Sorry hindi kita kilala. Sabi ng google galing daw sa North Carolina ang numero mo. Sikat ka pala. Madami ka na din palang mga tinawagan bukod sa akin. Kala ko naman puro mga pogi lang yung tinatawagan mo o kaya isa kang sugo ng swerte at ikaw yung magsasabi na nanalo ako sa pakontes o kaya ikaw na yung magpapakasal sa aking kana, but no! hobby mo lang pala magtatawag ng kung sino-sino. Buti na lang di kita sinagot. Sorry, diko kilala ang area code mo. Di tayo close at di kita kilala kaya di kita sinagot.
Ako gusto mong makilala? Dahil umalis si super big boss, at wala naman akong gagawin, bibigyan kita ng sulyap sa malabong nakaraan ngaking kabataan. Eto na siguro yung blog post na magbubukas ng ilan sa mga blog posts ng mga kwento ko noong bata pa ako.
Sige simulan natin noong fetus pa lang ako. Sabi ni Mamang, si lola ko na nanay ni itay, Ako daw yung fetus na malakas ang kapit at will mabuhay. Ilang beses daw ako noong tinangkang ipalaglag ni Inay sa sinapupunan niya kasi parang hindi pa ata sila handing magkaanak ni Itay. Basta ang alam ko lang, sundalo noon si Itay at si Inay at isang nurse sa pinapasukang kampo ng military ng tatay. Doon sila angkakilala at nagkaligawan at nag-jug, doon din ako nabuo. 19 or 20 lang or baka 18 si Itay noong nabuo ako. Medyo asa rurok siya ng umaapaw na libido sa katawan niya at si nanay ay mas matanda ng onti pero alam kong malakas dina ng sex drive.
So ayan, ako na ang fetus na malakas ang kapit sa nanay. Nahirapan kaya yung kumadronang si aling Marietta sa pagpapalabas sa akin sa sinapupunan ng nanay ko? Malakas daw kapit ko eh, malay ko ba. Oo, sa bahay ako isinilang. Sa papag na may sapin na banig. Paano ko nalaman? Naman! Andami kong baby pictures. Haha. Sagana ako sa baby pics dahil akoanguna nilang apo, pamangkin, anak at marami pang mga una. Base sa mga larawan, ako yung batang may mala-pancit canton kulot na buhok at may bilugang mata na unti-unting nababanat at nagiging mala-guhit habanglumilipas ang panahon.
Salamat sa ilang mga photo albums sa bahay sa prubinsiya at nagkaroon ako ng kahit papaanong malinaw na alaala sa aking kabataan. Andun yung una kong cake na may maliit na manikang hubo na mukhang Hawaiian na may mga buhok na pag nalagyan ng icing ng cake ay kadiri. Andun yung hinahalik-halikan ako ng kung sino-sino at ng mga kapamilya ko. Andun yung mga larawan ng paliligo ko sa batya kasama yung mga kababata kong babae. Ikee. Haha. Andun yung mga handa ko sa bertdey, mga sinaunang mga kalaro, mga sinaunang pinsan, mga kamag-anak na asa kabilang buhay na ngayon at maraaaaaaaaaaaami pang iba.
Ayon sa mga larawan, madami din akong mga laruan. Mga kotse, robots, lego, asong naglalakad tas tumatahol, pati na rin mga bola ng basketball. Hindi, hindi. Hindi kami mayaman. Saktong naaliw langsiguro sila noon sa akin bilang unang apo sa pamilya. Na-excite din kaya si inay nung pinanganak ako? Mukha naman siyang masaya sa mga larawan. Natatandaan ko noon kakahalukay ko ng mga larawan may nakita akong larawan kona may subong lollipop tapos kulot pa ako tas nakapulang polo tapos nakangiti na ewan. Sabi nila lola, karga daw ako ng nanay ko. Sa airport daw yun, isang taong gulang ako. Yun yung panahong tumulak ang nanay papuntang Saudi.
Tapos ayon sa pagkakatanda ko, lumaki na ako sa bukirin, sa Nueva Ecija, kasama sina Mamang, Dadi (lolo ko), at Tito Boy kasama ng iba pang mga kamag-anak.



masarap ang maging una… spoiled pag bata… hehehe…
kahit di ako unang apo, pamangkin, pinsan or whatever, nung bata ako parang ganun din, kasi ako lang yung bata sa Maynila, kaya lahat sabik…
dapat may part 2 eto.. parang bitin ang kwento… hehehe
Reply
samjuan reply on December 16th, 2008 1:46 pm:
Haha. di naman ako spoiled Gilbert
Reply
andaming memories ng probinsiya ang lumabas ko…
Reply
samjuan reply on December 16th, 2008 1:47 pm:
tapos nga ano eh…
Reply
oo nga parang bitin ung kwento…….
masarap talagang balikan ang mga kwento ng buhay nuon kumpara sa kwento ng buhay ngayo hehehehehehehe
Reply
samjuan reply on December 16th, 2008 1:48 pm:
Masarap balik balikan yung mag kwento ng buhay noon kasi naalala mo yung mga pinaggagawa mong kalokohan at katangahan noon. Isa pa, madami ka ding mapupulot na aral. Pero siytempre, andito tayo sa ngayon kaya dapat pagtuunan din ito ng pansin
Reply
yung mga panganay na kilala ko, spoiled. haha.
kala ko pa naman magpapakita ka ng baby pics. tsk tsk. haha
Reply
samjuan reply on December 16th, 2008 1:48 pm:
haha. Sa amin yung bunso ang spoiled eh
Reply
samjuan reply on December 18th, 2008 7:45 pm:
Sa susunod. Ala eh, olats ako naiwan lahat sa Pinas.
Reply
bitin nga lolz! part 2 part 2!
kulot ka pala hehehe!
Reply
samjuan reply on December 16th, 2008 1:48 pm:
Oo, kabayan. kulot
Reply