midweek crisis

STFU! Tang Ina! Ke aga-aga kung makapag-utos ka kala mo super bosing ka. May pa “YOU! YOU DO THIS! YOU DO THAT!” ka pa diyan. Trabaho mo yan eh! Mukha nito. Kalat mo papaayos mo sa’kin. Ang laki-laki mong bakulaw utusero ka. Isa pa, ke aga-aga eh yosi ka ng yosi sa loob ng opisina. Pasalamat ka walang smoke alarm dito, kundi noon ka pa naging sanhi ng emergency. Pucha! Kung gusto mong mamatay ng maaga at magpaliit ng etits, eh magsolo ka sa isang kwartong sarado na ikaw lang angmakakalanghap ng usok mo! Gets? Nampucha. Palagi kang nagmamagaling hindi mo alam na ang second hand smoke eh mas delikado pa sa amoy ng putok mo?! Takteng yan.

Whew. Ayan, ok na ako. Yun sana yung speech k okay hindi-naman-boss-pero-bossy na pinsan ni boss nang utus-utusan na naman niya ako kaninang umaga. Pero shempre, di natuloy ang speech ko. Hanggang sa utak ko na lang siya. Paano ba naman , naisip ko na hindi ako pwedeng mag-inarte. Bawal pa magreklamo, bawal magmalaki. Cannot be akong mawalan ng trabaho. Takteng yan. Di kasi ako basta basta makakahanap ulit ngtrabaho. Una, dahil sa mga lintek na kapapelan na yan. Pangalawa, dahil sa recession at walang humpay na labor lay-offs dito, kung saan libo-libo-libong mga tao ang nawawalan ng trabaho araw-araw.  Kaya naman kahit gaano ka na nanggagalaiti sa bosing mo, tiis lang. Kailangan ng pera at ipon eh. Pero looooooooooord hanggang kelan ako magtitiis dito? Gusto ko din naming mag masters, o kaya maging PR agent, o kaya taga-picture o kaya teacher o kaya maging parte ng creative team sa advertising firm, o kaya maging parte ng production tema ng mga pelikula at teleserye, o kaya artista, o kaya boldstar, o kaya singer, o kaya don. Haha. Joke lang yung mga pangarap na artista okey? Noon ko pa yun ginive-up.

16 Responses to “midweek crisis”


Leave a Reply