Words for the days to come
Umayos ka ha?!
Yan yung tatlong salitang madalas sabihin sa’kin ngmga kaibigan ko kapag may gusto silang iparating sa akin nang mabilisan. Tulad ng Oo na ng mga kababaihan na may maraming kahulugan, dinadagsa din ako ng mga bagay-bagay sa isipan kapag may bumira na sa akin ng Umayos ka ha?!
Nitong nakaraan mahigit sampung beses kong narinig at nabasa yung tatlong tumataginting na mga salitang yun. Para bang isang malaking billboard na nakabalandra sa harap ko na nagsasabing ayusin ko na ang buhay ko.
Umayos ka ha?!
Oo na, hindi na ako magiging gastador. I know, iknow. Di na magpapadala ngsupport money ang nanay mula sa Dubai. I know, I know ako muna ang magso-shoulder ng ibang gastos. i know, iknow kailangan mag-ipon. Aayos na’ko tay, promise.
Umayos ka ha?!
Kung san-san na nga naghahanap ng made-date eh. Kala niyo naman ganun kadali mag-hanap ng mapapangasawa. Alam ko, alam ko para sa akin ‘to at sa pamilya ko at sa estado namin dito, pero pepepepero, judgmental ang mundo dito. Pansin ko ayaw nila sa mga mukhang bata. Sorry na di ako tumangkad. Sorry na ha? Kayo naman. Tuhod ko lang naman ang di mahaba sa akin. Just wait. You will see.
Umayos ka ha?
Andaming umaasa. Andami ko daw pinapaasa. kailangang umayos. Madaming umaasa. Mga kamag-anak sa Pinas, kapamilya dito, mag kaibigan, mga minamahal. Madami sila. Oo, aayos na ako.
Umayos ka ha?!
Promise magsisipag na ako. DI na ako magiging petiks. Takte naman kasi tong kaugaliang namana kosa mg aninuno namineh- ang pagiging komportable agad. Nakakagago maging komportable agad kapag alam mong dapat gumagawa ka ng paraan para sa ikauunlad mo at ng buhay mo. Gaya ng madami pang ibang mga Pinoy, isa din ako s amga taong madaling maging komportable kapag nka-adjust na ako sa sitwasyon. Tama, aayos na ako. Gusto ko ngmagandang kinabukasan.
Umayos ka ha?!
Sabi ng tatay ko, sabi ng senior namin noon sa kapatiran, sabi ng terror prof ko, sabi ng ex-girlfriend ko, sabi ng mga kaibigan ko, sabi ngkapatid ko.
Promise.
Aayos na ako.

6 comments
Pressured ka na din bang mag-asawa? Naku mahirap nga ‘yan. Umayos ka ha! *LOLz*
[Reply]
samjuan reply on November 17th, 2008 11:34 pm:
Oo kabayan eh. pressure kung pressure. hehe
[Reply]
basta maayos ang buhay madaling makuha ng mapapangasawa kaya dapat talaga UMAYOS KA hehehehe
[Reply]
baka naman kasi pasaway ka talaga, kaya ka pinapaayos?
[Reply]
nanay ko lagi nagsasabi sakin nyan. hahaha.
napadaan lang.
[Reply]
gusto ko lang mag sorry kasi nasabihan kita ng umayos ka, ha?! thrice pa ata. sorry
[Reply]
Leave a Comment