Sa ginagawa ng pamahalaan na pagsuporta at pagsusulong mga programa tungkol sa migration, eh parang basta na lang nilang isinasangkalan yung mga OFWs para maging sakripisyo upang maisalba ang lagay ng ekonomiya sa bansang PIlipinas.
Palagi na lang ibinabalandra sa mga manggagawa sa Pinas yung mga pinapangakong magandang buhay sa ibayong dagat, yung pagkakataong mamuhay ng maginhawa at makapagpadala ng di hamak na mas malakaing pera sa mga kapamilyang naiwan sa Pinas, nang hindi nabibigyang pansin yung kakulangan ng oportunidad na matino sa mga Pilipino. Oo, madaming trabahong pwedeng mapasukan, (sa maniwala kayo o hindi, madaming pwedeng mapasukang trabaho) pero sasapat ba naman yung sweldong kikitain ng mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng pamasahe, ng langis at nga mga pang araw-araw na gastusin?
Ako noon dalawang trabaho yung sabay kong tinatrabaho pero kapos pa din yung halos kinse mil na kinikita ko sa isangbuwan para pambayad ng bahay at pangtustos sa mga gastusin sa bahay. Partida rumaraket pa ako noon.
Nakakaloko na parang nakadepende ang ekonomiya ng bansa sa bilyon-bilyong remittances mula sa mga OFWs (legal man o hindi) na nagpapakahirap magtrabaho sa ibayong dagat. Oo, dahil dito ay matatawag silang mga bagong bayani. Oo, malaki ang naitutulong nila sa bansa pero yung iparating ng pamahalaan sa mga mamayan na ang migration (o paglipat at pagtatrabaho sa ibang bansa) ang mabisang paraan para maisalba sa kumunoy ng kahirapan ang bansang Pilipinas ay isang malaking kalkohan.
Totoo naman eh. Di hamak na soobrang laki ngkinikita ko dito kumpara sa Pinas. Noong nag caregiver ako dito kumikita ako ng 1,200 USD (x47Php=56,400Php) kada buwan. Anlaki ng agwat sa sweldo ko sa Pinas na pumapalo ng 10-12k kada buwan. Masuwerte na ako kung aabot ng 15k. Totoo din na kahit papaano makakakita ka ng kislap ng pag-asa sa pagtatrabaho mo dito, pero iba pa din yung nagtatrabaho ka sa bansa mo. Promise. Kundi dahil sa sweldo ko dito, eh di magtatiyaga ako sa Pinas. Andun ang saya eh. Dito puro trabaho, madalas pa may bonus na pang-aabuso.
Pero dahil mahirap kami at walang anumang ari-arian sa Pinas, nagtatyaga ako ditto nang makaipon p ara sa kinabukasan namin.
Yung mga nakakausap ko ditop na nagke-caregiver o nagja-janitor, mga doctor sa Pinas, mga bank executives, mg amay matataas na pinag-aralan, pero ano, andito sila (o sa ibang bansa) kumakayod marino para kumit ang mas malaking pera.
Nakakalungkot diba? Yung iba ang nakikinabang sa galing at sa serbisyo ng paglilingkod na par asana sa kapwa na nating Pilipino mapupunta.
Wala lang. Sana makaisip ang mag mamayan at ang pamahalaan ng paraan/mga paraan bukod sa migration para makaahon ang mga isla ng Pinas sa dagat ng kahirapan.
Mga karagdagang babasahin: (LOL kunwari assignment lang)
The Future of OFWs- Philippine daily Inquirer

ay sa totoo lang. kahit ayaw mo umalis ay mapapaalis ka dahil sa pera. may doctok , teacher at dentista akong mga anak. andito pa rin sila sa pinas kasi nga gusto nilang pagsilbihan ang bayan pinas. e pano na nga yong mga walang pera o kabuhayan dito? natural pipiliin na nila na manungkulan sa ibang bansa….. sikmura muna bago makabayan.