Akala ko noon porke’t sanay akong magbalanse sa loob ng tumatakbong LRT at MRT sa Pinas, bus at tren dito eh hindi na ako matutumba. Akala ko, dahil bata-bata pa ako at matigas pa ang mga tuhod ko, magaling na akong mag-balance. Pero feelingero lang ako masyado. Kaninang umaga, habang nagmamadali akong pumasok sa pinagtatrabahuhan ko, napatunayan kong wala sa kasanayan, sa tigas ng tuhod at sa edad ang pagbabalanse, lalo na kapag biglang aandar nang walang kaabog-abog yung bus na sinasakyan mo.
Panalo lang yung medyo pagtumba ko kanina sa bus. Parang umikot lang ako bigla tas nagtatalbog ng saglit para di tuluyang matumba. Salamat sa lolo na sumalo at umalalay sa akin, hindi ako tuluyang napasubsob sa biglang-andar na bus. Kumusta naman yung kisapmatang pagkatuyot bigla ng contact lenses ko, tapos parang lutang lang ako na inaatake ng mga flashbacks ng alaala ng nakaraan pati ng mga priorities at pangarap sa buhay. Parang biglaan akong nanimbang sa aking mga dapat gawin at gustong gawin. Para bang sa biglaang pag-andar ng bus, nabigla ako at napagtanto kong mas mabigat pala yung dapat kong gawin kaysa sa mga gusto kong gawin.
Gusto kong mag-aral, gusto kong maging tagasulat, gusto kong maging taga-kuha ng larawan, gusto kong maging tatay, gusto kong magpatayo ng art center sa Pinas, gusto kong ilibre yung mga kaibigan ko sa Pinas ng bonggang bonggang libre, gusto kong mamuhay mag-isa, gusto kong pumogi, pero dapat pa akong maghunusdili hangga;t di ako maayos dito, dapat akong mag-ipon pambayad ngbahay, pang-baon ngkapatid ko sa school, at pambili ng anik-anik at para sa emergency. Dapat akong magtiyaga sa trabahong alang sense ng fulfillment kasi dapat kumita ng pera, dapat akong magpakatatag muna at magtiis hangga’t wala pang karapatang umariba ng talent at magpabibo sa bansang ito. Dapat maging praktikal lalo na krisis. Dapat manatili sa trabaho at dapat magkaasawa sa lalong madaling panahon.
May simpleng aral lang akong napulot sa halos pagkatumba ko kanina sa bus- Wag masyadong maggaling-galingan na kaya mo nang magbalanse sa lahat ng pagkakataon. Kailangan mo ding kumapit, lalo na’t hindi mo alam kung kalian biglang aandar ang sinasakyan mo. May mga pagkakataong hindi mo matatantya yung galaw ng kinatatayuan mo kaya dapat lagi kang handa. May sasalo naman sa’yo. PWedeng kamay ng nagmamalasakit na tao (salamat ulit lolo) o kaya yung sahig. Isang paalala ito na dapat ayusin ko na ang equilibrium ko. Masyado akong nakalog nitong mga nakaraang araw.

naman! Miriam Quiambao moment to-its!
Wahaha. Ala namang pagkahulog-sa hagdan-tapos-tumayo agad sabay wave sa audience na moment. tamang tumba lang ng onti tas nasalo ng lolo
very nice metaphor.
alam ko hinde lang ang pagkatumba sa tren ang tinutukoy mo dito, may nakikita akong mas malalim na kahulugan sa mga pangungusap mo. nakakatuwa kung pano mo pini-present ang mga aral ng buhay sa napaka-light na paraan.
naku salamat kabayang Roda at may nakikita ka sa ilalim ng mga nakatype na letra na madalas ay puro typo. Salamat. Mabuhay ka!
hey!!!nakarelate ako s sinabi mo,npaisip tuloy ako,gustong gus2 ko n rin kcing umalis s wlang kwenta kong boring n trabaho,pero d pede kailangan magipon,dhil mhirap ang buhay ngaun
Tama ka jan kabayang Don. Naku, sa hirap ng buhay ngayon eh yung dapat muna ang mas kailangang bigyang priority. Kailangang mag-survive eh
so pagsasakay ng bus, hahawak na ako sa hawakan… ayoko magflash ng ganun ang buhay ko… at saka nakakahiya.. hehehe
Basta kumapit agad kapag may makakapitan. Hehe. malay mo naman pag naliligo ka doon ka atakihin ng flashbacks. =)
natauhan ako, kahapon lang. mangyayari ang dapat mangyaring pagbabago, wala man ako sa mundo.
Pareho tayo. yan din ang naisip ko nito lang. Yung tipong ano ba naman ang silbi ngexistence ko sa kalawakang ito. Iinog at iinog angmundo kahit wala ako. Hay buhay. hehe.
nais ko ring muling mgaral..tama ang dewsisyon mong maging praktikal at isantabi muna ang pghubog sa angking talento.pinpilit kong wag magsisi sa desisyong ipgpalit ang praktikalidad sa nais ko tlgang gawin/trabaho.mukhang ito an pinakamalungkot na pasko sa aking buhay,sapagkat ang perang di nmn tlga nkabibili ng kasiyahan ay wala sa aking mga kamay.at nkkonsensya ako sa hindi pgtulong ngaun sa pgpparal ng kapatid dahil hindi na abot ng sweldo ang pagtustos dito.
gusto ko nang muling kumita ng malaki..
simple ang approach sa pagkasulat pro ang galing… astig. aakalaing mababaw na kwentong may napakalalim na mensahe…
nakakagising…
mabuhay ka!