mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Posts from — November 2008

anak ng!

Panalo talaga ang tatay sa pagbibigay ng tiwala. Nang magpaalam ako kanina sa lakad ko bukas kasama ang mga kaibigan ko, pinaulanan niya ako ng mga pangaral na kesyo matatabunan daw ako ng landslide at hindi makakalabas sa ilalim ng lupa, mahuhuli daw ako ng pulis at mapapauwi ng Pinas, maaksidente daw ako sa bus, mawawalan ng trabaho, at wala nang patutunguhan ang buhay ko. Ganyan magsermon ang tatay. Kala mo manghuhula ng trahedya. Pupunta lang naman ako ng Disneyland at maglilibot-libot. Isa pa, alam ko naman ang ginagawa ko at pinaghahandaan ko palagi ang mga gagawin ko. Kaya ko na din naman pangalagaan ang sarili ko. Hello tatay, di po ako babae at hindi na ako bata!

[Read more →]

November 26, 2008   5 Comments

Remembering Lady S

Mahigit isang oras din akong naghintay kay Lady S. sa kainan ng burger sa kanto kung saan kami dapat magkita.  Umorder ako ng sirloin bacon cheeseburger, yung malaman na burger na parang pang-higanteng tao. Naubos ko yun habang hinihintay ko siya at iniisip kung ano ba ang gagawin naming dalawa sa business meeting na sinsasabi niya. Basta sabi niya, matalino naman daw ako at mabait at cute kaya siguradong yayaman ako. Ok fine, sabi niya eh.

Formal business meeting daw yung pupuntahan namin sa hotel. Naka coat and tie daw ang mga tao. Sinabi ko na naman kasi sa kanya nung gabi na wala akong formal wear na matino. Anuba Lady S! PEro since magaling siyang mambola at ako naman ay nagpabola, sige umoo ako sa kanya at napilitang mapasabak sa formal meeting na naka-jeans, blue long sleeves na polo shirt, beige na coat (na maluwag kasi malaki masyado) at sneakers. Bahala na.

[Read more →]

November 23, 2008   3 Comments

taghiyawat at pag-aartista

Sa tuwing makikita ko yung present pimples ko, naalala ko yung sinabi sa’kin nung kaklase ko nung high school: “Bakit ba conscious na conscious ka sa pimples mo? Mag-aartista ka ba?!”

Siyempre sinagot ko siya ng tumataginting na hindi, pero alam ko deep inside, andoon pa din yung pangarap ko noon na mapasok sa showbiz, o kaya lumabas o mapansin sa TV at kumita ng kamal kamal na salapi.

Oo, isa ako sa madaming mga bata noon na nangarap ding mag-artista. Hindi ko naman binalak na sumali sa that’s my boy. Iba ang trip ko noon. Gusto ko sumali sa 5 and Up o kaya dun sa palabas sa channel 2 na For Kids Only kung saan may mga batang mayayaman na naglalaro lang buong timeslot ng mag bagong labas na mga mamahaling laruan na hindi mabibili ng batang dukha na katulad ko.

[Read more →]

November 20, 2008   6 Comments

huminto tayo saglit para sa katahimikan

Puno ng ingay ng mga kanong nagdadaldalan pati na ng babaeng nagbebenta ng kung ano-ano sa lcd TV yung bus na sinasakyan ko kanina. Maingay sila at nag-iingay na din yug pinapakinggan kong albums ng bandang Muse sa tenga ko. Ang aga-aga maingay ang mundo ko. Feeling ko magiging maingay din ang maghapon ko pero wag ka, bigla akong pinatahimik nung mag-inang nakita ko.

Umupo yung cute na bata sa may upuan malapit sa kinatatayuan ko. Yung nanay niyang mukhang Pinay naman eh tumayo malapit sa kanya, sa may tabi ko para kumapit sa may hawakan ng kamay. Madaldal silang mag-ina. Mantakin mong sa daldal nila, eh wala akong masyadong na-gets sa pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang at angnagpatahimik sa akin, ayaw na ng cute na batang umiyak pa yung nanay niya. Kasi umaarte siya na parang lumuluha sabay turo sa nanay sabay punas ng luha sabay senyas na wag nang lumuha sabay smile. Nagsa-sign language silang mag-ina.

