The fanboi in me
Sa a kinse dadayo si Sarah Geronimo sa Jollibee sa may lugar namin. Yung fanboi kong persona ay nabuhay na naman at binulungan akong puntahan si Sarah. Alam niya kasi na crush ko si Sarah. At alam niya na kapag crush, pupuntahan at pupuntahan ko yan anupaman ang mangyari.
Di naman ako ganun ka hardcore na fanboi. Susme. Ayoko naming makipagsiksiikan para lang sa sandaling kaligayahan na mangitian ng idol o crush. Ewan ko ba. Basta sa pagkakatanda ko, unang umatake angpagka fanboi ko noong nagging crush ko ang bagong bokalista noon ng bandang Mojofly dahil sa Music Video nila ng kantang Mata.
Tandang tanda ko pa yung hapon na yung kung kelan narinig ko sa dj sa radyo na yung Mojofly daw ay asa station nila sa strata 2000 sa ortigas ng 7pm. Ako naman parang nakuryente na na-excite na ewan. Basta on the spot, naisip ko, dapat makapunta akodoon. Malapit lang samin ang ortigas. Cubao lang kami. Kayang kayang dayuhin. Isa pa, Kung di ko gagawin, kelan pa diba? Eh supah crush ko noon si Lougee Basabas. Haay Lougee you are hot!
Anyways, ayun nga, noong hapon nay un, naghanap talaga ako ng kasama. Sa kasawiang palad, karamihan ng mga tao na niyaya ko eh tamad o tinatamad o di kilala ang Mojofly kaya kahit sino na lang basta papayag. Kaya hayun, buti napapayag ko si Glades aka Gladiator na kaklase ko at ka-schoolbus noong highschool. Isa siyang morenangmaskuladangkulot na babae na umiibig ng babae. Dahil banda banda naman yung pupuntahan naming, napapayag ko siya. Nagbiyahe kami papuntang Strata nang di alam ang pupuntahan. Haha. Ayun, awa ng kalawakanm eh natunton naman naming ang venue. Siyempre ako noon nahihiya pa, kasi naman andaming ibang fans na hardcore, todo pic, vid, at punas ng pawis. SI Lougee kay ganda lang noon kaya naman natutuod ako. Pero nangpalapitin kami ngmanager, ay iba na, sheeeet super kilig lang. Wooh. Ayun, nagpichuran kami at nabigyan niya ako ng EP Cd nila na may pirma niya.
“Take Care, -Lougee” Wooh! Kahit generic autograph yun, kinilig pa din ako. Wala, wala kang mabibiling ganun. Haha. So ayun na ang aking unang fanboi moment. Success! Kung may tiyaga, may autograph at picture. Basta pag ginusto mo, pwede mong makuha.
Anyways, matagaaaaaaaaaaaaaal na panahon din bago yun nasundan. Busy eh. As in super busy noong kolehiyo, kaya ayun ditto na siya sa Amerika nasunda. At guess what kung sino angunang artistang dinayo ko ditto. Dali, hula hula hula. Sirit na?
Walang iba kundi si Marimar ng Pinas, si Marian Rivera.
Kung hindi ko nakita yung maliit na poster nila ni Dingdong Dantes sa may Filipino grocery noong hapon na bumibili ako ng phonecard na pantawag sa Pinas, ay hindi ako magkakandarapang dayuhin siya at makipagbalyahan sa mga Pinoy na pasushal pero nagtititili naman sa artista.
Hidni ko inaasahang madaming susugod para makipag pichuran kay Marian. Malay ko bang sikat sikatan siya ditto. Madaming tao. Parangnung nag-audition akosa PInoy Big Brother Season 1 sa SM North Edsa noon. Basta mahabang pila, madaming tao, mainit. Pero walang init-init sa taong mapilit, kay kahit gaano man kahaba ang pila, kaingay ang mga tao at kagulo ang mga nagsisigawang fans, hala, pila pa din ako Makita lang si Marian. At ayun, after twenty five thousand years, narrating ko din ang table kung nasan si Marian, nakapagpicture (pero di siya nakatingin, paano andaming epal), narinig ang boses niya, nakita kung gaano siya kalaki at ka-height pala siya ng ex-girlfriend, at nakausap siya (kahit di ako sinagot), lahat yan nangyari in less than one minute. Sabi ko nga, madaming epal na humihila sa akin para umalis na. Buti na lang may sa-paparazzi ang kapatid ko at maraming pictures na nakuha.
At ngayon naman, nae-excite ako kay Sarah. Haha. Naisip ko nang dayuhin siya eh, kaso 5PM ang simula ngprograma niya, at malamang sa malamang, by 7PM, kung kelan ako makakarating sa lugar mula sa trabaho, eh tapos na ang programa at wala na ni aroma ni Sarah. Naisip ko na ding umalis ng maaga sa opis kaso saying ang dollars. Baling araw Sarah, baling araw, magkikita din tayo. Hintayin mo si Samjuan.
