mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

NO is the answer

mahirap mag drowing-drowingan gannit ang mouse

Kanina habang hinihintay kong mag GO signal yung tawiran ng mga tao, may lumapit sa akin na lalaking naka blue shirt, di katangkaran, mga 5′5 o 5′6, balingkinitan ang katawan, at amoy chiko na may alkohol ang hininga. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Parang tungkol sa bus. Kung hinahabol ko daw ba yung bus, ganun. Pero hindi ko nga naindihan nang mabuti kaya sabi ko na lang, “NO.”

Mapilit ang loko. Feeling ko nga tungkol sa bus yung tinatanong niya kaya nagulat siya nung sumagot ako ng NO. Nakita niya siguro akong tumatakbo papunta sa bus stop kaya ako yung napagtripan niya.

Di naman masyadong hayok sa kausap tong kuyang to. Ibalandra ba yung mukha niyang malaki sa harap ng mukha ko habang nagsasalita siya. Medyo kinabahan ako. Parang holdaper kasi ang dating. Although madaming tao kaya pilit kong napakalma ang sarili ko.

Mamang MexiKano na amoy 75% alkohol ang hininga: chungchang cheng xie xha pikachu… (insert gibberish chinese words here)

Samjuan: NO!

Nagtaka naman ako at bakit napa-chinese ang mokong na ‘to. Eh hindi naman niya nakikita ang singkitin kong mga mata sa ilalim ng mga aviator shades ko. Isa pa, madilim na kanina.

Mamang MexiKano na naka-blue at nakabalandra ang mukha sa harap ng mukha ko:  snakjhdjsadsk (insert korean, japanes, viet, at iba pang mga binaboy na asian languages here)

Samjuan: NO!

Mamang MexiKano na naiinis na: You don’t understand English?

Samjuan: NO! (sabay iiling-iling) NO! NO! NO!

Mamang MexiKano na namumula na sa inis bukod sa pamumula na dulot ng alkohol: !^%^@&^*&* (Nag espaniol)

Samjuan: NO!

Mamang MexiKano na pikon: PUTANG INA MO!

Samjuan: (Natigilan. Nagulat. Gustong matawa. Gustong magmura pabalik pero nakapagpigil): NO!

Tanginaniyadin! Sa lahat naman ng salitang Pinoy na malalaman niya eh mura pa! gagong yun! Sino kayang hinayupak na nagturo sa kanya ng mura. Baaad! Putulan ng dila!

Pagkatapos nang halos isang minutong oangungulit ni kuyang lasing ay umilaw na ang GO signal para tumawid. Pailing-iling na nilubayan ako ng lasing na manong. Nawala ang kaba ko. Whew. Minsan, ok din palang magpanggap na hindi mo sila naiintindihan. Haha.

2 comments

1 jadz { 10.02.08 at 3:43 pm }

Mabuti din na di mo sila maintindihan talaga ng tuluyan.
Minsan nasa tram ako at kumukuha ng video sa tram para sa aking version ng scandal.

Ang naintindihan ko lang (sa salitang Aleman) na sinabi sa akin ni ateng nagsusuway sa akin ay bawal kumuha ng video. Ang nasabi ko lang ay: Warum?! (Why?). Sinagot niya ako ng litanya at hindi ko na naman naintindihan. Sana kinunan ko na lang ng video ang aming little argument.

[Reply]

2 lei { 10.03.08 at 1:40 pm }

jusko. haha. at ang lakas ng loob nyang sabihan ka na di ka nakakaintindi ng english. lols! sana sinapak mo na pagkasabi ng putanginamo. feeling pinoy naman un? haha pero diba puta din meaning ng puta sa kanila? aba. sino bang pinoy nagturo dyan. hmmpf. pero sa bagay, kung pinatulan mo pa yun, malamang nasangkot ka pa sa away. good kuya. ang haba pala ng pasensya mo. nice :)

[Reply]

Leave a Comment