mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Yehey

Isa pang masigabong yehey at may backpack na ulit ako! Salamat sa kabayan-blogger nating si Fritz ng Fritzified.com at sa Jansport at napili nila ang kwentong backpack ng inyong lingkod sa pa-contest nila.

Di ko lubos maisip na mapipili yung kwento namin ni Black Backpack sa gitna ng mga magagaling na sumali sa pa-contest. Salamat talaga ng madami!

Heto nga pala yung kwento namin ni Black Jansport Backpack:

“Kung kwentong Jansport bag lang ang usapan, eh hinding hindi ko malilimutan yung itim na jansport bag na bigay sa akin ng tita kong OFW noong umuwi siya ng Pinas galing Hongkong.

Mula highschool hanggang college kasama-kasama ko yung backpack na yun sa hirap at ginhawa. Mantakin mong nakayanan niyang buhatin yung mga libro kong required dalhin araw-araw noong highschool. Tapos kasama ko siya sa mga outdoor hiking trips namin noong college, bitbit ang mga de lata damit, sapatos at kung ano-ano pa. Kasama ko din yung bag na yun noong sumali ako ng orgs sa college. Saksi siya habang dumadaan ako sa mga pagsubok na kasama sa pagpasok ng org at kapatiran. Madalas nagiging unan ko na din siya kapag nakikitulog ako kung saaan-saan sa tuwing inaabot kami ng madaling araw sa mga production meetings namin. Andun siya noong sinagot ako ng girlfriend ko. Andun din siya noong nag-break kami.

Mahal na mahal ko yung Jansport backpack ko na yun. Sa katunayan, kasama ko din siya noong nagkita kami for the first time ng kapatid ko sa tatay. Sinamahan niya kaming magkapatid na lumilibot sa campus at sa malls hanggang sa ihatid ko siya noon sa bahay ng tita ko sa Caloocan. Andami na naming pinagsamahan ng backpack ko. Kaya naman noong pilit siyang inaagaw sa’kin nung hinayupak na mga holdapers sa jeep sa may Batasan, noong gabing hinatid ko si kapatid, eh talagang nakipag-agawan ako. Bukod sa dala ni Jansport backpack ang unang digicam na binili ko kung saan andun yung kaisa-isang kuha naming magkapatid, eh nakakabit na sa kanya ang mga alaala ng aking buhay mula highschool hanggang college. naisipan ko pa ngang mag-offer ng pera sa mga holdapers bilang kapalit ni backpack pero pinatahimik nila ako ng baril at icepick. Nakakapanglumo lang. Yun ang huling gabi kong nakapiling si backpack.

Hanggang ngayon nami-miss ko pa din siya. Kaya kahit nakabili na ako noon ng bagong backpack, eh hindi ko pa din maikakailang mas mahal ko si black Jansport backpack na bigay ni titang OFW. =)”

4 comments

1 airees { 11.17.08 at 7:04 pm }

Hi Sam! Congrats! Mejo naiyak ako ng konti sa kwento mo tungkol kay backpack. Pero mabuti na lang at walang nangyaring masama sa iyo. Di bale meron ka na din bagong jansport backpack. Ingat palagi. :)

[Reply]

samjuan reply on November 17th, 2008 11:33 pm:

Salamat kabayan!
INgat ka din diyan.
=)

[Reply]

2 Fritz { 11.19.08 at 10:20 am }

maraming nag-agree na kapana-panalo ang entry mo, samjuan! hahanapan ko ng paraan para makuha mo agad-agad-agad ang bag na yan. Salamat sa pagsali!! Congratulations!!

[Reply]

samjuan reply on November 20th, 2008 1:11 pm:

Naku, ok lang kabayan kahit wag mong madaliin. Maraming salamat sa iyong pakontes!

[Reply]

Leave a Comment