mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Now na

Caregiver na Pinoy na magpaparelieve sa tatay ko (CP): Pare, punta ka dito ngayon na, palitan mo muna ako may pupuntahan ako.

Tatay ko na excited magkaroon ng trabaho kahit isang araw lang: Sige, mag-aayos lang ako ng gamit. Anong oras mo ba ako kailangan?

CP: Ngayon na! As in ngayon na!

Tatay: Ha? Bigyan mo ako ng dalawang oras. Eh biyahe pa lang papunta diyan halos dalawang oras na eh.

CP: Eh wala na. Wag na. Sabi ko ngayon na eh.

Tatay: Alam mo di bagay sa’yo nagbibiro.

CP:  Sa tingin mo nagbibiro ako? Sabi ko punta ka dito ngayon na. As in now na.

Tatay: Dalawang oras ang kailangan ko bago makapunta diyan. Alam mo yun. O siya, sige salamat na lang.

So ano tingin niya sa tatay ko superman? Makakalipad doon ahora mismo? Naman! Nakahithit ata ng katol si kuyang caregiver.  Tama sila. Sa dinami-dami ng mga tao dito sa Amerika, mas malamang na kapwa mo Pinoy ang manggagago sa’yo. Nakakalungkot, pero totoo. Uber mild pa nag yan eh. May ilan pa na sisiraan ka sa mga amo niyo. Eh samantalanag pare-pareho lang naman kayong nagtatrabaho. Anlakas lang ng tama ng crab mentality sa karamihan sa mga Pinoy dito. Di gaya ng mga MexiKano, mga Koreano, at iba pang lahi, pag kinanti mo angisa, aba away na ‘to! Tipong ubusan lahi. Ganun. Haha. Joke lang. Basta sila yung tipong magtutulungan talaga ng mga kalahi. Generally speaking, walang laglagan. Kitang-kita yun sa mga MexiKano ditto. Pag kalahi nila, una agad, pag kalahi nila, tutulungan agad.

Sabi ni itay, sadayang may kayabangan naman daw talaga yung taong nakausap niya. Natawa na lang daw siya nang sabihan siyang pumunta dun “Now na!”

Sana magkatrabaho na ang tatay.

1 comment

1 boi { 10.04.08 at 12:57 pm }

LOVE ang kasagutan.

All you need is love sabi ng Beatles at sabi din sa essay na dedicated sa mga Pilipino (title: MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES) ng isang Koreanong nagngangalang Jaeyoun Kim.

Minsan masarap lang talagang iumpog sa pader ang mga Pilipino… lalo na yung mga ibang nasa ibang bansa. Tipong kayo kayo na nga lang ang nariyan sa isang dayuhang bayan tapos kayo kayo pa rin ang magkakasakitan.

adik lang ang tumawag ke itay mo. hahah!! at yes oh yes, sana magkatrabaho na siya… Godbless!

[Reply]

Leave a Comment