Ginhawa

Ayus naman at masarap sa pakiramdam pagkatapos. Magaling din pala si ate kahit mukha siyang mataray na kontrabida sa mga Telenovelas. Akalain mong matapos niya akong mapangiti ay mapapangiti ko din siya at masisilayan ko ang mga ginto niyang ngipin. (Ginto talaga hindi tartar yun) Sa susunod hindi na ako magiging judgmental. Minsan meron talagang mga taong mukhang kontrabida pero sulit na sulit ang serbisyong ihahandog sa’yo. Basta magaling si ate. Pinagaan niya yung ulo ko noong weekend.

Kahit na medyo mahal ang singil niya, pinatos ko na din. Minsan lang naman makapagpagupit sa matinong pagupitan. Kaya sabi ko sa sarili ko, bahala na. Walang mangyayari kung hindi ako magte-take ng risk. Di ko malalaman kung maayos ba sila maggupit ditto o parang joketime lang gaya ng mga manggugupit sa mga kanto kanto kung saan aahitin lng nila ng hair clipper yung buhok mo ng mabilis at gugupitan ka kunwari and voila! 12$ na yun agad.

Mahal kasi ang gupit dito. Yun ang isang dahilan kung bakit naisipan ko na lang bumili ng isang set ng panggupit ng buhok, kasama sa set ang iba’t-ibang uri ng mga suklay, gunting at mga blades ng hair clipper (yung makinnang pang-shave na ginagamit kadalasan sa barberya). Kung hindi kasi parang joketime lang ang gupit mo, eh madalas naman di kayo magkakaintindihan ng kausap mong manggugupit.

Minsan nagpagupit ako sa Thai na pagupitan, may mga pictures ng buhok ng lalaki sa pader, tinuro ko ang gusto ko ng gupit, at tuluyang pinaubaya ang kapalaran ngaking buhok kay ate. Pumikit ako saglit. Phinga ba. Masarap kasi magrelax s atunog ng hair clipper at gunting na umiikot-ikot sa may ulo mo. Siyempre ako naman umaasa na maayos angupit told ng sa larawan sa pader, but noooo. Ibang buhok ang ginaya ni ate. Kumbaga number 2 ang pinili kong hairstyle, ang ginaya niyang gupit, number 8! Pag minamalas nganaman ang buhok mo. Ala ka na din naman magagawa dahil nagupitan ka na eh. Nakakahinayang lang yung 12$ na binayad ko sa kanya.

Kaya naman sobrang pasasalamat ko kay ateng manggugupit na mukhang mataray noong weekend at nasunod niya yung buhok sa pinakita kong picture. Wahaha. Tama lang pala na nag-print ako ng picture ng buhok na gusto ko. Mula ngayon, di na ako magiging judgmental. Promise.

____

Maiba lang, nagulat naman ako sa pagpanaw ni Marky Cielo ng GMA7. Di kami close pero yung fact na ang bata niyang pumanaw angnakapukaw ng damdamin ko. Mabait siguro talaga siyang bata. Naku, ako, di pa ako pwedeng madedo. Lalong hindi pwede sa bansang ito. No! Never! Cannot be!

____

Congratulations nga pala sa pambansang kamao ng Pinas, Kabayang Manny Pacquiao! Woohoo! Iba ka! Balato! Joke lang. Siyempre salamat sa nagpapanood sa Yahoo Messenger ng live na laban nila ni Dela Hoya. Salamat sa’yo kaibigan at nakita ko kung paano nilampaso ni Pacman ang golden boy ng boksing.

2 Responses to “Ginhawa”


Leave a Reply