Oughta know
Linggo na dito. Sa wakas naka get-over na ako sa’yo. Tama din pala yung desisyon kong di magpakita sa iyo noong Biyernes ng gabi. Ikaw naman kasi, napakamahal mo. Di ka na kinaya ng savings ko sa bangko. Sorry. Pero di ako nagsisisi. Alam kong may next time pa. Tandaan mo yan.
Tandaan mo Alanis na magkikita pa tayo dahil napanaginipan din kita gaya ni Beyonce at marami pang iba. Sa maniwala ka at sa hindi, yung mga napapanaginipan ko madalas nagkakatotoo. Kaya hintay ka lang, magkikita din tayo sa susunod mong concert kung saan mang lupalop ng daigdig.
Sa halos bente kwatro oras kong pag-iisip mula huwebes ng hapon hanggang biyernes ilang minuto bago magbukas ang teatro kung sana ka kakanta eh tsaka pa lang ako napaisip ng mga bagay-bagay. Una, kailangan kong magtipid talaga. Kasi gaya nga ng sinabi ni Karen na inaya ko ng biglaan para samahan akong panoorin ka, hindi na siya pwedeng gumastos kasi mahirap ang buhay, kailangan mag-ipon. Yung nanay nga niya na lay-off sa trabaho. Ayan, sign yun. Dapat may sapat na ipon pag napatalsik ng bossy na bosing. Pangalawa, naisip kong hindi ka din naman malaking kawalan sa pagkatao ko, sa buhay ko. Hellow?! Nakilala kita sa pamamagitan ni Ate Janet, yung kapitbahay namin noon nung grade 4 ako. Siya yung babaeng may huggable na bibig na may medium medium-sized na boobs na laging naka pepek shorts na laging tumatambay sa sala namin. Meron siyang cassette mo na pinapahiram niya sa’kin para patugtugin. Doon ko unang narinig yung mga kanta mong may galit sa mundo. Ayoko kay ate Janet noon kasi feeling ko nilalandi niya ang tatay. At sa tuwing maririnig ko ang mga unang kanta mo, naalala ko si Ate Janet. Di magandang pangitain. Pangatlo, mas trip ko yung musika mo kaysa sa’yo mismo. At since meron naman akong mp3 player na puno ng mga kanta mo, eh lulunurin ko na lang ang mga tenga ko ng recorded mong mga kanta. Mura na, tipid pa.
Anakngteteng. Oo, naka get-over na ako sa concert mo, Alanis pero panalo pa din yung mga kanta mong di ko mabitawan.
Salamat sa youtube at heto nakita ko yung suot mo noong Biyernes ng gabi. Mahaba pa din yung buhok mo. Kasing haba pa din ata ng mga legs mo.

8 comments
Alanis rocks talaga! Love the video
[Reply]
panalo!
[Reply]
tama yan. ipon ipon. para sa sunod. kaw ng katabi ni alanis sa concert.
[Reply]
buti naman di ka nanood sayang ang pera.. ipambili mo na lang ng pangregalo mo sakin sa pasko.. hahaha
[Reply]
okay lang yan. madami pang concert na magdaraan. ang importante makaipon.
iniimagine ko, paano yung huggable na bibig.
[Reply]
tanong lang, nagtagumpay kaya si Janet sa paglalandi sa Tatay mo? hmm. di mo alam no? he he.
[Reply]
Me career pa pala si Alanis dyan? *LOLz* Pero kunsabagay, one-of-a-kind siya… Hehehe. = D
[Reply]
nakow paborito ko itong si alanis. music and lyrics na talagang angkop na angkop sa sinomang makikinig. kwentong buhay, kwentong pagibig, kabiguan, lahat lahat nalalagyan ng musikang nakakahawa at masarap sabayan.
[Reply]
Leave a Comment