The Call
Kung ako nagsisimula pa lang sa pakikipagsapalaran bilang OFW, si tita Bulak ay tiyak kong may mahaaaaaaaaaaaaba nang kwento mula noong nag-taiwan siya hanggang sa nag-hongkong siya tapos ngayon nag-Italia.
Sampung taon mahigit na ata siya sa Italia. Hindi ko na din matandaan. Basta ang alam ko, medyo bata-bata pa ako nang huli kmaing magkita. At simula noon, isa na lang siyang boses na palaging nagungumusta at nangangaral sa amin sa telepono.
Hindi naging madali para sa kanya ang lumipat-lipat ng bansa. Gaya ng ginagawa ng ibang nagnanais makapunta sa ibang bansa para kumita ng masamalaking pera, una niyang iniwan ang kanyang trabaho sa dental center sa medical dispensary sa kampo aguinaldo. Tapos nagpalit siya ng pangalan- Imbes na Bulaklak eh naging si Marilyn siya. Matagal din siyang naging Marilyn hanggang sa umuwi siya saglit ng Pinas at maayos ang mga papeles niya, doon pa lang niya ulit nagamit yung pangalan niya.
So, after ilang taon ng pagpapadala ng pera sa Pinas para tulungan ang Lola ko at mga kapatid niya, wala pa din siyang naiipon. Wala pa siyang balak umuwi. Nagke-caregiver siya doon, nag-aalaga ng matatandang may iba’t-ibang sakit. Minsan nakuwento pa niya sa’kin kung panao niya binubuno ang isang araw habang palipat-lipat ng trabaho sa iba’t-ibang magkakalayong mga bahay. Ganun daw talaga, para kumita ng pera, kailangan kumayod ng matindi.
Graduate siya ng kolehiyo sa Pinas. Pero dahil katulad ko siyang walang matinong kapapelan sa banyagang bansa, eh hirap din siyang kumuha ng trabahong gusto niya. Sa lagay ng mga tulad namin, dapat tangap mong mas open ka sa pang-aabuso, mas kailangan mo ng quadruple na pag-iingat, kailangan mong magtipid para makaipon at di ka di ka dapat mawawalan ng pag-asa na balang araw, eh mapaplantsa din ang mga gusot at magagawa ng paraan.
Nitong nakaraan, nabalitaan ko mula sa iba kong mga tita sa Pinas na nawalan na pala ng trabaho ang tita Bulak. Namatay na daw kasi yung amo niya. So palaboy mode siya ngayon sa Italia. Kailangan niyang makahanap agad ng bagong trabaho- ASAP. Sana may mapasukan na siya agad. Wala din naman kasi siyang kapamilya doon. Mga kaibigan at acquaintances siguro meron naman, pero yung alam mong kapamilyang handang tumulong sa’yo unconditionally, feeling ko, wala.
Sana madami na din akong pera para mapadalhan ko siya doon. At kung limpak limpak na ang salapi ko, pauuwiin ko na siya ng Pinas. Malapit siya sa akin kahit madalas niya akong sermunan sa telepono tuwing tatawagan niya ako. Mas madalas pa nga siyang tumawag sa akin kesa sa nanay ko. Nakokonsensiya pa nga ako, kasi bago siya mawalan ng trabaho, nagpadala siya ng pera sa Pinas para i-finance ang pagpapagawa ko ng salamin at contact lenses na umabot ng 30K. Kailangan mabayaran ko siya in one way or another. Makapag call boy na nga dito.

3 comments
Wala talagang kasiguraduhan ang pagiging isang OFW. Akala ng ibang tao napakadaling kumita ng pera sa ibang bansa. Iniisip nila agad na kapag OFW ka eh instant na yayaman ka. Kung alam lang nila ang hirap ng makipagsapalaran.
Kaya dapat lagi tayong handa sa mga pwedeng mangyari. Dapat may naitatabi din tayong pera na magagamit in times of need.
[Reply]
[Reply]
agree ako kay ‘dude’..tae, pano yun? kung ilang buwan na siya walang trabaho? (wag naman sana) tapos nagastos na ng mga kaanak ni tita bulak yung kinita nya…
[Reply]
Leave a Comment