Mahigit isang oras din akong naghintay kay Lady S. sa kainan ng burger sa kanto kung saan kami dapat magkita. Umorder ako ng sirloin bacon cheeseburger, yung malaman na burger na parang pang-higanteng tao. Naubos ko yun habang hinihintay ko siya at iniisip kung ano ba ang gagawin naming dalawa sa business meeting na sinsasabi niya. Basta sabi niya, matalino naman daw ako at mabait at cute kaya siguradong yayaman ako. Ok fine, sabi niya eh.
Formal business meeting daw yung pupuntahan namin sa hotel. Naka coat and tie daw ang mga tao. Sinabi ko na naman kasi sa kanya nung gabi na wala akong formal wear na matino. Anuba Lady S! PEro since magaling siyang mambola at ako naman ay nagpabola, sige umoo ako sa kanya at napilitang mapasabak sa formal meeting na naka-jeans, blue long sleeves na polo shirt, beige na coat (na maluwag kasi malaki masyado) at sneakers. Bahala na.
Nagkita kami sa kanto malapit sa kainan na pinagbilhan ko ng burger. Doon daw kami susunduin ng kaibigan niya. Pagkalipas ng ilang minuto, may kotseng kulay gray na dumating. Bumulaga sa’min yung kaibigan niyang maputing bumbay na nalimutan ko na ang pangalan. Todo smile siya at paulit ulit na sinasabing yayaman daw ako. Lalo pa siyang dumaldal nang mayaman niyang Pinoy ako. Agad niya akong tinanong kulng alam ko daw ba ang Jollibee. Aba oo naman, isang tumataginting na Yes ang sagot ko sa kanya. Taga-Makati daw siya dati. Mga 4 years daw siya dun tapos gustong-gusto daw niya ang Jollibee. Madami pa siyang sinabing magaganda tungkol sa Pinas, madaldal talaga siya pramis. Buti na nga lang sa backseat ako nakaupo eh. Kahit papaano di ko nakikita yung mukha niya. Puro siya papuri sa Pinas pero sa Makati pa lang naman siya nakapunta. Si Lady S naman binigyan ako ng energy bar, isa daw sa mga produkto nila, hmm. Isang clue sa kung ano’ng business yung papasukan ko nung gabing yun.
Di nga nagsisinungaling si Lady S. Pagpasok na pagpasok ko sa hotel, nag-hello sa’kin yung mga matatangkad na mga taong balot ng pormal na pormal na kasuotan. Yung mga bumbay na lalaki at mga African-American na manong lahat naka coat an tie. Yung mga kababaihan, puro naka-itim na dress at evening gowns. Basta pormal pormalan ang moda ng gabing yun. Siyempre ako naman kunwari pormal din. Bakit ba?! Asa nagdadala yan ng damit. So kahit naka sneakers at jeans ako, taas noo pa di akong naglakad at nakisalamuha sa kanila. Saglit din akong iniwan noon ni Lady S para makipagchikahan siya sa mga kaibigan niya. Tapos nung bumalik siya, pinakilala niya ako sa isang Pinoy na matagal na daw kasali doon. Siyempre natuwa naman ako! Wow! Kabayan! Biglang talon naman ang puso ko sa saglit na galak dahil siyempre, may kababayan ako sa lugar na pinaghaharian ng mga bumbay at African-Americans.
Ok naman si kuyang Pinoy pero nang Kumustahin ko siya gamit ang wikang PInoy na kinasanayan ko, Sinagowt niya akow ng “Oh, I am fine. Sow yowr from Manila eh?” Yeah right. Inglisero si kuya. Sabi ko “oo” sabay walk-out.
Magsisimula na daw ang business meeting.
Pinaupo ako ni Lady S sa may bandang unahan para daw marinig kong mabuti yung sasabihin ng speakers. 7pm. May tumabi sa aking Pinay na kamukha ni Marjorie Baretto tsaka mag-asawang Asians na akala ko mga Pinoy nung una subalit mga Thai pala. Karamihan sa mga speakers mga bumbay na di umano’y nagtagumpay daw at nagkamal ng limpak limpak na salapi sa business. Kikita ka daw ng mahigit sa 2500 USD kada buwan kung masipag ka. Ang pangako pa nila, sa knaila, iiwan mo na ang trabaho mo at yayaman ka ng asa bahay ka lang. Err, ok, sounds familiar. 9pm na, nakaupo pa din ako at nakikinig pa din ako sa mini seminar/meeting.
Pagkatapos mag-speech ng mga mayayamang speakers, ayun, lumabas din kung ano ang motibo nila, ang gawin akong isa sa mga taga-expand ng Pyramid nila. Anakngkambing naman o. Sabi na eh. Naganito na din ako dati ng ex-college council chairperson namin eh. Eengganyuhin ka nila tapos aatakihin yung parte ng pagkatao mo na gustong yumaman at magtagumpay tapos bebentahan ka ng sandamakmak na produkto na sa kanila mo lang makukuha at mabibili at papangakuan ka ng kayamanan at tagumpay sa buhay. Blah. Cannot be ako dito.