[Read more →]

November 19, 2008   No Comments

Words for the days to come

Umayos ka ha?!

Yan yung tatlong salitang madalas sabihin sa’kin ngmga kaibigan ko kapag may gusto silang iparating sa akin nang mabilisan. Tulad ng Oo na ng mga kababaihan na may maraming kahulugan, dinadagsa din ako ng mga bagay-bagay sa isipan kapag may bumira na sa akin ng Umayos ka ha?!

Nitong nakaraan mahigit sampung beses kong narinig at nabasa yung tatlong tumataginting na mga salitang yun. Para bang isang malaking billboard na nakabalandra sa harap ko na nagsasabing ayusin ko na ang buhay ko.

[Read more →]

November 17, 2008   6 Comments

Yehey

Isa pang masigabong yehey at may backpack na ulit ako! Salamat sa kabayan-blogger nating si Fritz ng Fritzified.com at sa Jansport at napili nila ang kwentong backpack ng inyong lingkod sa pa-contest nila.

Di ko lubos maisip na mapipili yung kwento namin ni Black Backpack sa gitna ng mga magagaling na sumali sa pa-contest. Salamat talaga ng madami!

Heto nga pala yung kwento namin ni Black Jansport Backpack:

[Read more →]

November 17, 2008   4 Comments

Oughta know

Linggo na dito. Sa wakas naka get-over na ako sa’yo. Tama din pala yung desisyon kong di magpakita sa iyo noong Biyernes ng gabi. Ikaw naman kasi, napakamahal mo. Di ka na kinaya ng savings ko sa bangko. Sorry. Pero di ako nagsisisi. Alam kong may next time pa. Tandaan mo yan.

[Read more →]

November 16, 2008   8 Comments

Hostage

Second Global Forum on Migration and Development is being hosted in Manila, where apparently the government believes that migration is development, that to escape poverty one must escape from his country-and worse, that its citizens agree wholeheartedly.

Sa ginagawa ng pamahalaan na pagsuporta at pagsusulong mga programa tungkol sa migration, eh parang basta na lang nilang isinasangkalan yung mga OFWs para maging sakripisyo upang maisalba ang lagay ng ekonomiya sa bansang PIlipinas.

Palagi na lang ibinabalandra sa mga manggagawa sa Pinas yung mga pinapangakong magandang buhay sa ibayong dagat, yung pagkakataong mamuhay ng maginhawa at makapagpadala ng di hamak na mas malakaing pera sa mga kapamilyang naiwan sa Pinas, nang hindi nabibigyang pansin yung kakulangan ng oportunidad na matino sa mga Pilipino. Oo, madaming trabahong pwedeng mapasukan, (sa maniwala kayo o hindi, madaming pwedeng mapasukang trabaho) pero sasapat ba naman yung sweldong kikitain ng mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng pamasahe, ng langis at nga mga pang araw-araw na gastusin?

[Read more →]

November 13, 2008   1 Comment

Ang cute na homeless sa bus

Bilib naman talaga ako sa mga homeless dito. Talagang may programa yung gobyerno para mapakain ang mnga homeless at mabigyan ng temporary shelter. Yung iba, alam ko may pera pa ngang natatanggap. Gaya ng a nung isang homeless na Afrikan-American na nakasabay ko sa bus dati na kaboses ni Shrek, “Yah know, I am homeless for 5 years and look at me! Look at me! I am still eating and surviving!” Naman. Literal na malaki si kuya. Sa lapad at tangkad. Kaya agad naman akong naniwala sa kanya.

Kanina habang nakasakay ako sa huling bus na sinasakyan ko papasok sa opisina, may nakasabay akong babae na kamukha ni Drew Barrymore. Tipong Drew Barrymore na homeless na sabog ang buhok na may kargang bata na 4 months old at may hila-hilang baby walker na di magkanda-ugaga sa pagsasaway sa 2 years old niyang anak na kulot na patakbo-takbo sa gitna ng tumatakbong bus.

