asa'n ka oh green pasture?

Brownout nang gisingin ako ng kapatid kong babae isang umaga. Medyo nag-panic kami kasi pareho kaming late nagising. Madilim. Mas madilim kaysa sa mga nakaraang araw ang 6:30 na iyon. Kulay gray ang ulap na makapal, mapula-pula pa nga ng konti. Parang yung kulay ng ulap kapag may nagbabadyang malakas na ulan na naipon nang matagal, ganun. Tapos adik lang sa pag-ihip yung hangin sa labas. Parang nag li-limbo rock lang yung mga maninipis na puno at shrubs sa labas. At siyempre, nagliliparan ang mga dahong mahuhulog pa lang sana sa kani-kanilang mga puno.  May bagyo ata. Nagdalawang isip kami kung papasok pa kami. Ako sa trabaho, siya sa iskwelahan.

Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, napagtanto kong kailangan kong pumasok. Ano ba naman kung bagyuhin ako. Sayang ang dollars. Bahala na. So nag-ayos ako, kumain ng saging at lumabas papunta sa bus station, 10 minutes walk away sa tinitirhan namin. At paglabas ko, nalaman kong hindi pala bagyo ang dahilan ng madilim na kalangitan. May sunog na naman pala sa may amin. Forest fires. Pagkasunog ng mga tuyong damo na kumalat sa may malapit sa freeway at sa mga karatig na bayan.

Masakit sa mata yung hangin. Alam mo yung feeling kapag naghihiwa ka ng malaking sibuyas na kulay pula, ganun, nakakaluha. At ang amoy, manunuot hindi lang sa ilong mo kundi pati sa damit mo. Para ka tuloy pinausukang tinapa. Yun nga lang, di ka amoy yummy na nakakagutom. Amoy usok ka ng siga. Amoy sunog!

Kung sa malaking area sa may amin ay balot ng madilim na ulap at kadiliman, sa may train station naman papunta sa trabaho, super sunny bright and clear ang sky. Tanaw mo sa malayo yung namuong maitim na ulap sa may area ng sunog. Grabe lang. Kung sakaling di ako pumasok at idinahilan ang bagyo at ang malakas na hangin, malamang di ako paniwalaan ng mga bossy bosses ko. Eh napaka-normal ng kalagayan ng panahon sa area ng opisina. Namfuchang amerika to.

Oh well,  hindi naman totoong green lahat ng damo dito sa bansang ‘to. Mas madami akong nakikitang brown na damo. Nasusunog na nga eh. Green pastures where art thou? Kailangan ko na bang gumawa ng paraan at lumipat sa New Zealand? Haha. Hinde, mas madamo at mas green pa din sa Pinas. Oo, mas green sa Pinas, hindi nga lang napapansin kasi madalas tinatabunan ng semento at putik yung mga berdeng damo sa Pinas. So goodluck sa paghahanap ng green pastures, mga kabayan. Pagpalain nawa tayo.

10 Responses to “asa'n ka oh green pasture?”


Leave a Reply