Una, wala akong kotse at oras sa gabi para magtatawag ng kung sino sino para bentahan ng mga produkto nila. Pangalawa, hindi pa ako kumbinsido sa lakas ng kapangyarihan ko sa pang-uuto. May mga nauuto ako noon pero pakiramdam ko, wala pa din akong binatbat sa ibang mag nang-uuto para magbenta. Kulang pa ako sa confidence. Pangatlo at ang pinakamatimbang na rason sa lahat, wala pang kaayusan ang mga kapapelan at estado ko dito kaya di pa ako dapat masyadong guamala gala at makihalubilo sa kanila. Sabi nga ni itay, higit pa sa tripleng pag-iingat ang dapat kong ginagawa.
Nung mga 11 na ng gabi, sinabi ko din kay Lady S na pag-iisipan ko muna. Mahirap na. Binigyan niya ako ng energy drink mula sa mga produktong binebenta nila. Masarap. Awa ng Diyos hindi naman siya gayuma. Hinatid nila ako ng kasama niyang bumbay sa Bahay.
Ilang mga araw din ang lumipas nang isurprise visit nila ako. May dala silang mga papeles at kung ANo-ano. Naglecture saglit yung kasama niya, na tipong in 6 months daw magiging diamond member na’ko at yayaman. Tinanong ko siya kung anong member na siya. Ruby daw. Level 3 ata yun. Diamond eh level 5. Yun yung may 5 degrees ka na ng recruits sa ilalim ng pyramid mo. Tinanong ko siya kung ilang taon na siya sa kumpanya, anim na taon na daw. Anakngputoknayan! Sabi na eh. Ginagago niya ako. Antagal na niya sa kumpanya pero yung kotse niya sira pa din yung seatbelt, tas Ruby pa lang siya. Hmm.
May mga tinanong sila noon sa’kin edi oo lang naman ako ng oo kasi general questions lang naman yun, then poof! Bigla akong kinamayan ng mokong sabay sabi, “welcome to the company!” Ano daw?! Ako naman biglang “what’s this?” na pagalit. Siyempre nagulat ako, TAs nagdrama na ako kasi ayoko na ma-involve sa kanila. Pag di ko ‘to tinapos, kahit na crush ko pa si Lady S. eh lalo lang nila akong kukulitin. Kaya ayun, nagdrama ako sa kanila. GInamit ko yung mag natutunan ko nung kolehiyo. Mejo humikab ako ng onti para magpaluha sabay banat ng: “Well, I have a secret to tell you guys, you see, mhy family is experiencing some problems right now. And we might leave the country anytime soon. I really appreciate your offer but let me think about it first.” Shoot! Di talaga ako marunong mang turn-down ng mga tao. Potek na yan. So ayun, di ko totally naputol ang pangungulit nila sa’kin. Nag-iwan pa ako ng pag-asa sa kanila. Bago sila umalis, pinagbilhan nila ako ng ticket para sa darating na sabado. Ticket daw para sa isa na namang seminar ng sikat na sikat na speaker na hindi ko naman kilala. 12 USD din yung ticket na yun, mantakin mo. Binili ko na lang para tumahimik na sila.
Sabado, 4pm
Maghapon tawag nang tawag sa’kin si Lady S. Di ko siya sinasagot. Pucha. Kelangan na naman ng Americana sa seminar na yun. Isa pa, nasasakal na ako sa kanila. Yun ang isa sa mga pinaka-ayaw kong pakiramdam sa mundo, ang nasasakal. Kaya nang mapuno na ako, tinext ko si Lady S, sabi ko, “Hi Lady S. Sorry but i can’t come today. We’re having problems right now so please don’t call until I text you. Thanks.” Mula noon, hindi na niya ako kinulit. Whew.
Ngayon, wala sakto lang ang weldo ko, di pa din ako makaipon ng malaki, at naalala ko si Lady S paminsan-minsan. Pinapanalangin ko din madalas na wag ko sana siyang makasabay sa bus. Mahirap na. Baka kung ano na naman mapag-usapan namin.
Nga pala, hawig na hawig ng babaeng ito si Lady S:


Hay naku, ang pagyaman ay nakukuha sa tiyaga (maliban n lang kung palarin ka sa lottery). Minsan, nayaya na rin ako sa ganyang okasyon. Sabi ko hindi ako naniniwala maliban n lang kung bibigyan kaagad nila ako ng 1 milyon. Hindi na sila tumawag ulit.
D b sabi nga ni Balagtas: Kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw…salesman un!
pati sa tate sinusundan ka ata ng networking ay mali.. pyramid-ing. tsktsk.
nakow koya wag maniwala sa mga bumbay. hahaha five six ang dadatnan mo jan! haha.. ganda pla ni lady s… kaka adik tingnan. lol