Hinamon niya ako ng suntukan dahil sa labahin. Oo, naghamon siya ng suntukan. Lampas alas-dose ng medaling araw, binuksan niya yung main door sabay pasigaw na sinabing “Ano?! Suntukan na lang tayo! Ano?! Square tayo. Tangina ka lalaban ka na ah!”
mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Hinamon niya ako ng suntukan dahil sa labahin. Oo, naghamon siya ng suntukan. Lampas alas-dose ng medaling araw, binuksan niya yung main door sabay pasigaw na sinabing “Ano?! Suntukan na lang tayo! Ano?! Square tayo. Tangina ka lalaban ka na ah!”
Parang eto lang yung nasaksihan ko nung Freshman ako sa unibersidad noong kolehiyo kung saan bigla akong naiwan sa gitna ng kawalan ng mahawi ang mga tao sa paligid ko. Ako naman, na walang clue sa mga nangyayari eh, dinaan-daanan lang ng mga lalaking may hawak na golf-club. Sabi ko pa noon, susyaling mga bata, golfers. But noooo. May hinahabaol pala sila. Mga ilang minuto din akong napako sa kinatatayuan ko. Sunod ko na lang nakita, nagtatakbuhan na palayo yung mga lalaking may dala ng golf-clubs tapos may lumitaw mula sa likuran ng building na lalaking basag ang ulo at naliligo sa dugo. Frat war pala yung nangyari. Ayus, yun ang unang frat war na nasaksihan ko sa unibersidad.
Pero teka, etong kwentong nabasa ko eh hindi fratwar pero may koneksiyon sa golf. Mas malala to. May bugbugang naganap. Pambubugbog ng 56 anyos na matanda at 14 anyos na bata. At eto ang mas panalo, pulitikong mayabang daw ang may pakana nito. San ka pa? Di ko alam kung talagang nagpapasikat lang yung mga pulitikong makapangyarihan sa Pinas eh. PEro ang alam ko, mga mayayabang silang mga trapo na nakaluklok sa pamahalaan. Mga taong gumagamit ng kapangyarihan makuha lang ang mga pansariling gusto nila.
Basahin natin mula sa blog na ito ang pangyayari.
Nag-init ang dugo ko promise.
Tanda ko pa yung palaging puna sa akin ni Mrs D, yung teacher ko noong grade 6, wala daw akong coherence. Madalas daw yung mga sinusulat ko noon walang maayus na pagkakasunod-sunod. Pabugso-bugso kumbaga. Biglaang hirit na walang abiso. Naiintindihan naman pero dapat daw may koneksiyon lahat ng sinasabi ko sa mga talatang sinusulat ko. Yun daw ang coherence. Hula ko lang ah, kung estudyante niya pa ako ngayon, babagsak ako sa parteng iyon ng lesson niya. Hanggang ngayon, wala pa din akong coherence.
Nakatulog ako kanina sa mall. As in sa may gitna ng madaming nagdadaan-daang mga tao na hindi ko naman kilala. Kanina ako pa naman yung tipong mapapikit eh tulog agad. Continue reading ‘Coherence’
Dalawang batchmates noong kolehiyo ang matagumpay nang lumilipad-lipad kung saan-saang panig ng daigdig. Flight stewardess na sila. Dalawa na din yung nabalitaan kong may anak. Super-mommy na sila.
Pangalawang pasko ko na ngapala dito sa 25 pero wala pa din akong anak at pakiramdam ko, palutang-lutang pa din ako.
Sa araw-araw na gumigising ako sa bansang ito, hindi ko pa din maalis sa isip ko yung mga takot at alinlangan kung paano ko matutupad baling araw yung mga pangarap ko sa buhay. Alam kong may paraan, alam kong possible, pero paano at kalian? Excited lang siguro akong lumipad. Pero dahil ako ang gagawa ng sarili kong mga pakpak, dapat pag-igihin ko ang paggawa at hindi ito madaliin. Mahirap na baka hindi ako makarating sa taas dahil baka hindi pa nagtatagal ay unti-unti nang masisira ng hangin ng pagsubok ang ginawa kong mga pakpak.
Makapangyarihang Maykapal, sorry na kasi inantok ako sa simbahan noong Linggo. Oo, minsan na nga lang kami magsimba dito, pero naman! Pagsabihan niyo naman yung pari na nagsesermon sa misa. Puro kaperahan ang sinasabi eh. Alamoyunhalord? Yung tipong gusto mong makarinig ng mga inspirational na mensahe pero ang maririnig mo ay tungkol sa koleksiyon ng pera. Na-gets ko naman yung pangangailangan ng isang parokya ng malaking pondo para sa mga proyekto nito, pero diba, kumusta naman yung panghihingi niya ng pera sa homily? Ano ba father?!
