taghiyawat at pag-aartista
Sa tuwing makikita ko yung present pimples ko, naalala ko yung sinabi sa’kin nung kaklase ko nung high school: “Bakit ba conscious na conscious ka sa pimples mo? Mag-aartista ka ba?!”
Siyempre sinagot ko siya ng tumataginting na hindi, pero alam ko deep inside, andoon pa din yung pangarap ko noon na mapasok sa showbiz, o kaya lumabas o mapansin sa TV at kumita ng kamal kamal na salapi.
Oo, isa ako sa madaming mga bata noon na nangarap ding mag-artista. Hindi ko naman binalak na sumali sa that’s my boy. Iba ang trip ko noon. Gusto ko sumali sa 5 and Up o kaya dun sa palabas sa channel 2 na For Kids Only kung saan may mga batang mayayaman na naglalaro lang buong timeslot ng mag bagong labas na mga mamahaling laruan na hindi mabibili ng batang dukha na katulad ko.
Gusto ko mag 5 and Up kasi gusto ko ding maging host gaya ng mga pa-bibong bata doon. Is apa, andami nilang napupuntahang mga lugar na maari kong mapuntahan kapag napabilang ako sa show nila. Naiiinggit ako noon sa mga batang talentado na nagpa-piano, naggigitara nagbibiyulin at nag tutrumpeta na madalas tinatampok sa show. Minsan nga inaya ko noon yung nanay ko na samahan ako sa auditions. Wag na daw, aksaya lang ng oras.
Mula noon, nanatiling nakakulong sa pangarap yung pangarap kong yun. Una, dinagsa ng bata-batalyon na taghiyawat ang mukha ko noon kasabay ng pag-ulan ng mga trabaho sa paaralan at sa bahay. Durog na nga ang confidence mo, sabog pa ang morale mo sa dami ng hinaharap mong mga pagsubok. So sa pangarap na lang muna ang pag-aartistang pangarap.
Gayumpaman, di ko pa din yun binitawan. Naisip ko kasi, kahit papaano, kung mabibigyan lang ako ng break, eh baka maging chance na naming makaahon sa hirap ang pag-aartista ko. Isa pa, kahit gaano ko piloting alisin sa isipan ko yung pangarap nay un, eh madalas ko naman mapanood sa TV yung mga kwento ng mga mahihirap na yumayaman at nagtatagumpay sa pag-aartista. Mga nadidiscover sa malls, ganun. Pero lumipas ang maraaaaming taon, ala pa din. Nag-audition naman ako noon sa PBB at sa MYX. Yung PBB ala olats yun. Pumila ako mula 11am hanggang 4pm para daanan lang ng camera. Sorry dip ala ako maputi on-screen. Sa MYX naman umabot ako sa semis nung araw ng audition. Yun nga lang, din a nila ako tinawagan para sa finals. At least doon kahit papaano nakausad ako. Medyo pumasa ang skills ko, kapos nga lang sa itsura. Haha.
Nakakatanga lang na hanggang ngayon, ganun pa din ang nilalako sa Telebisyon at media- mag-artista ka, garantisado, yayaman ka!
Kaya naman di kataka-takang napakaraming mga bata at mga matatanda ang nagkakandarapang pumila para mag audition sa mga reality shows, mga talent search (insert other programs like starstruck at star circle quest talent search here), at game shows kung saan maari silang mabigyan ng break para maging ticket sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
Yun na nga ba ang bagong Filipino dream? Ang pag-aartista? The dream to shine? To believe? To survive? Isang napakalaking showbiz ang bansang Pilipinas. Mula pulitika hanggang ekonomiya hanggang mismo sa pamamahay ng bawat pamilyang Pilipino, showbiz na showbiz. May Pasikatan, may drama, may tawanan, gaguhan, iyakan, laglagan, pabibuhan, pagalingan at palaging may husgahan.
Isa s mga ex ko noonay artista sa Hiraya Manawari at sa Maalaala mo kaya. Di ko lang siguro napansin pero suking child actress siiya noon. Pero mas pinili niya ang mag-aral. Ayun, ok naman siya ngayon. Therefore, hindi absolute na sagot sa pagyaman at kaligayahan angpag-aartista. Isa lamang iyong malaking ilusyon.
Di porke’t dumarami silang mga Pinoy na nadidiscover sa youtube at nanalo sa kung saan-sanag contests around the world, eh totoo ang biglaang pagsikat at pagyaman. Tignan niyo yang sina Charisse Pempengco, Madonna Decena, Si Vincent Bueno (na nanalo sa singing competition sa Austria), si Arnel Pineda at sandamakmak pang iba, lahat sila naghirap muna at talagang nag-invest ng panahon at effort para mahasa sila. Hindi porke’t nakapag-post ka na sa youtube ng video mo eh sisikat ka na din (pero malay mo diba?) agad.
Ngayon, wala na. Parang ayoko na talaga mag-artista. Malabo na. hello pimples?! Siguro kung katabi ko ngayon yung malaking bulas na laiterong classmate ko nay un, sasabihin niya: “Eh bakit conscious ka?!”
May bago na akong sagot sa kanya: “Bakit ba, magpo-pornstar ako! Wahahaha!”
Joke lang.

6 comments
Hahaha. Naalala ko nung nag-audition ako sa ‘Ang TV’ nung grade school ako. Wala din, dinaanan lang din ako ng camera. Hindi pa kasi ako pogi nun. *LOLz*
[Reply]
sam, thanks sa pagdalaw mo sa blog kong inuugat na! hehe…mejo busy ang lola. anyway, ok lang yan. natanong ko sa derma ko yang tungkol sa pimpols kasi pagod na din ako sa ganyang isyu. ang sabi nya e hanggang 40 yrs old pa pwede magkapimpol ang 1 tao so naku, matagal-tagal pa din akong magtitiis! hehehe…pero in fairness, mejo nakikisama na sila
ngayon…nagsasawa na din cguro sa pagmumukha ko! hahaha!
hapi weekend jan! i-helo mo na lang ako sa pamilya ko jan (haha, as if kilala mo sila!)
[Reply]
gusto ko yung for kids only…. kung ibabalik ulit yung show na yun ipapaaudition ko mga pamangkin ko.. bwahahaha
may next time pa.. sumali ka ulit sa pbb..
kung may talent ka naman pwede ka naman talagang sumikat eh.. tignan mo si bugoy hindi masyadong biniyayaan ng mukha pero ang boses wow.
[Reply]
Naaalala ko tuloy yung mga sumasali ng PBB. Instant artista.
[Reply]
Neber pa kong nag-audition sa kahit ano, pero nais ko talagang maging isang VJ sa MTV. Haha!
[Reply]
shyet ang ganda na sana ng analysis mo, hindi mo pa tinuloy! suggested readings:
Kritisismo ni Soledad Reyes
Aliw: essays on popular culture ni Soledad Reyes,ed.
Ang Mito ng Pagkalalaki ni Roland Tolentino
[Reply]
Leave a Comment