Ang cute na homeless sa bus
Bilib naman talaga ako sa mga homeless dito. Talagang may programa yung gobyerno para mapakain ang mnga homeless at mabigyan ng temporary shelter. Yung iba, alam ko may pera pa ngang natatanggap. Gaya ng a nung isang homeless na Afrikan-American na nakasabay ko sa bus dati na kaboses ni Shrek, “Yah know, I am homeless for 5 years and look at me! Look at me! I am still eating and surviving!” Naman. Literal na malaki si kuya. Sa lapad at tangkad. Kaya agad naman akong naniwala sa kanya.
Kanina habang nakasakay ako sa huling bus na sinasakyan ko papasok sa opisina, may nakasabay akong babae na kamukha ni Drew Barrymore. Tipong Drew Barrymore na homeless na sabog ang buhok na may kargang bata na 4 months old at may hila-hilang baby walker na di magkanda-ugaga sa pagsasaway sa 2 years old niyang anak na kulot na patakbo-takbo sa gitna ng tumatakbong bus.
Napansin ko siya dahil sa cute na smile niya a la Drew Barrymore. Chubby-chubbyhan siya na may heavy Southern accent. (Kung nakapanood ka ng X-men the animated series noon at natatandaan mo kung paano magsalita yung character na si Rougue, ganun siya magsalita)
Akala ko nung una nagsasalita siya mag-isa sa kawalan habang nagkukwento siya kung panao siya nakaka-survive sa pang araw-araw nilang mag-iina, buti na lang, nakita kong may kausap siya sa bandang likod ng bus. Di pa naman pala siya naloloka.
Sa di sinasadyang pagkakataon, naulinigan ko yung mga pinagkukukwento niya sa kausap niya sa bus. Siya pala ay single mom at I bet African-american ang nakabuntis sa kanya dahil mga kulot at kulay tsokolate ang kanyang mga anak. Kasalukyan siyang nasa rehabilitation program ng isang institusyon na kumukupkop s amga homeless. May tv daw sila doon, kwarto, sofa, libreng pagkain, libreng gamut at madami pang ibang benefits. Homeless din yung kausap niya. Pinag-uusapan nila yung mga prograa ng gobyerno at ng ibangmga institusyon dito para sa mga na-lay-off na mga tao, mga walang sapat na sinusweldo at sa mga homeless na gaya nila. Sana daw ngayong Presidente na si Obama ay mas bumuti ang kalagayan ngbansa at din a puro gera na lang. Napunta sa gerahan angusapan nila.
Anyways, dito sat ate, meron silang tinatawag na Salvation Army kung saan pwedneg mag-donate angkahit na sino ng kahit ano para ipamigay sa mga nangangailangan. Doon karaniwan angpupunta ang mga homeless at kapuspalad para punan ang kanilang mga pangangailangan.
Bagama’t may mga NGO’s na tumutulong sa mag mahihirap s aPinas, at may mg aprograma ang gobyerbo para sa mga mahihirap, bakit kaya andami pa ding mga nagkalat sa kalye at patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagugutom at namamatay sa gutom?

8 comments
malamang naibubulsa ng mga buwaya ang mga perang para sa mga kapus palad nating mga kababayan.
[Reply]
I agree with longhair’s comment!
Pinas and the US alike promotes a culture of welfarism, ang effect, kapag mahirap ako, maghihintay na lang ako ng tulong (read: limos) mula sa gobyerno. Natatandaan ko dati, napanood ko sa MTV, si Snoop Dog nag-collect ng kanyang welfare money, pero nakasakay siya sa limousine. Fact is, mas lalong dumadami ang umaasa sa gobyerno na lang at hindi na nila iisiping maging self-sufficient.
Dito sa Merlion City, walang welfarism, pero may effort ang gobyerno para suportahan ang mga low-income workers, pero kung aasa ka lang sa tulong ng gobyerno, kahit na sobrang yaman ng bansang ito, ni isang kusing wala kang matatanggap, kailangan mong magtrabaho. Downside lang nun, pati mga matatandang uugud-ugod dito nagta-trabaho (fastfood cashiers or maintenance), nakakaawa lang minsan. Pero ganun nga kasi ang sistema dito.
Ay wakanasusha, napahaba ang comment ko a? Sensya na ser.
[Reply]
kasi nga my kwento tayong juan tamad n nakagisnan kaya kita mo tao lagi n lng nahihintay ng tulong, biyaya at kng anu2 p s gobyerno………pag hindi na tugunan (agad dahil s dami nga) sinisisi ang gobyerno……
khit ano gawin ng gobyerno kng ang tinutulungan eh ndi nagsisikap ndi mababawasan ang mga nagugutom at naghihirap ….katulad n lng ng isang beses n feature s balita s atin….ung mahirap n binigyan ni ramos ng pangkabuhayan (piggery yata) at ipinasok ng trabaho ….sabi dun s report eh after couple of years mahirap p rin at namatay ng mahirap………kasalanan p b ng gobyerno un…lahat n ng maitutulog eh ginawa n ng gobyerno….ang tao mismo ang hindi nagsikap n pahalagahan ang kabuhayan nya
[Reply]
kasi ang tao kapag tinulungan mo ng isang beses mage-expect na tutulungan mo na sya habang buhay, instead na tulungan nya ang sarili nya.
at marami din kasing tao na mahilig mamili ng trabaho. yung tipong, pinangarap maging rockstar, pero hindi naman maabot ang pangarap kaya instead na sex, drugs and rock&roll ang meron sila, sex and drugs na lang. kaya yun, derecho na kagad sa shelter at sa iba-ibang welfare programs. mahirap naman habang buhay na lang umasa sa soup kitchen. what? i dunno.
buti na nga lang may shelter dito, eh kung wala, kawawa na lang sila.
[Reply]
tsek.
[Reply]
Sana tinanong mo number ni Drew Barrymore lookalike. Hehehe. = P
[Reply]
Marami ngang ganyang case sa states. In fairness, nakakatulong sa mahihirap yung social security nila dahil may natatanggap silang pera. Dito sa Pinas, kukuhanan ka ng benefit sa SSS tapos pag kailangan mo ng pera, uutangin mo pa.
[Reply]
Not everyone is like that. There are still some of our country men that really not fortunate enough and really need help. I known some people in the country side that even they work 24 hrs a day its still not enough to feed his family (he only have 2 kids)
[Reply]
Leave a Comment