[Read more →]

November 10, 2008   8 Comments

Samjuan’s undas sa Amerika

Maaga din akong gumising gaya ng ginagawa ko sa Pinas. Yun nga lang, hindi sa sementeryo ang punta ko kundi sa trabaho. Isa itong normal na araw ng trabaho para sa’kin pero parang ito na yung pasko ng mga tao dito. Ilang linggo pa lang bago dumating ang araw ng undas eh abala na ang karamihan dito sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga costumes at pang trick or treats.

Ganun daw talaga sila dito. Mga bahay ng buhay ang binibisita at hindi mga patay. Araw ng mga candies at treats at parties ang araw naman ng paggunita sa mga patay sa Pinas.

Naalala ko minsan, may narinig ako ditong kwento ng kababayang OFW na hindi pinayagan ng amo niyang magpunta sa burol nang magpaalam siya. Kasi naman daw patay na naman yung pupuntahan niya at mas mahalaga daw ang mag gawain ng mga buhay na nilalang. Well, sa isang banda may punto naman ang boss niya, pero hindi mo pa rin maiaalis sa dugong Pinoy ang pagbibigay ng galang at huling pagpupugay sa kanyang yumaong kaanak o kaibigan.

[Read more →]

November 10, 2008   2 Comments

Gusto ko ng madaming dila

Bakit ba kasi ang universal language daw sa mundo eh love. Di mo naman yun magagamit sa sitwasyong nakakausap ka ng koreano na umoorder sa inyo na anlabo-labo-labooong kausap. Alangan namang sabihan ko siya ng saranghe (I love you). Asa naman kung kakausapin niya ako ng matino.

Napagtanto ko kanina pagkatapos ng tumataginting na halos 30 minutes naming usapan ni ateng Koreana na dahil sa hindi pagkakaintindihan, magulo at madaming gera sa mundo. Bulbullish na gulo.

[Read more →]

November 6, 2008   8 Comments

Ooohbama! (Congrats sa bagong pangulo ng Amerika-Barack Obama)

congrats mula kay samjuan

Kakapanalo pa lang ni dating US Senator Barack Obama bilang Presidente nang bansang ito nang bigalang may magtanong sa akin ng: “Bakit ba ang mga Pinoy eh sobrang excited at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Obama?”  Oo nga naman. Bakit ba parang mas malapit pa sa Amerika ang mga Pinoy kesa sa madaming mga kano? Muntik ko na siyang tanungin kung yun bang naobserbahan niyang pagka-excited at pagkatuwa ng mag Pinoy sa pagkapanalo ni Obama eh tulad ng pagka-updated nila sa mga TV series na gawa ng Amerika, pero hindi ko na siya tinanong.

[Read more →]

November 5, 2008   4 Comments

Bagong taon

Mahigit isang taon na din ang nakalipas nang mapagtanto namin ng kaibigan kong si Niga na simula sa puntong lumabas na kami sa unibersidad, eh back to zero na ang labanan.

Kung noon eh presidente kami ng mga organizations namin, namumuno sa student council at sa klase at animo’y nasa taas kami ng food chain noong senior years sa college, pagka-graduate, balik ulit kami sa ibaba. Pahirapang humanap ng trabaho, bagong pakikisama, panibagong paggapang paakyat sa hagdan ng panibagong palapag ng pakikipagsapalaran. Back to zero.

Isang taon at isang araw na ang nakalipas mula nang lumapag ako dito. Tandang tanda ko pa noon kung gaano kalutang ang isipan ko at damdamin- ikaw na pumuntang Amerika na dala ang isang maletang may pang isang linggong set ng damit, isang sapatos, isang libro at planner kahit na alam mong wala kayong malinaw na plano ng tatay mo kung paano nga ba kayo mabubuhay at magsisimula sa bansang wala naman kayong kamag-anak, walang kaibigan, walang siguradong matitirhan, walang mapapasukang trabaho, walang back-up na pera, at walang matinong kapapelan. Back to zero.

[Read more →]

November 4, 2008   3 Comments