Sam where nitong nakaraan

Dumayo ako sa Madrid, sa Italia, at sa France nitong nakaraan. Hindi tuloy ako makapag blog-hop. Sa opisina/bodega man eh sobrang utusero ng utusero kong boss. Di na din makasingit mag-blog.

Buti na nga lang nagkaroon ako ng pagkakataong makabisita sa Spain, sa Italy at sa France sa loob ng isang Linggo. Paano?

Simple. DVD. Ikaw namna. Hindi pa nga ako mayaman. Kaya DVD galore muna ako. Nitong nakaraan, napanood ko ang Volver (Return) na pelikula kung saan tampok ang oohhsoooyummy na si Salma Hayek, ang pelikulang Paris Je Taime (I love Paris) kung saan amadaming artista at tampok din si Natalie Portman, at ang Il Postino (The Postman).

So nitong nakaraan,naggala-gala na naman kuno ang utak at imahinasyon ko sa mga bansang iyon. Nakaka-inspire lang na magtrabaho ang husto para may maipon ako sa hinaharap. Gusto ko din kasing makapunta sa Espanya, sa Italia at sa bansang Pranses balang araw. Kahit bisita lang. Basta, balang araw.

Kaya kung kayo ay busy busy masyado, hanap kayo ng time manood ng mag pelikula o kaya magbasa ng libro para naman kahit papaano eh mapadpad ka at ang iyong imahinasyon sa ibang mundo diba? At least, kahit wala ka man sa actual na lugar, mae-experience mo pa din yung mga bagay-bagay doon. =)

Tandaan, basta gugustuhin, may paraan para makatakas sa monotony ng buhay. Ang panonood ng pelikula na lang ang isa sa mga libangan ko dito sa bansang ito.

Kapag may panahon kayo, panoorin niyo din yung mag pelikulang nabanggit ko:

Volver

iL Postino at

Paris Je Taime

Para may foreign language experience din naman tayo diba?

2 Responses to “Sam where nitong nakaraan”


Leave a Reply