Tanda ko pa yung palaging puna sa akin ni Mrs D, yung teacher ko noong grade 6, wala daw akong coherence. Madalas daw yung mga sinusulat ko noon walang maayus na pagkakasunod-sunod. Pabugso-bugso kumbaga. Biglaang hirit na walang abiso. Naiintindihan naman pero dapat daw may koneksiyon lahat ng sinasabi ko sa mga talatang sinusulat ko. Yun daw ang coherence. Hula ko lang ah, kung estudyante niya pa ako ngayon, babagsak ako sa parteng iyon ng lesson niya. Hanggang ngayon, wala pa din akong coherence.
Nakatulog ako kanina sa mall. As in sa may gitna ng madaming nagdadaan-daang mga tao na hindi ko naman kilala. Kanina ako pa naman yung tipong mapapikit eh tulog agad. Pagod kasi maghapon kakalibot kung saan-saan para samahan yung kapatid ko na mamili ng ipanreregalo niya. The more friends, the monier. Mas maraming money ang hinihingi niya samin ng tatay. So ayun nga, nakatulog ako sa sofa sa may gitna ng mall habang hinihintay si kapatid na mamili ng boots sa mga tindahan sa tabi. Buti walang nagnakaw ng mga dala-dala kong supot.
Nampucha bakit ba kasi walang baggage counter dito eh?! Namiss ko tuloy ang SM tsaka Alimall at iba pang mga malls kung saan may iwanan ng mga gamit at mga supot ng pinamili.
Tangina kanina sa bus stop may nakasama kami ng kapatid ko na mag-ateng Pinay na anlakas lang ng trip sa buhay. Naknampucha mura ng mura si Ate. Hahahaha. Ganito itsura niya, mga 4ft siya, malapad, malaki boobies as in malakiiiiiiii tas bsta malaman siya. Maikli ang buhok, mala rihanna ikli pero kulay kupas na kalawangin brown, Tapos naka plunging neckline na damit siya so naghe-hello ang mga malulusog niyang mammaria. Tas dahil medyo malamig dito kahit ubod ng taas ang araw, may balot siyang manipis na kulay green sa katawan. Madaldal siya. Sobra. Nung una niya akong makita, bungad niya agad, kumusta pasko niyo? (Oha, alam niya agad na Pinoy ako haha) Ang pangit ng Pasko dito no? Anlungkot. Tapos sabi ko, “Oo nga po eh. Walang wala sa Pinas.”
“Ano sabi mo? PO?!! Hello bata pa ako! Nakupo!” Tas ayun na, naging sobrang likot na ni Ate. By the way may kasama nga pala siya. Yung kapatid niyang babae na medyo mas malaki sa kanya ng onti pero lubos na pinagpala din sa hinaharap at mas payat. May Mexi-kano silang kasama na ginagago nila. Laruan daw niya. Kinukupal palagi. Minumura ganun. Sabay tawa. Anlakas lang ng trip. Tapos biglang kakandong siya sa boyfirend niya tas gigiling giling sa ibabaw. Sabay kunwari niloloko pa niya yung kapatid ko sa boyfriend niyang mukhang lalamunin na ng mga malalaki niyang mga damit, hip-hop si kuya yow! Di ko masyadong pinapansin si Ate kasi papansin na siya. Nag aligaga niya sobra. Pumapara kunwari ng mga sasakyan sabay pakita ng pata-legs niya sa kalsada sabay hirit ng “Mga putangina niyo! Wahaha” Ampf. Wahaha. Ang kulit niya. Kala mo asa palengke lang. “Tangina niyo” Hirit ni Ate.
Nakaka-pressure at nakaka-stress ang pasko dito sa bansang ito lalo na kapag alam mong maraming magbibigay ng regalo sa’yo tas obligado kang magbigay din ng regalo sa kanila. Sabi nga ni tatay, “Di naman pwedeng basta basta tanggap lang kayong tanggap ng regalo.”
Kaninang umaga pinipilit ni tatay na masama daw loob ko sa kanya habang pinagsasabihan niya ako. Ramdam daw niya. At mas marunong pa daw ako sa pakiramdam niya. Di naman talaga ako galit. Ayun, nag walk-out siya palabas. Papunta kami noon sa simbahan.
Ang sakit sa ulo ng Hannah Montana. Nakakaburat lang habang nag-iisip ka ng madaming bagay tas boses ni Miley and friends habang nag-aayos kayo ng gamit sa kwarto.
Inaantok pa din ako. May trabaho na namna bukas. Magpapasko na pala. May trabaho sa holidays. Woohoo. MAligayang Pasko mga kabayan.
Sabi pala ng tatay magpapadala daw ako sa Pinas para sa Pasko. OK. Siya din naman magpapadala. Lord, world peace pls?
Hatinggabo na pero ala akong nagawa na gusto kong gawin. Di ako nakapagpelikula, di ako nakapag-ayos ng gamit, d ako nakapag-blog agad, basta lumipas na lang nang mabilis ang weekend. Ganun naman dito sa bansang ‘to. Ang bilis ng oras.
Ala pa din akong coherence. Random lang. ANg buhay namna ksi random lang. Sorry na Mrs D. Sa susunod, try ko nang ayusin ang buhay ko.

lol randomness pero sana pinatos mo na si ateng malaki ang bubey. malay mo, siya na pala ang aayos ng buhay mo. hehe! :p
Ok lang ang walang coherence, blog mo naman to. Pwede mo isulat ang kahit anong gusto mo… Merry Christmas Sam!!!
medyo dull ang christmas ngaun. i dunno. it’s not as merry as the previous christmas i had.
Hahaha, aus ang blog mo kabayan! bayaan mn ung teacher mo, e sa gnun ka e, un ka! Tsaka, nakakalibang nga ang istilo mo e. Pagka ba iniba mo mas nakakalibang? e kung gnun e di, ibahin mo na, kunghindi naman bakit pa? e di walang nagbasa…hahaha!
magcohere cohere kn lang kung pagkakakitaan ng malaki, ayun, aus…pwd bigyan nang effort…diba, diba, diba?
iba na ang pasko no?