Ang salarin
“Kapag andiyan yun, andiyan lang yun. Di yun mawawala!”
Medyo pasigaw na sabi ni itay sa akin nang tanungin ko siya kung nakita ba niya yung bagong charger ng cellphone na binili ko.
Tama naman siya. Naniniwala akong kung walang ibang gagalaw, yung iniwan mong gamit, hindi mawawala. At sa kaso ng aking nawawalang charger, malabaong mawala yun nang basta basta sa lugar na pinag-iwanan ko sa kwarto dahil tatlo lang kaming nakatira sa kwarto. Ako, tatay ko at kapatid ko.
Una kong tinanong ang kapatid ko kung nakita ba niya yung charger.
“Ha? Ewan ko. Bakit ba palagi mo na lang akon pinagbibintangan? Hindi ko nga ginagamit yun.”
Ok. Sabi ko sa loob-loob ko. Pero imposible naman na mawala basta basta. So isa na lang ang posibleng nakakita o kumuha- si Itay.
“Tay, nakita mo yung charger ko, yung bago. Dun ko alng pinatong sa may kahon ng gatorade sa lamesa sa kwarto.”
“Naglinis ako kanina pero wala akong kinuha. Tinabi ko lang yung mga kalat. Kung ano yung nasa lamesa yun pa din yun, wala akong inalis.”
Eh bakit wala yung charger ko? Tinanong ko ulit ang kaoatid kong babae. “Sigurado kang hindi mo nakita? Imposibleng mawala yun. Diyan ko lang yun nilagay.”
“Kapag andiyan yun, andiyan lang yun. Di yun mawawala!” hirit ni Itay.
Baka daw nag-uulyanin na naman ako at nalimutan ko kung saan ko nilagay yung charger. But noo. This time, maliwanag pa sa sikat ng araw ang memorya ko. At sa ibabaw ng kahon ng gatorade ko iniwan ang charger. Dahil ayokong magpatalo sa stress, itinulog ko na lang yung inis ko noong gabing iyon sa pag-asang balang araw eh lilitaw din si charger.
Lumipas nag ilang araw. Naisip ko, baka hanggang dito sa Amerika eh sinundan kami nung dwendeng mahilig magtago ng mga gamit. (May ganun daw kasi, sabi ng tatay ko at ng mga matatanda sa’min noon. Mga dwendeng mahilig manguha ng mga gamit tas ibabalik after a few days yung mga gamit niyo sa same exact place na pinagkuhanan niya) So nagparinig naman ako kay Mr dwende, sana ibalik na niya yung charger ko. Yun lang ang charger ng roaming phone ko dito kung saan ako nakakatanggap ng mga corny forwarded messages mula sa mga kaibigan kong adik sa Unlitxt sa Pinas.
Kagabi, pagkagaling sa trabaho, biglang may kung anong bumulong sa akin na hanapin muli ang charger. Una kong sinuyod nag lugar na malapit sa gatorade carton. Wala talaga. Shet ka Mr dwende. Balik mo na charger ko! Grr. Then hinalughog ko ang kwarto. Then, out of the blue, kinutuban ako nang makita ko ang bag ng kapatid ko. Alam kong masama, pero binuksan ko ang bag niya at pinasok ang aking mga kamay sa loob. Then voila! May nahawakan akong pamilyar! Shet! Ang charger!
Tapooos ang usapan. Walang magnanakaw na dwende. Meron lang sinungaling na artista sa kwarto.
Tama naman si Itay. Andun lang talaga si charger. Pero amy kumuha eh. At mapagpanggap yung kumuha. Di ko na lang siya kinonfront. Tinago ko na nag charger at bahala siyang maghanap nun sa bag niya.
Since, wala namang utak at kakayahan ang charger para kumawala at mawala on its own, malamang may kumuha sa kanya kaya siya nawala. Hay buhay. Kailangang maturuan ng leksiyon ang kapatid ko.

3 comments
oo nga.ang kriminal hnd yn aamin pag may ngawa cla dba?gya yn sa mga cnungaling hnd yn aamin kahit anong pilit m.
[Reply]
samjuan reply on October 23rd, 2008 3:31 pm:
Sinabi mo
[Reply]
hmm. now i know.
[Reply]
Leave a Comment