Kumusta ka?
Yan yung dalawang simpleng mga salita na madalas makapagpangiti sa’kin. Simpleng mga salita pero milya-milyang kaligayahan ang naidudulot nito sa aking mga pagod na maskels, mga pagod na mata, pagod na isip at pagod na damdamin.
Makatanggap lang ako ng kumusta ka sa text, sa email, sa ym o may bumati lang sa akin ng kumusta sa personal, masaya na ako. Bakit kamo? Kasi dito sa Amerika, bagama’t maraming mga kano ang babati sa ‘yo ng “How are you?” “How are you doing?” alam mong nakasanayan lang nila yun. Tipong programmed ba, ganun. Kaya walang masyadong laman. Walang masyadong impact. Walang dating. Mapapangiti ka pero yung generic na ngiti lang din. Yung tipo ng ngiti na walang spunk sa puso.
Pero kumusta na nga ba ako? Madalas kong sagot, ok lang. Para mapaniwala ko ang sarili ko na kahit papaano ay ok lang talaga ako at para mapanatag na din at di mag-alala yung kausap ko na nagtatanong. Isa pa, yun ang pinakamadaling sagot sa maikling pangungumusta.
Pero kung tatanungin mo ang halos karaniwang nangayari sa akin sa maghapon, uhm, sige, magkukwento ako ng saglit.
Kada araw, pagkagising ko ng alas sais ng umaga, maliligo ako, kakain ng agahan, mag-aayos at papasok ng alas siete. Sasakay ng apat na bus at isang tren. Dalawang oras ang biyahe, one way. Then super alipin ako sa opisina/bodega. Email, Fax, Photocopy, Print, Gupit ng kung ano-ano, mag-ayus ng mails, ng invoices, mag ayus ng mga sirang computers, magpaka-technician, maglinis, maging security guard at tagabantay ng gate habang may mga trabahador na nag a-unload at load ng mga kahon sa mga trailer trucks, magbilad sa araw habang binabantayan ang gate, at magkargador kapag may utos ang utuserong bosses. Ganun lang naman. Tapos biyahe ulit ng 2 hours pauwi. Pagdating sa bahay, magpapahinga saglit, magluluto at maghahanda ng hapunan, maghuhugas ng plato, magluluto at maghahanda ng baon para kinabukasan, internet chat saglit, mary palmer moments, manood ng telenovela, internet saglit, toothbrush at tulog. Whew. Ganyan ang araw ko. So far, ok pa naman kahit papano. Nakakangiti pa naman ako. Salamat sa mga madalas mangumusta. Malaking bagay yung pangungumusta niyo. Promise. Salamat ng madami!
Ikaw, kumusta ka?

24 comments
eto chill.
kaw? kamusta ka naman AH!?
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:05 am:
Giniginaw ka? hehe
[Reply]
Ako? Halos katulad din ng buhay mo…pati na ung pagluluto ng babaunin sa araw-araw. Siguro mas medyo boring lang ng kaunti dahil wala akong pamilyang ka-chat. Ung kapatid ko sa Pinas, walang kaalam-alam sa computer kaya inaagiw lang ung cam sa PC namin.
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:06 am:
Pero at least nakakapagluto ka din. Nakakatanga lang yung routine no?
[Reply]
impernes, hindi ka kagad nakakatulog pagkatapos ng mary palmers. nagagawa mo pang manood ng telenovela. hahaha! =D
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:08 am:
Haha. minsan nga naeenergize pa ako lalo eh.
[Reply]
hindi maganda… in routine na lahat ang ginagawa ko. buti ka pa, nakakayanan mo. huhuhu.
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:11 am:
Kaya mo din yan kabayan!
Break the rourine. =)
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:11 am:
*routine
[Reply]
eto. paulit ulit. walang bago. walang iba. ikaw kaibigan? kamusta na?
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:12 am:
Ayos pa naman kabayan. Pilit iniiba ang routine. Dapat magpakatatag
[Reply]
ako nga may nangungumusta lang saken pag may pera ako. charing.
[Reply]
samjuan reply on October 16th, 2008 1:21 am:
Mayaman!
[Reply]
routine pala. hehe
[Reply]
hi samjuan, i dropped you an email at your yahoomail. from INQUIRER, manila =) i need your reply. haha. salamats!
[Reply]
samjuan reply on October 19th, 2008 10:29 am:
Nakareply na kabayan.
Salamat ng madami!
[Reply]
paulit-ulit rin po ang ginagawa na minsan pakiramdam ko tumatanda lang ako pero hindi lumalago bilang isang nilalang. aww…sana minsan makapagchat tayong bisita ni samjuans at ni kuyasamjuan. hehehe..
[Reply]
samjuan reply on October 19th, 2008 10:31 am:
Magandang idea ang chat kabayan. Oo, balang araw. Aayusin ko ang buhay ko at kung paano ba tayo makakapagchat mga kabayans. Haha.
Relax lang.
isang araw matutuklasan mo na lang na may mapapansin kang kakaiba sa mistulang paulit-ulit na routine ng buhay. =)
[Reply]
Heto, medyo kinakabahan. Umaabot ang recession dito sa Singapore. Kaya madaming natatakot ma-retrench.
[Reply]
samjuan reply on October 19th, 2008 10:32 am:
Grabeng recession yan. Dito anlaki ng itinaas ng presyo ng mga bilihin.
Apektado talaga ang buong mundo no? Tsk.
Naku, sana eh ok ka naman diyan kabayan
[Reply]
sa sobrang hectic ng sched mu e may panahon ka pa tlga kay mary palmers. kaw tlga kaibigan, wla ka pa rin pinagbago.. haha
[Reply]
samjuan reply on October 19th, 2008 10:32 am:
Haha, life’s little pleasures kabayang squidballs. Pagbigyan na
[Reply]
first time kong bumisit dito sa site mo sobrang aliw ako, pakiramdam ko bigla akong nagkaroon ng bagong prends. ok pa naman kami dito kasama ko mga anak ko at asawa ko pero malungkot pa din tagal na kasing alang kayod hirap taga-hatid at sundo ng mga bata sa iskul at ganun din nagluluto. taga sundot na din hehehe… pre salamat sa mga blogs mo kakagising!!! more power!!
[Reply]
pare-pareho lng routine natin…buti n lng at my mga txt at Ym kahit papaano nakakadagdag lipas bagot….
saka salamat n din tayo at my kayod kahit paano…kahit tinamaan ng crisis …..my nadudukot ng konti
[Reply]
Leave a Comment