Hay, see? Di namanako hardcore na fanboi eh. Tatay ko kasi laitero. Lagi akong tinatawanan. Mahilig daw ako sa mga artista. Wehnongayon?! Super crush ko sila eh. Isa pa, di lang naman angmahilig sa artista sa pamilya. Yung tita ko nga, hardcore Janice de Belen fan yun. As in. Paano ba naman, nung bata pa ako, sa prubinsiya namin, may nahalukay akong mga pictures ni Janice, marami doon wallet sized. Tapos may mga dedication sa likod. Siyempre dedicated sa Tita ko. Sabay may love Janice sa dulo. Oha panalo siya! Maganda pa si Janice noon. Oh well, hindi naman yumaman ang tita ko kay Janice. Sayang. Haha. Basta ang napatunayan ko lang ditto, angmag artista andiyan lang. At kung may gusto kang dayuhin, o gawin, kung gusto mo talaga, walang makahahadlang sa’yo. May paraan. Smile! =)

12 comments
iba na talaga kapag sikat na ang artista. Dati nung ang role palang ni Marian sa TV ay bilang ina ng SUPER TWINS, hahaha lagi ko siyang nakakasalubong, nakikitang kumakain sa canteen, nakakasabay sa elevator…
aba ngayong sikat sikatan na siya, hindi ko na mahagilap ang kanyang anino dito…aba aba aba
moral lesson, habang starlet palang ang artista, dapat nagpapapicture kana, kasi kapag sumikat na yan…good luck nalang sayo, tsong…paglalawayan mo nalang siya hahaha
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 7:20 pm:
Kabayan, may pic ka ni Marian noon?
Share naman jan!
[Reply]
naku sam! nung nakaraang sabado e andito si sarah g. sa sm sa may amin. ang yaya ko at 2 staff ko e desidido makipagbalyahan sa mga magpapa-otograp! ayun, sumatutal e napasunod din ako! baket kamo? e kasi si bunso sumama e kaso sa sobrang tagal dumating ni sarah (3 hours late!), nainip na at pinadadala ang kanyang nintendo DS! o ha, akala ko nagpapasundo, un pala magpapadala lang ng mapaglilibangan! tsk! tsk! ayun, nakapanood din ako ng 4 na kanta nya pero di na ko pumila para magpapic! sus! masyadong malupit ang mga alipores nya daw, bilis bilis, walang piktyur na naganap, otograp lang
kaya ang 3 alipores, este, staff ko e di na fan ni sarah…. si papa sam na lang daw (oooppps, di ikaw, un tru-papa sam, hehehe) ang abangan nila pumunta dito sa sm.
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 7:19 pm:
Hehe. Nakakatuwa ka naman airees at nakapanood ka pa din ng palabas ni Sarah. Haha. Sana. Sana. Magkita din kami someday
[Reply]
hahaha. kuya sam talaga! alam mo dati, nanood ako ng Moffatts sa SM north. nagpabuhat pa ako sa kuya ko non para makita sila. sinama ko pa sa kahihiyan ko yung kapatid ko.
may mga kontak ako sa abs-cbn. pag umuwi ka ng pinas at gusto mong manood ng wowowee sabihin mo saken. hahahaha
karass ko dati si piolo pascual nanginig tuhod ko nung interbyuhin ko sya nung high school para sa project namin sa isang klase. last day ng shooting nila nung teleserye nila ni juday. pati tuloy si juday na interbyu ko bigla. bonus points. nung college naman tumutugtog ako minsan, banda kuno. hahaha, pag nakasalamuha mo na yung ibang artists sa una lang nakakakilig. hahaha, kasi marerelaks ka na, mababait naman sa personal.
nga pala, schoolmate ko si lougee dati. higerbatch saken. pero parehas kaming patapon ang buhay kaya kilala ko sya. prends sila ng skulmate din namin noon na si kaye abad. haha. lourdes pa ang ginagamit nyang pangalan nun.
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 7:17 pm:
Alam mo kabayang V,
isa kang
astig!!
\m/
[Reply]
ala man lang pic? yun ang tanging ebidensiya na naging fanboi ka nga. o sige. ke sarah g. siguraduhin mo na me petyur ka ha…
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 6:26 pm:
Sorry kabayan. Di ko inabot. Ke aga naman niya kasi mag-jollibee. 5pm. eh 530 uwian ko at 730 pa ako makakadatying sa jollibee.
[Reply]
hayaan mo… sana mabasa balang araw ito ni sarah geronimo…
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 6:26 pm:
Sana nga kabayan
[Reply]
ang kulit! si sarah lang din ang pinilahan ko para makita ko lang cya ng malapitan.. hehehe.. bumili ako ng dalawang cd nya para makapasok at makapag pa-autograph ako..
cya pa lang sa mga artisa (singer) ang pinilahan ko ng ganun katagal.. ganun ko na ba cya kamahal? joke lang! hahahaha
[Reply]
samjuan reply on November 7th, 2008 12:56 pm:
Wah! astig! maswerte ka kabayan at nagkita na kayo ng malapitan!
[Reply]
Leave a Comment