Caregiver na Pinoy na magpaparelieve sa tatay ko (CP): Pare, punta ka dito ngayon na, palitan mo muna ako may pupuntahan ako.
Tatay ko na excited magkaroon ng trabaho kahit isang araw lang: Sige, mag-aayos lang ako ng gamit. Anong oras mo ba ako kailangan?
CP: Ngayon na! As in ngayon na!
Tatay: Ha? Bigyan mo ako ng dalawang oras. Eh biyahe pa lang papunta diyan halos dalawang oras na eh.
CP: Eh wala na. Wag na. Sabi ko ngayon na eh.
Tatay: Alam mo di bagay sa’yo nagbibiro.
CP: Sa tingin mo nagbibiro ako? Sabi ko punta ka dito ngayon na. As in now na.
Tatay: Dalawang oras ang kailangan ko bago makapunta diyan. Alam mo yun. O siya, sige salamat na lang.
Continue reading ‘Now na’
Kanina habang hinihintay kong mag GO signal yung tawiran ng mga tao, may lumapit sa akin na lalaking naka blue shirt, di katangkaran, mga 5’5 o 5’6, balingkinitan ang katawan, at amoy chiko na may alkohol ang hininga. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Parang tungkol sa bus. Kung hinahabol ko daw ba yung bus, ganun. Pero hindi ko nga naindihan nang mabuti kaya sabi ko na lang, “NO.”
Mapilit ang loko. Feeling ko nga tungkol sa bus yung tinatanong niya kaya nagulat siya nung sumagot ako ng NO. Nakita niya siguro akong tumatakbo papunta sa bus stop kaya ako yung napagtripan niya.
Di naman masyadong hayok sa kausap tong kuyang to. Ibalandra ba yung mukha niyang malaki sa harap ng mukha ko habang nagsasalita siya. Medyo kinabahan ako. Parang holdaper kasi ang dating. Although madaming tao kaya pilit kong napakalma ang sarili ko.
Continue reading ‘NO is the answer’
SamComments