How's your adobo?

Kapag ipapatapon ka sa isang malaaaaaaaaaaaaaayong isla na walang ibang tao kundi ikaw, ano ang tatlong bagay na dadalhin mo? Libro? Ipod? Satellite phone? Isanghigantengbaul ng pagkain? Fuck doll? Alak?

Kung ako ang tatanungin, wala pa akong clear cut na sagot. Ang hirap mag-isip. Pero kung si manong African-American na nag e-español sa bus stop ang tatanungin, may isa na siyang siguradong siguradong sagot- Adobow.

Pagkakita niya sa akin sa bus stop, natuwa naman ako sa unang hirit niya sa akin, “Are you a Filipino?”

Kasi naman kung hindi ako Chinese, Viet o Korean, eh Japanese ako sa paningin ng mga Kano. Daming judgmental sa mundo!

Siyempre sagot ko naman tumataginting na “Yes” pero may kasabay akong boses. Yung kakilala kong Pinay na madalas ko makasabay sa bus. Magkatabi pala kami. kala ko naman naramdaman lang ni kuya na Pinoy ako. Haha.

So nung nalaman ni manong na Pinoy kami, inusisa niya na kami tungkol sa Adobow.

“So you guys prolly know Adobow? Wow! It is so delicious, If I were to be put in an island, I’ll bring adobo, my cigarettes and a book with me!”

Tapos sobrang animated pa siya magkwento, may patalon-talon at todo wave ng mga kamay sa galak, na parang ineexpect niya na lulutuan naming siya ng adobow kapag naaliw kami sa kanya.

Nakakatuwa lang din siya at yung pagkahilig niya sa Adobo. Bagama’t di naman talaga sa Pilipinas nagmula ang adobo, (Ayon sa bali-balita, ito daw ay nagmula sa mga Español. Mula sa salitang adobar na ang  ibig sabihin ay “to marinate”. ) eh naikabit na ito ng mundo sa kultura ng mga Pinoy. Marahil dahil sa pagkahilig natin sa pagkain tsaka sa pagiging sikat nito kahit saan mang panig ng mundo. Kung saan nga daw may Pinoy, may Adobow.

Paano ba naman, kay daling lutuin, kay daling ubusin. Isa pa, matagal masira ang adobo. Noong college nga, adobo galore ako sa dorm. Padadalhan ako ng tatay ko ng isang higanteng garapon ng adobo with huge ga-bato na mga tipak ng baboy. Grabe lang yun sa dami halos isang buwan ko siyang ulam. Pramis. Ginagawa namin ng mga roommates ko, bibili lang kami ng kanin sa canteen ng dorm tapos paghahatian namin ang grand adobo fiesta baon ko. Ibangklase ang adobo days ko. Nakaka-trauma din. Umabot pa ako sa point na hanggang sa panaginip sinusundan ako ng adobo. Adobong mani, adobong posit, adobong manok, baboy, lahat na adobo! Shet! So I stop adobo for a while. Pero masarap eh. Lalo na pag si lola at itay ang nagluto. Panalo!

“I reaaaaly love adobow!” Sabi ni kuya.

Panalow diba?! Si kuya may dadalhin na sa isla. May ganung moda pa siyang nalalaman. Buti pa siya. Ako nga wala pa. kitchen showcase na lang siguro ang isa sa mga dadalhin ko tapos doon na ako mag-aadobo.

19 Responses to “How's your adobo?”


Leave a Reply