyo kinabahan ako. Parang holdaper kasi ang dating. Although madaming tao kaya pilit kong napakalma ang sarili ko.
October 1, 2008 2 Comments