Sorry hindi kita kilala. Sabi ng google galing daw sa North Carolina ang numero mo. Sikat ka pala. Madami ka na din palang mga tinawagan bukod sa akin. Kala ko naman puro mga pogi lang yung tinatawagan mo o kaya isa kang sugo ng swerte at ikaw yung magsasabi na nanalo ako sa pakontes o kaya ikaw na yung magpapakasal sa aking kana, but no! hobby mo lang pala magtatawag ng kung sino-sino. Buti na lang di kita sinagot. Sorry, diko kilala ang area code mo. Di tayo close at di kita kilala kaya di kita sinagot.
Ako gusto mong makilala? Dahil umalis si super big boss, at wala naman akong gagawin, bibigyan kita ng sulyap sa malabong nakaraan ngaking kabataan. Eto na siguro yung blog post na magbubukas ng ilan sa mga blog posts ng mga kwento ko noong bata pa ako.
Akala ko noon porke’t sanay akong magbalanse sa loob ng tumatakbong LRT at MRT sa Pinas, bus at tren dito eh hindi na ako matutumba. Akala ko, dahil bata-bata pa ako at matigas pa ang mga tuhod ko, magaling na akong mag-balance. Pero feelingero lang ako masyado. Kaninang umaga, habang nagmamadali akong pumasok sa pinagtatrabahuhan ko, napatunayan kong wala sa kasanayan, sa tigas ng tuhod at sa edad ang pagbabalanse, lalo na kapag biglang aandar nang walang kaabog-abog yung bus na sinasakyan mo.
Ayus naman at masarap sa pakiramdam pagkatapos. Magaling din pala si ate kahit mukha siyang mataray na kontrabida sa mga Telenovelas. Akalain mong matapos niya akong mapangiti ay mapapangiti ko din siya at masisilayan ko ang mga ginto niyang ngipin. (Ginto talaga hindi tartar yun) Sa susunod hindi na ako magiging judgmental. Minsan meron talagang mga taong mukhang kontrabida pero sulit na sulit ang serbisyong ihahandog sa’yo. Basta magaling si ate. Pinagaan niya yung ulo ko noong weekend.
Pakihawi naman po ang maitim na ulap ng ilusyon na pumapaibabaw sa isip ng marami sa aming mga Pilipino sa pagpili ng iluluklok sa pamahalaan sa darating na halalan.
Nawa’y wag na pong ma-highlight si kahirapan at ma-sensationalize bilang dahilan ng krimen, at sanhi ng mga trapong nagnanakaw ngkamal-kamal na pera ng bayan.
Sana po matauhan na ang maraming mga Pilipino na hindi lang sa showbiz giginhawa ang buhay. Maisip sana ngkaramihan na hindi lahat ngpinapalabas sa Telebisyon ay pawangkatotohanang maaring mangyari sa kani-kanilang mga buhay.
Madami sa mga pinapalabas ngayon ay puro eksaherasyon at inaangkop sa kiliti ng mag manunood. Mamulat sala ngdilat na dilat ang mata ng maraming Pinoy sa mga nangyayari sa paligid.
Please, please naman po, sa iyo, na may lalang ng sangkalawakan, pagalingin niyo naman ang mga Pinoy sa sakit na kalimot nang hindi nila agad malimutan ang mga pambabarubal na ginawa, ginagawa at gagawin sa kanila ng mga nakaluklok sa kapangyarihan at naatasang mamahala sa bayan.
Bigyan niyo po ang mga Pilipino ng anti-glare feature sa mata nang di sila masilaw sa kinang ng pera at suhol mula sa kung sino-sino sa panahon ng halalan. Tapos may paulit-ulit na paalala (a la public service announcement) na basta na lang maririnig sa loob ng ulo ng lahat na ang pera ay di susi sa kaunlaran at sa ikasusulong ng bansa.
Isulong ang Kultura at ang edukasyon para lalong magising ang kamalayan ng karamihan sa ating mga Pinoy na nahimbing na sa bangungot na dulot ng mahaaaaaaaaabang panahon ng pagkakaroon ng sabog na pamahalaan at sistema sa pamayanan.
Nawa’y ang maluluklok na mamamahala sa pamahalaan ay isang Pilipinong may matibay na paninindigan, malinaw ang pag-iisip at may puso at malasakit sa kapwa. Umaasa pa din po kaming lahat sa pagbabago. Makakaasa kayong gagawin ko din ang mga makakaya ko para makatulong sa pagkakamit ng pagbabago sa maraming aspeto ng pamumuhay sa Pilipinas.
Maraming salamat po! Pagpalain niyo kami!
Harinawa.
Continue reading ‘Panalangin sa may lalang ng sangkalawakan’
SamComments